Kabanata 12

20.3K 567 321
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 12


Nakatunganga ako buong maghapon. There's no need to think about Rue's last words but my mind keeps diving into it. Ano raw? He'll court his sister's ex-girlfriend? Sino dun? Sa daming ex-girlfriends ni Ryhs, hindi naman siguro ako?

Probably that is not me.

Habang naghihintay kina Eris, naisipan ko na lang na gawin ang pending activities. Nasa sala ako at tulala sa lalangoy-langoy na mga isda sa aquarium. Mahina kong sinusundot sa labi ang dulo ng ballpen. I felt mental block. Kaharap ko ang laptop pero wala akong maisip na idadagdag sa essay na ginagawa ko.

Nag-chat ako sa GC.

raikyg: where na u mga guys????

lilshawtyjam: ANDALE

sabelugh: OTW NA TITE

erisvescovo: traffic pa sis teka lang

lilshawtyjam: eris, magkasama ba kayo ni besov?

erisvescovo: nasa valenzuela siya, rekta na raw siya kela rai

Sa paghihintay sa kanilang lima, natagpuan ko na lang ang sarili kong ini-stalk na si Rue Vallejo sa Instagram. Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa account niya. Ngayon ko lang nakitang marami pala siyang followers.

Rue Perseus Vallejo. 360 posts. 177 following. 4,312 followers.

I read his bio.

Philippines Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration. I love you.

"Ano 'to? Member siya ng PAGASA Officials?" Natatawa kong sabi matapos basahin ang bio sa profile niya.

I scrolled down to view his posts. Noong isang buwan pa ang huli niyang post. Pansin kong halos lahat ng posts ay mukhang kuha sa concert. Nahinto ako sa isang latest pic.

He has pictures with Stephen Curry and Klay Thompson, including with the other players of the basketball team! Pinapagitnaan siya nilang lahat at kuha pa 'yon sa loob ng arena. Wow!

Maraming comments doon na naiinggit kay Rue, mukhang mga tropa niya siguro. Nakita ko rin ang comment nina Feena at Ryhs.

aryhsvlj: walang credits? ako kumuha ng pictures!

feena_vallewho: Congrats, Kuya! I love you!!!

It made me smile. I envy their siblinghood. I hope I had siblings too.

Nagpunta ako sa ibang posts. From the previous post, it was Chris Brown's concert at Arena in Los Angeles, California. He was sitting beside the girl. Nakaakbay siya sa babae habang parehong naka-I love you sign ang mga kamay. Medyo madilim pero kitang-kita na masayang-masaya sila. Sa second photo ng parehong post, si Chris Brown naman ang nakaakbay sa kaniya!

He's a fan! I'm not a fan of Chris Brown but I like his songs.

Nag-scroll pa ako pababa.

I saw his picture with Theus at Khalid concert in Dubai UAE. Ginanap sa Etihad Park, Abu Dhabi. May solo pic din sila at meron pang kuha sa isang bar kasama ang American singer. Wow!

Napadpad na rin ako sa 2018 posts niya. He also attended The Weeknd concert way back in 2018 here in Manila. I was even surprised to see Rue with Post Malone, Ed, James Andrew Arthur, and... Taylor Swift?!

"Oh damn, Rue Perseus!"

Walang caption na nakalagay kung saan may picture siya kay Taylor Swift pero tingin ko ay kuha 'yon sa concert stage. I guess the concert is about to start or the concert was done. Hindi ko alam. Hindi mukhang haggard si Taylor Swift. Pero hindi naman ata siya naging haggard?! I don't know!

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon