Kabanata 13

19.7K 472 243
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 13


Rue looked amused at my reaction dahil nakuha niya pa talagang tumawa.

"Ba't ikaw 'yung nagsundo sa'kin?! Sa'n si Sovan?!"

"Calm down, Rai," aniya at inarangkada paalis ang sasakyan. "Nasa bahay nina Eris."

"O bakit ikaw nagsundo?"

"Gusto kitang sunduin," seryoso ang pagkakasabi niya no'n pero nakikitaan ko pa rin ng ngiti sa labi. "I want to pick you up so I insisted to Sov."

Nang lumingon siya sa akin, napaiwas agad ako ng tingin. Tumingin ako sa kalsada.

"Did I surprise you?" he asked playfully.

Ngumisi ako. "Medyo. Akala ko si Sov ka e."

He just wanted to pick me up. At bakit gano'n?

"Nag-umpisa na ba inuman niyo?"

"Umalis ako nang hindi pa. I haven't eaten dinner yet so..." Hindi niya tinuloy ang sinasabi.

Kumunot ang noo ko at lumingon sa kaniya. "Hindi ka pa naghahapunan tapos iinom ka?"

Mabilis niya akong nilingon at kakaunting ngumisi. Ang nakakunot kong noo at nakataas na mga kilay ay ibinalik ko sa ayos.

"Are you worried, Rai?" Malandi niyang tanong.

"Ayoko lang mamatay ka. 'Yun 'yon." Ismid ko.

Tumawa siya nang makita ang pag-ismid ko. "Cute."

We were both silent the whole trip. Ako naman, para hindi awkward, nag-cellphone na lang. Scroll scroll kunwari dahil ang tahimik ng GC namin at wala akong makausap!

Nang maalala ko ang sinabi ni Rue na hindi pa siya nagdi-dinner, tumingin ako sa orasan ng phone ko. It's 9:21 PM. Sobrang late na para sa hapunan. Sigurado akong nalipasan na siya.

"Gusto mo Drive Thru tayo, Rue?" kaswal kong tanong at nilingon siya. "McDo or Jabee?"

He cleared his throat. Hindi siya nakasagot agad kahit ang simple lang naman ng tanong ko.

"Alright. Let's eat together," he nodded his head. "Thank you for your concern, Rai."

"Hindi ako worried! Kapal mo!"

Nang magtawanan kami nang sabay, napatitig ako sa kaniyang mukha. Napansin kong kahit madilim na, ang gwapo niya pa rin. Hindi tulad ni Eris kapag sa madilim, mukhang kawatan.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Rue at nawala ang iilang banat ng ngiti sa kaniyang labi nang makitang nakatingin ako. Hiyang-hiya akong nag-iwas ng tingin at nagpatay-malisya na lang.

We went to Jollibee Drive Thru. Pinagbuksan kami ng bintana ng crew. Si Rue ang kumausap doon para sa order.

"Sundae at fries lang sa'kin," sabi ko at naghanap ng one hundred pesos sa wallet.

"Ako na magbabayad. 'Yon lang ba?"

'Yon talaga ang hinihintay ko. 'Yung libre.

"Opo, 'yon lang po," sabi ko at binalik ang pitaka sa likod ng bulsa.

"One sundae and large fries din, Miss."

Mabilis naming nakuha ang order. Buti ay nakahabol pa kami dahil pasara na rin sila. Nag-stopover muna kami sa kanto.

Sinasawsaw ko ang mga piraso ng fries sa sundae habang si Rue naman ay kumakain ng rice at chicken. Ayaw ko siyang daldalin dahil kumakain nga kaya nanood na lang ako ng random videos sa YouTube. Highlights ng laro kanina ng Lakers at GSW dahil hindi ako nakapanood.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon