Kabanata 47

21.6K 558 408
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 47


Wala na kaming naging imikan ni Rue sa nalabing dalawang araw ng misyon sa Iloilo, hanggang pag-uwi sa Manila.

I dealt with Tita Kath's problem. Nag-away sila ni Cresio at ayaw niyang ipaalam na aalis siya. Hindi ko alam ang buong kwento nila kaya nahihirapan din ako at nag-aalala para sa tita ko.

"Tita, anong sasabihin ko kapag nagpunta rito sa Cresio at hanapin ka?"

"Just tell him you don't know. Na hindi ako pumunta rito. I won't take my things so he'll believe it. I just really want to be alone. Everything has been stressing me out. Nakakatakot mabaliw kaiisip."

I drove her to the airport. Hindi ko naman magawang pigilan dahil gustong-gusto nga.

"Tita, nag-aalala ako baka anong gawin mo. Mag-isa ka lang do'n."

"Jesus, Hope! I won't commit suicide! I'm not suicidal! I'll come back here once I'm okay dahil mamimiss ko kayo ni Adiel!"

Kilala ko si Tita. She only shares her problems when she's okay. I want to be on her side when she's not well, but she doesn't want that. She prefers to be alone rather than have the comfort of someone.

"By the way, what got into your mind that you want to leave too?"

I looked away. "Eme ko lang 'yon."

Mariin siyang umirap. "Akala ko naman kung ano nang nangyari sa'yo."

Medyo nai-stress lang ako sa mga ganap. Nakapagpahinga na ako pero nasa loob pa rin ng ulo ko ang hindi nawawalang bigat. Fortunately, our next stop is in Rizal, malapit lang. Makakauwi ako ng gabi kay Adie.

"Ayan na naman siya! Basketball na naman!"

I decided to watch the NBA playoffs to at least relieve my stress. Pero hindi kami magkasundo ni Adie dahil hindi niya hilig ang panonood ng basketball.

"Ilipat mo na kasi sa Disney, Mommy! They keep running around there! Ang pangit-pangit pa ng mga players!"

"Hoy!"

Natawa siyang naiinis. Nag-agawan kami sa remote pero sa huli, dahil marupok ako pagdating sa kaniya, natapos namin ang limang Disney movies nang nasa loob lang ng kuwarto buong araw.

Nakatulog kaming dalawa na bukas pa ang TV. It was already 9:19 in the evening!

Taranta akong tumayo at bumaba sa kusina. It's late for dinner! Napasarap ang bonding naming dalawa!

Imbes na magluto pa, nag-order na lang ako ng dinner sa Mantizmo. I received many messages from clients too but I didn't deal with them yet. Nagkakayayaan din sa group chat ng inuman sa Achie pero nag-reply akong hindi makapupunta.

"Hello, Chef Rai, on the way na po ang order niyo. Pahintay na lang po saglit."

Our delivery rider called to update. Pagtapos ng tawag niya, pumalit ang numero ni Rue. It made my heart jump.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at sinagot ang tawag niya.

"Good evening, this is Rue."

"Napatawag ka?"

My heartbeats were chaotic. I felt like they were in a war.

Bakit bigla siyang tumawag?

"I just wanted to ask something."

Pota. Bakit hindi na lang niya itanong agad. Nagpapakaba pa!

"Ano?"

"About our savings before. Bumili tayo ng lupa. I want to know their current status. Pati ang inipon nating pera noon. Do you still have it?"

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon