Kabanata 20

22.4K 518 515
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 20


"Sabi ko na sobrang ganda talaga rito! 1,000,000 over 10!"

Agree ako kay Jam. Sobrang ganda rito sa Palawan. First time ko rito!

Nakapunta na rito sina Mama pero hindi ako sumama. Feeling ko tuloy magtatampo sila sa akin mamaya.

Inakbayan ako ni Rue. "It's beautiful, isn't it?"

"Oo, lods. Kasing ganda ko."

Hinayaan ko siyang akbayan ako habang papunta kaming suite. Tropa raw kami e. At feeling close rin siya palagi.

"Two suits only. One for girls and one for boys," Rhys informed us.

Tumingin ako kay Eris na nasa gilid ko. I saw he was side-eyeing me. Nang makita niya akong nakatingin, tumuwid siya at kinunot ang noo na para bang aburido.

"See you later, Rai," mahinang sabi ni Rue banda sa tenga ko. "Let's swim together. Gonna text you."

I didn't pay him any attention because I was really bothered by Eris. Hindi ko talaga maalala kung ano'ng pwedeng dahilan kung bakit siya mukhang badtrip sa'kin. Matanong na lang mamaya si Lava.

Pumasok kami sa kaniya-kaniyang suite. Si Feena, tili nang tili at talon nang talon. Binaldog niya ang sarili sa kama kaya nagkauntugan sila ni Sab dahil doon.

"Aaaaah! Kinikilig talaga ako! This is so exciting!" tili ni Feena. "Don't treat me like a baby here, okay?! I'm not a baby!"

Gusto ko agad mag-try ng water activities, pero sabi ni Ryhs, kakain muna raw kami. She's like our mom here, and we're all following her lead. She's so attentive and caring.

Nagpalit na kami. I just wore a halter top and black board shorts with my hair down. Walang sampung minuto akong nagpalit, pero ang mga kasama ko, inabot na ng petsa. Mga babae talaga, oo.

Sabay-sabay kaming bumabang anim. Hinila na ako ni Lava bago pa kami makalapit sa mga lalaking naghihintay sa amin.

"We'll rent surfboards!" ani Lav habang tangan ako tungo sa lalaking nagpaparenta ng surfing boards. "Hello, Kuya!"

"Good morning, Ma'am!" 

Tumingin ako sa mga kasama namin. Masiyadong mataas ang araw kaya kailangan kong magpandong ng paningin gamit ang kamay para tanawin sila sa malayo.

Rue was the first to capture my attention. Like me, he was wearing Adidas board shorts with nothing on top. Adidas? But he's a fan of Nike. Bakit naka-Adidas 'to ngayon? Nakapamaywang siya habang kausap si Yago at Eris. He looked snob while wearing aviators. Mukha siyang dayo.

"I'll pay for two for twenty-four hours, Kuya. Gagamitin namin mamaya ng kaibigan ko."

"Need trainer, Ma'am?"

"Nope. We can handle it."

Nagkatinginan kami ni Rue at kahit malayo, nakita kong bumanat ang labi niya sa isang ngiti. Then he typed something on his phone. Sunod na nangyari, tumunog ang phone na nasa kamay ko. And I knew it was his message.

Rue:

What are you doing there? It's hot.

Ngumisi ako habang nagta-type ng reply.

Ako:

Syempre, hot ako e 😎

Tumanaw ulit ako kina Rue. Kausap niya na ngayon si Ryhs at mukhang kinukulit na rin ni Feena. Lava pulled my arm. Nagpatangay naman ulit ako.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon