Kabanata 29

23.5K 637 720
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 29


"Ate Rai! Nandito ka na po ulit!" the little girl eagerly hugged me by the waist. "Miss po kita!"

"Miss din kita! Sorry kung ngayon lang ako nakabalik."

Sobrang higpit ng yakap niya! Natawa ako at hinaplos ang malambot at mahabang buhok ni Laji.

"Kumusta school mo?"

"So fine!" she beamed cutely as she looked up at me. May sasabihin pa sana siya ngunit nagulat siya nang mapagtantong may kasama ako.

Nilingon ko si Rue na nanonood sa amin. Pareho pa kaming naka-uniform. Dalawang oras ang vacant niya, at ako naman, absent ang prof sa minor kaya nagka-vacant. Naisipan naming gawin na 'to.

"Siya po ba 'yung sinasabi niyong kasama niyo pagbalik niyo rito?" nagniningning ang mga mata ni Laji nang balingan ako.

"Yup!"

"Boyfriend niyo po?"

Nanlaki ang mga mata ko. Nagtakip siya ng bibig at humagikhik.

"Kaibigan ko siya, Laji," pagtatama ko. "Bless ka sa kaniya. Hingi ka pera. Ninong 'yan."

Tumawa ang bata at nilapitan si Rue. Nagulat ako nang buhatin ni Rue si Laji at nakipag-apir sa batang tuwang-tuwa naman.

"What did you eat for lunch?"

"Eggs, rice, and two bananas!"

"That's good. Bananas and eggs are a good source of nutrients. They are rich in potassium and protein. Uminom ka ba ng maraming tubig?"

"Opo! Kaunti na nga lang 'yung laman ng tumbler ko e!"

"Very good. You should always stay hydrated."

Napangiti ako. He looked affectionate with kids.

Tulad ng una kong ginagawa noong pumunta akong mag-isa, 'yon ang ginawa namin ni Rue. Ang mga pagkain na pinreserve ko naman ay hindi masasayang, gagamitin pa rin namin para sa food sampling.

Natutuwa talaga ako. Natutuwa ako dahil magkaayos na kami ni Rue. He apologized, and that was enough to fix things. Wala kaming mararating kung pag-aawayan pa namin nang matagal ang maliit na problema.

Hindi naman mataas pride ko e. Minsan lang.

"Look at the camera, please,"

Napalingon ako sa mahinang tawag ni Rue na abala ngayon sa pag-take ng video bilang parte ng documentation. Balak ko sanang mag-middle finger pero naaalala kong sa case study nga pala 'to at bawal magkalat!

"Beautiful," he mouthed. "Ganda talaga."

I looked away and focused on the kids. Ayokong isipin na 'yon talaga ang nabasa ko mula sa bibig niya.

Matapos naming malikom ang mga pagkain ng bata, binigyan na namin sila ng binili naming mga pagkain kanina sa grocery para pampalit. Tuwang-tuwa naman ang lahat, especially si Laji.

"Kailan po kayo babalik, Ate Rai? Kuya Rue?"

Pareho naming hawak ni Rue sa magkabilang kamay si Laji. Papunta na kaming dean's office. Wala pa naman silang teacher kaya nagmakaawa siyang isama namin siya. We granted her little request.

"Hindi ko sure, Laji, e," sagot ko. "Pero baka hindi na."

Kita ko ang pagsimangot niya. "Edi hindi na po pala tayo magkikita ulit?"

Hindi ko kayang ipangako na bibisitahin ko na lang siya. Not because I wouldn't have time, but because I was afraid of getting attached to the kids, knowing I wouldn't see them every day. Masakit 'yon sa akin dahil kahinaan ko sila.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon