Kabanata 9

22.4K 581 636
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 9


Hindi ko inintindi ang sinabi ni Rue. He maybe was just tripping me. Ayokong isipin ang mga walang kwentang bagay kaya dinedma ko na lang siya.

Simula hanggang nagtapos, maganda ang daloy ng birthday party ni Feena. Kumuha rin kami ng souvenirs. We thanked the Vallejo family for inviting us and they even told me to visit again.

Si Sovan ang naghatid sa akin pag-uwi. I took a bath and sent Ryhs and Mama a message I'm home safe. Bago ako matulog, in-add ko muna sa Instagram Story lahat ng kaganapan kanina sa birthday party. I also added my picture with Feena and greeted her again through IG Story.

Pagod na ako pero nawala naman ang antok ko nang humiga na ako sa kama.

"Tangina talaga ni Eris," sabi ko nang makita sa Instagram Story ni Eris 'yung stolen shot ko na parang patay-gutom na kumakain sa mesa.

Nag-reply ako sa story niya.

raikyg: pakyu ka talaga 😊

Tumingin pa ako sa pangalawa niyang Story. Halos dikdikin ko ang cellphone ko nang makitang kami 'yon ni Rue. Nakatayo kami, may hawak na champagne glass, at nagtitinginan. I was smiling slightly while Rue was half smirking.

'Pinagpapalit mo na ba ako, mahal kong rai? :('

'Yan ang nakalagay sa caption niya. Inis akong nag-reply sa Story niya.

raikyg: hello. gusto mo pa bang masikitan ng sunlight tomorrow?

Habang hinihintay ang walang hiyang reply ni Eris, sunod kong binuksan ang Stories ni Jam dahil magkasunod lang sila.

Parang lalagnatin ako nang makitang video 'yon namin ni Rue habang nag-uusap. Nakita pa ang pagkindat sa akin ni Rue. Ang malala, ginawa pang background music ni Jam 'yung Boom Tarat Tarat ni Kuya Will!

Sunod-sunod ang mura ko.

"Hayup na mga 'to talaga!"

Pati kay Sabel, naka-collage at naka-frame pa stolen shots namin ni Rue! Lahat silang lima puro gano'n ang Instagram Stories!

Pinagpasalamat ko na lang na hindi nila friends sa Instagram si Ryhs at hindi niya makikita.

Tumawag ako sa group chat. Pero ni isa, walang sumasagot kahit online naman silang lima!

"Yari talaga kayo bukas sa'kin!"

Nag-chat ako IG group chat namin.

raikyg: buburahin niyo o buburahin niyo?

Ang tagal nilang mag-seen! Sure akong nakita na nila message ko, hindi lang pinapansin.

raikyg: GAGOMPOTA

Nangangati ang anit ko sa kanila. Ang lalakas talaga ng amats!

lilshawtyjam sent a message to
👨🏻‍🍳 FAMtastic6 👩🏻‍🍳🍳

sabelugh: GOODNIGHT FAM! <33

lilshawtyjam: tite

erisvescovo: goodnight mga kafoodie <33

callmesov: PAHINGA NA KAYO. LOVE U GUYS GOODNIGHT. NAWA'Y PAGPALAIN TAYONG LAHAT SA BAGONG BUKAS

lava_seanna: goodnight, my fam! love you kayo! mwa!

Nag-type ako ng reply dahil alam kong wala silang balak na pansinin ako ngayon. Mga galawan ng mga 'to kabisado ko na.

raikyg: matitikman niyo ang higanti ng isang api

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon