Kabanata 50

33.4K 622 348
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 50


Matapos naming mag-lunch ni Rue, dumiretso kami sa Cathedral-Shrine and Parish of the Good Shepherd para magsimba saglit. Hindi weekend kaya iilan lang ang taong naroon sa loob.

Pinili namin ang bandang gitna. The entire church was huge and beautiful. Naalala kong dito rin kami madalas nagsisimba noon.

As I folded my knees, I started whispering to God how grateful I am.

God, thank You for making me happy. Thank You for completing me. Thank You for giving me this bliss I will keep in my heart till my heartbeats cut.

God, thank You for healing the person next to me. Thank You for helping him achieve his dream despite everything that happened. Thank You for making his heart whole, despite the pain that the world has caused. Thank You for giving him back. To me.

I will love him eternally, just as he loves me endlessly. My love for him may have stopped, but I'm sure, it will remain the last.

Salamat at ipinagbigkis Niyo ulit ang mga daliri naming dalawa. Salamat sa pagpapatatag sa akin at sa kaniya. Maraming salamat at inuwi Niyo ulit siya sa akin. I feel at home now.

Hawak ni Rue ang kamay ko paglabas namin sa simbahan.

"Did you make a wish?" he asked curiously.

"Hindi. Nagpasalamat lang ako," my lips curved upward. "Sa lahat. Sa lahat ng nangyari."

Wala pa akong mahihiling sa ngayon. Ang hindi ko ipinagdadasal, ibinigay sa akin. Ibinigay ang bagay na hindi ko alam kailangan ko pala.

"Ikaw? What did you wish?"

"No. I didn't wish. I just thanked Him too."

Napangiti ako. He opened the car door. Pumasok ako roon at nagpasalamat sa kaniya.

"Wear your seatbelt," he kissed me on the cheek before closing the door.

Ibinalik ako ni Rue sa Arco Iris. We couldn't stay long because he was still on duty. We only spent time together during his breaks, and that was enough for me since we had more time at night.

"Hoy!" hinila ni Sabel ang buhok ko.

Nagulat ako dahil nasa office ko pala 'tong mga 'to!

"Kayo ha! Magkasama kayo ni Rue! 'Wag mo nang itanggi, nakita namin! Nakauwi na pala kayo, 'di mo kami ina-update! Mamamatay na kaming lahat sa sobrang intriga!"

Pumameywang ako at hinayaang bombahin nila ako ng mga tanong. May yugyog pa at hampas. Si Eris naman mukhang maputla habang tinitingnan ako.

Too happy, I told them the details. Nung misyon sa Rizal at ang nangyari sa masayang family dinner kagabi. Kinikilig sa tuwa ang tatlo, habang ang dalawang lalaki, sisinghap-singhap.

"Oh my god, Rai! Kayo talaga ni Rue!" Lav hugged me.

"Imaginin niyo! Ilang taon silang naghiwalay!" nagsimulang magbilang Jam sa daliri. "Isa! Dalawa! Tatlo! Apat! Lima! Anim! Pito! Walo! Siyam! Sampo! Onse! Twelve! Trese! Fourteen! Grabe?! Tapos sila rin pala ang magkakatuluyan sa isa't-isa! Ang plot twist talaga ni Lord!"

Ang ingay-ingay nila.

"Magpa-party tayo! Bading-na-ulit-si-Rai-party!"

"G!!!"

At tinotoo nga talaga ng mga gunggong! Maaga nilang sinara ang Achie para makapag-party sa bahay!

Ako naman, nagpaiwan muna sa Arco Iris. Naghahanda pa ang lima sa bahay at mamayang alas nuebe pa naman daw ang start. Syempre noh! Hindi pwedeng magsimula kung wala pa ang celebrant!

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon