24.

241 22 10
                                    

Kanina pa ako nagdodorbell pero walang nagbubukas ng pinto. At kanina parin ako natetempt na i-punch ang password at pinipigilan lang ang sarili ko dahil iba na ang nakatira sa unit na ito. Ang maliit na condo ni Heins kung saan muling nabuo ang lahat. Ang lahat ng pagnanasa ko sa kanya noon na pansamantalang namatay nang may narealize ako. Nang magbreak sila Jeleen at Jeffy noon, naisip ko kung magiging kami ni Heins noong mga panahong yon baka mapadali lang din ang expiration ko sa buhay nya. Andame nyang naging girlfriend na nauuwe lang lage sa hiwalayan. Ganun din sa mga friends ko. Mga kaklase. Paulet ulit lang ang lahat.

As of today, hindi ko na nga mabilang bilang ang lahat ng babaeng nakarelasyon nya. Andame ko ding inistalk na mga girlfriend nya noon hoping na may makitang butas para siraan sa kanya. At sa dame nila hindi ko narin matandaan kung sino yung pinaka tumagal sa kanya, yung pinaka-bitch, yung ilang mga mababait at nice sa akin at yung  pinakatanga na niloloko nya na ng harapan. So I decided that the smartest thing to do is just wait for him to get tired of playing around. Abang abang lang. But when we lived in this same room for three months, hindi ko pala kaya. Lalandi at lalandiin ko sya.

Naubos na ang pasensya ko kapipindot sa doorbell siguro nasa school pa si Headley, ang bunsong kapatid ni Heins na kasalukuyang naninirahan dito. Si Heather naman e gumradweyt na at bumalik ng Germany, nagtatrabaho sya sa isang travel agency doon. I started to type in the passcode when the door opens revealing Headley all dressed up for a Holloween party. She's a white lady. Yeah. This kid lacks creativity.

"Ate Abba!" She looks surprised for a moment then she hugs me. "What are you doing here?"

"Oops!" Lumayo ako sa kanya at kumawala sa pagkakayakap nya. "You're bloody!"

Napatingin naman sya sa tyan nya na duguan. "Oh! this has already dried up." Hinawakan nya pa yung part na yon ng damet nya. "I was raped!"

Napakunot nalang ang noo ko habang nakatingin doon. "Ang OA naman yata ng nang rape sa'yo. Masyadong madameng dugo!"

"Ah sinaksak nya rin kasi ako after." Paliwanag pa nya.

I can't help rolling my pretty eyes. "Ikaw na!" Nasabi ko nalang at itinuloy na namin ang naudlot na yakapan.

Pumasok na kami sa loob at habang iniikot ko ang paningin sa kabuuan ng unit e hindi ko maiwasang mapangiti sa mga alaala. Naputol lang ang pagmumuni-muni ko nang may nagdoorbell. Ako na ang nagbukas dahil abala na si Headley sa harap ng salamin.

Napaurong pa ako pagkakita sa lalaking nasa labas. "Hi!" Sabi nito habang nakangiti halatang gwapo din ito kahit natatakpan ng makapal na pulbos ang mukha at naka lipstick na black.

I smile and open the door wider for him. Pagkapasok nito hindi ko maiwasang mapatingin sa ulo nito na may nakasaksak na malaking kutsilyo. "You must be the rapist." Turan ko sa sa costume nya.

Nagtaka ito sa sinabi ko saka naman lumapit si Headley dito. "I was raped." Muling pagpapaliwanag ni Headley saka sya bumaling sa'kin. "At hindi kami nagusap Ate. Swear!"

"Wow,  so here's what happened next, pagkasaksak nya sa'yo hinugot mo yung kutsilyo at ginantihan mo sya!"

Napaisip si Headley. "Pero bakit nagmumulto parin ako kung nakapaghiganti na ako?"

Palalim naman ng palalim ang gatla sa ulo ng lalaking hindi pa manlang pinapakilala ni Headley.

Saka lang nakaramdam si Headley, "Ate this is Robert, my date for the night" Bumaling naman sya kay Robert at umabrisyete dito "..and Rob si Ate Abba my brother's ex-future-girlfriend."

"Oh?" Tumingin muna si Rob kay Headley bago nakipagkamay sa akin. "Nice to meet you."

"My brother's getting married so she has lost all the chances to be his future girlfriend." Paliwanag ni Headley dito.

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon