16. Awkward

415 25 9
                                    

Kung hindi pa ako naiyak hindi pa nya ako papapasukin sa bahay nila. Napakabuti talaga nyang kaibigan.

Deserted ang bahay nila siguro mga natutulog ang mga kasama nya kasi katanghalian naman. Which reminds me, that I haven't eaten lunch yet. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.

Paglabas ko ng comfort room, saktong pagharap ni Heins may hawak na juice.

"Have some juice." Pinatong nya sa table yung juice, agad ko namang kinuha at inimum. Isang inuman lang naubos ko.

"Easy.." Sabi pa nya saka umupo at ininum ang juice nya.

Nagkakamot parin ako. Lalo syang kumati andame ko na ngang pantal.

"Why don't you take a bath?" Nakatingin sya sa mga pantal ko sa kamay at braso, hagas na hagas na parang nandidiri.

"I don't have clothes."

"Then wear it again." He says casually.

"Kadiri ka.." Umupo narin ako at nagpalinga linga sa paligid. Nice house.. I want to live here.. Ambisyosa! "Uhm.. where is everyone?" Kanina pa ako curious e.

"Somewhere.." Ang tipid ng sagot nya mukhang ayaw nyang mag elaborate.

"You don't have a maid?" Of course I know they have a maid, naging reference pa nga ni Mario e nung nagimbestiga sya. I think I just want to confirm that he's alone.

"It's her day off." He sips on his juice while looking thoughtfully at me. "You know.. seriously.. you have to take a bath. Don't scratch it might get worse!"

"Wala nga akong damet!" Naisip ko ng magpasundo at umuwe na kasi nakakahiya naman kung magko-commute ako e kamot ako ng kamot.

"Wait here." Bigla syang tumayo at umalis.

"Uy-" Hindi na nya ako pinansin. Looking around at their kitchen I can tell that this family loves to eat.. Um, food.. Tom Jones na'ko..

Maya-maya bumaba si Heins, may dalang damet. "It's my sister's." Inabot nya sakin. Pyjama? " Oh that's the biggest I saw that'll fit to you." Napapakamot sya sa ulo nya, tinitigan ko lang kasi yung damet. Pantulog? "Wear it while you're drying your clothes. There's a dryer outside feel free to use." Yon lang at tumalikod na ulet sya.

So I have to stay here.. Bakit kung kelan decided na akong mag move on saka sya umeeksena.. Noong December 24.. ngayon.. paano ako makaka move on nito?? Tell me? How?

* * *

Ginamet ko yung nakita kong germicidal soap yung may sulfur, medyo nawala naman yung itchiness. Nagbihis na ako ng bigay nyang damet, napaka thoughtful naman nya kasi kompleto.. with undies. Nakaramdam ako ng hiya considering na sya ang pumili nito. Inamoy ko muna, medyo nagalangan akong isuot kasi bago, hindi kasi ako nagsusuot ng ganun kasi feeling ko may chemicals pa kaso wala naman akong choice.

Siguro malaking tao din yung kapatid nya kasi ang natatandaan ko 9 years old palang yung pinaka matanda. Sinuot ko na yung pyjama kasya naman sya medyo kapos lang ng konti.

Napatingin ako sa dibdib ko.. Nangiinsulto ba sya?!

Bigyan ba naman ako ng baby bra? Pero sabagay mas nakakainsulto siguro kong yung sa Nanay nya ang ipinahiram nya.

Pagkatapos kong magbihis, dinryer ko ang suot ko na nilabhan ko kanina habang naliligo ako pagkatapos pumunta na ako sa salas hinahanap si Heins.

Nasan na yon?

Tinawag ko sya. "Heins!" Walang sumagot. Nilaksan ko pa ang sigaw. "Heins!!" Wala parin.

"Honey.." Bulong ko, nagpapractice lang. Playing wifey. Bigla kong naimagine na happy couple kami. Just got married. Tapos eto yung bahay namin.. Ansaya siguro nun...

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon