18. Promenade Part 2. I want you to know

460 23 7
                                    

"Miss, ang ganda naman ng lips mo. Red na red. Pwedeng pahiram ng lipstick?"

"Uhm.. I didn't bring it e." Maarteng sabi ni girl. Nagaalangan pang kausapin ako siguro kung hindi ako kilala sa school malamang tinarayan pa ako.

Kanina pa ako hanap ng hanap ng mga babaeng naka-red lips, pink kasi yung dala ko e. Kasalanan to ni Jeffy e may pa-advise advise pa, seneryoso ko naman. Nasan na kaya sila Tin?

Nahirapan akong kilalanin ang bawat taong nakikita ko. Magkakamukha na yung mga babae. Iisa lang yata ang nag-make up sa kanila. Dahil naka-focus ako sa paghahanap kela Tin hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako.

"Ouch." Maarteng sabi nung girl na nabunggo ko sa likod.

"I'm sorry.." Humarap sya sakin. Napatanga ako, ang ganda nya. Nakakatibo. Biglang may umilaw na bombilya. 200 watts. *Ping! Ping!*

Perfect! She's wearing a classic red. Mala Marilyn Monroe. "Ah Miss. Pwedeng pahiram ng lipstick?" Nginitiian ko sya, yung pang mabait na ngiti.

"Huuwhaaat?" Mataray nyang sabi tapos napatingin sa labi ko. Napailing. Binuksan nya yung purse nya. Lumiwanag ang aking mga mata. Maliwanag pa yata sa buwan. Inabot nya sakin ang pinakaaasam asam kong lipstick. "Here."

"Thanks." Nagsimula na akong maglagay ng lipstick pero nabubunggo ako ng mga dumadaan.

Hinigit ako ni pretty girl sa tabi. "Akin na."

Kinuha nya yung lipstick. "Aah" Bahagya syang ngumanga. Ginaya ko sya.

"Ayan.. perfect!" Nakangiti nyang sabi. "Wanna see?" May kinuha syang maliit na salamin at inabot sakin.

"Woah! Magic lipstick ba yan?" Nginitian ko muna ang sarili kong repleksyon bago ko ibinalik yung salamin nya. Ang ganda ko talaga!

"It's Mac." Sabi nya na nakangiti parin. Hindi naman pala sya mataray nagulat lang siguro sya kanina. Mukhang friendly naman sya.

"Ahh.." Ano yon? "Ahh.. Thank you.. uhm.. what's your name?" Kanina pa kasi ako nagtataka kung bakit hindi ko sya kilala e lahat ng magaganda sa school kilala namin kasi may list kami nila Tin ng Top 10 Most Beautiful People sa school e pang number one ang beauty nya. Syempre excluded kami sa list, kung isasama namin sarili namin e di anim nalang ang kulang. Hindi naman kami ganun kasakim, we give chance to others.

"I'm Theena and you are?"

"I'm Abba."

Nagkamay kaming dalawa. "Nice meeting you Abba. Uhm.. I gotta go. Bye.." Nagpaalam na sya.

"Bye..thanks.." Nasabi ko nalang bago sya umalis. Nakatingin parin ako sa kanya habang papalayo sya. Ang ganda ganda naman nun.. Bagay na bagay sa kanya yung blue dress.. Hay T'boli yata ako!

"Abba!"

Nagiisa lang ang mga boses na yon. Agad akong tumingin sa may kanan ko. Sa sobrang gulat ko, matutumba yata ako sa pagkakatayo ko. Panu ba naman si Tin at si Ivy may kasamang dalawang nilalang na saksakan ng gwapo.

To the rescue agad yung dalawa. "Okay ka lang? Anyareh?" Ang ganda ng ngiti ni Ivy.

Hinigit ko silang dalawa at nang may sapat na distansya na kami mula dun sa dalawang gwapo saka ko sila inusisa. "Saan nyo napulot yang mga lalaking yan? Ba't di nyo rin ako kinuha?!"

Binatukan ako ni Tin. "Gaga! Ang sabi mo may Heins kana!"

"Right.. Tama!" Napatingin si Ivy sa paligid. "Nasan na pala yon?"

"Wala inindian ako!"

"Dapat sinabi mo agad! Nasabi sana namin kay Kuya!" Tiningnan ako ni Ivy na animo'y awang awa sakin. "Hays, dahil mabait kami sige ishe-share nalang namin sayo!"

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon