21.

300 19 6
                                    

T/N: Wala na pong title para exciting ((:

* * *

VOICE OVER

"I WILL NEVER FORGET THAT NIGHT!!! I WILL NEVER FORGIVE YOU!!! I'M GOING TO HAUNT YOU UNTIL YOUR GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GREAT GRANDCHILDREN'S GENERATION!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

EXT. OLD WELL UNDER AN OLD ACACIA TREE AT THE BACK OF AN OLD HOUSE

Isang babaeng nakaputi ang unti-unting lumalabas mula sa balong malalim. Ala Sadako entrance. Natatakpan ng malagong buhok na sing itim ng gabing walang buwan ang kanyang mukha. A creepy sound can be heard.

Ngayon ay makikita ang kanyang puting kasuotan na nababahiran ng mga natuyong dugo. Gross.

INT. YOUNG MAN HOLDING A HUGE CROSS. HE'S FRIGHTENED TO DEATH

Pagkakita ng lalaki sa imahe ng babae na ngayon ay malinaw na sa kanya na ang kanyang kaibigan na nagpakamatay at sya pala ang dahilan ay agad nyang itinapat ang krus sa harap nito pero nginitian lang sya nito. Wa epek.

"Wala akong kasalanan! Hindi ko alam!!" Hindi maitatago ang takot sa boses ng lalaki.

Agad na tumakbo ang lalaki nang makalabas na sa balong malalim ang babae. Nanlilisik ang mga mata nito. Hindi ito ang kanyang matalik na kaibigan. Siguro'y naangkin na ng demonyo ang kaluluwa ng kanyang kaibigan dahil alam nyang hindi sya nito magagawang saktan.

Habang tumatakbo ay nilingon nya ang kinaroroonan ng babae pero wala na ito sa may balon. Pagharap nya ay ang nakaririmarim na mukha ng babae ang bumungad sa kanyang harapan. Gusto nyang sumigaw pero walang lumalabas na salita sa kanyang bibig.

Napaurong sya pero mas mabilis ang kamay ng babae na dumampi sa kanyang leeg at naramdaman nalang nyang umaangat na sya sa lupa kasabay ng pagbagsak ng hawak nyang krus.

"Ma- ma.. Mahal Kita!" Pinilit nyang magsalita at pagkasabi nun ay agad syang binitawan ng babae. Natigilan ito. Hindi nya sinayang ang sandali at tumakbo sya sa kabilang direksyon.

Hindi pa sya nakalalayo ay nasa harapan na nyang muli ang anyo ng babae. Mas naging mabangis ito. Hindi na nya ito makilala.

"Walanghiya ka!! Multo na ako't lahat pinapaasa mo parin ako!!" Nakakasulasok ang mukha nito na sadya pang inilapit sa kanyang pisngi. Pilit nyang di ipinahahalata ang pandidiri.

"Patawarin mo ako! Hindi ko sinasadyang saktan ka!!" Nagsusumamo ang kanyang tinig pero lalong naging nakasisindak ang babae.

"HINDI KITA PATATAHIMIKIN! HANGGANG SA KANUNO NUNUAN MO AY MATITIKMAN ANG PAIT NG AKING PAGHIHIGANTI!!!!!" Umeecho sa madilim na gabi ang galit na sigaw ng babae habang may tumatalsik talsik sa mukha nya na nangingitim na likido. Ew.

Tumakbo sya papalayo rito. Mabilis na mabilis ang kanyang mga hakbang. Hindi na nya alam kung anong direksyon ang tinutungo nya basta ang alam lang nya ay kailangan nyang makaalis dito.

INT. BALONG MALALIM

Mabilis ang takbo ng lalaki. Walang direksyon. Nabubunggo na sya ng mga malalagong halaman at natitisod ng malalaking ugat ng mga matatandang puno. Takbo lang sya ng takbo halos hindi na sya humihinga.

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"

Namalayan nalang nyang nahulog na pala sya sa balong malalim. Ang bilis ng mga pangyayari sing bilis ng pagiral ng katahimikan sa kanyang buong sistema.

V.O. NAKABIBINGING HALAKHAK MULA SA BABAENG MULTO

FADE TO BLACK

HOLD END CREDITS

* * *

"Woah. I bet you'd take home the best actress award. You gave justice to the role."

"I know." I roll my eyes and look at him with sarcasm. "I was too inspired."

"Who's the inspiration?" He asks inching closer to me.

"EWAN!!!!" Tinulak ko ang mukha nya at agad na tumayo baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Nagiging bayolente na kasi ako these days. Pag nakikita ko sya parang gusto ko syang bugbugin. Ilang linggo na ang nakalilipas mula ng gabing yon pero naghuhuramintado parin ako. Ikaw ba naman ang humigop ng napakaraming lakas ng loob para umamin tapos joke lang sa kanya? Napakamanhid hindi naman ako mukhang nagjojoke nun saka sya nga yung nagsimula e =___________=

"Problema nun?" Narinig ko pang tinanong nya kela Ivy.

Lalo lang akong nanggigil kaya tuluyan na akong umalis baka hindi na ako makapagpigil at may masaksihan pang mas magandang palabas ang mga estudyante. May Filmfest kasi sa school namin at mga juniors ang kalahok. Horror ang naging entry ng section namin at pinagkaisahan ako ng buong klase na gumanap na multo para daw wala ng masyadong effort. Mga walanghiya talaga sila. Grupo nila Tin ang gumawa ng screenplay kaya medyo naimpluwensyahan ko ang istorya.

Pumunta nalang ako sa iba naming classmates na nakaupo sa may gilid ng Academy Hall ang naging venue ng aming short film showing. Last show na ang para sa gabing ito at ngayon narin ang awards night. Tinabihan ko yung director namin yung pinakamatalino kong classmate.

"Mukhang may chance ka sa best actress." Mahina nyang bulong.

"Aba syempre." Sagot ko naman.

Feel na feel ko yata ang role ko dun kasi iniimagine kong si Heins yung minumulto ko. Walanghiya talaga sya hindi ko mapapatawad ang ginawa nya. Ininvite ko nga syang manuod baka sakaling tamaan sya. Baka sakaling marealize nyang para sa kanya yung iba kong linya tapos wala rin namang kwenta. Napakamanhid talaga.

* * *

"And the best actress award goes to...."

TANTARARAN!!!!!

"...from Balong Malalim! Abba Pring!!!!"

Nakabibinging palakpakan. Chos! Umakyat ako sa stage  to receive the award. Ang weird nga eh nakasulat dun sa trophy pangalan ng tatay ko. Sa kanya pa talaga sinolicit. Kainis. Sabihan ko yang si Daddy pag uwe ko hanggang dito ba naman umeepal sya.

"Ahm thanks to all my classmates down there."

"WOOOOOOOHHHH!!!!" Malakas na sigawan ng mga retarded kong kaklase. Pasira ng moment.

"Hindi ko makukuha tong award na'to kung di dahil sa cooperation nating lahat para mapaganda ang movie na ito. Lalo na kay Direk Jonas. Wow. Director ka na. Hahahaha!"

WOOOOOOOOOOOHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!

Mas lalong lumakas ang sigawan nila kaya tinapos ko na speech ko.

"That's all. Salamat." Ibabalik ko na yung microphone sa emcee nang may maalala ako.

"Oh. One more thing. To the most insensitive person I know. This was all because of you!" Itinaas ko yung trophy kasabay ng sigawan ng mga mongoloid kong kaklase. As if naman nagets nila.

*laters* (:

T/N: I have a new story po Ledger & The Journal sana po suportahan nyo rin ((:

P.S. Sana may magcomment, I need feedback.. maganda pa ba ang flow ng story.. I need some idea.. Anong gusto nyong mangyari kela Abba at Heins wala na akong maisip e haha XD

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon