10. All I want for Christmas..

340 30 2
                                    

"Abba hindi mo pa ba kakainin 'tong mga papaya mo?"

Dala-dala ko ang laundry ko pababa para palabhan kaya napadaan ako sa may kusina kung saan naroon si Nanay Maring, ang aming kusinera at in-charge sa bahay parang mayordoma ganun, matagal na syang naninilbihan sa pamilya kaya hindi narin iba yung turing namin sa kanya.

"Hindi na po, mas bagay yata sakin morena e. Ah nasan po pala si Inday?" Magpapalaba na kasi ako para lumambot narin yung mga kamay ko parang kay Heins. Ano ba yan Heins na naman!

"Oh buti naman at nagpapalaba kana, bakit ba naman kasi ikaw ang naglalaba ng mga damit mo e pwede mo namang palabhan." Ayoko kasi talagang may ibang humahawak ng mga damit ko lalo na yung mga paborito ko saka sanay naman ako sa mga gawaing bahay bata palang, noong kami lang nung Nanay ko ang magkasama ako naman ang gumagawa sa bahay lalo na nung nagkasakit si Nanay.

"Nagbago na po kasi ako ng pananaw sa buhay." Nasabi ko nalang.

"Ah kaya pala ayaw mo naring magpaputi. Akin na yan ako ng magdadala." Kinuha nya sakin ang mga labada ko. "Pero wag kang magpapaitim anak papanget ka, kaya kainin mo na 'tong mga papaya mo sa ref baka masira na." Halata ang pagmamalasakit sa mukha ni Nanay Maring kaya naniwala naman ako.

"Ganun po baa?? Naku sige po lalantakan ko na." Agad kong kinuha ang mga papaya at kinain kahit masuka suka na ako. Napansin ko meron pa pala akong tirang avocado sa isang lalagyan. Pagkatapos kung kumain kinuha ko na yung avocado at saka hinaluan ng Nido, ubos na kasi yung fresh na gatas ng kambing pwede narin siguro ito. Umakyat na ako sa kwarto ko para simulan ang ritwal. Ang hirap namang magpaganda este lalong gumanda!

* * *

"Ang ganda ganda mo talaga Abba!"

"Syempre naman, ako ang pinaka maganda sa buong Kabulas!"

Sabay kindat sa salamin. "I'm so pretty!!"

Katatapos ko lang ilagay sa mukha ko yung avocado, yung natira sa buhok ko nalang. Tambay na naman ako nito sa comfort room ko ng tatlong oras, pero okay lang paglabas ko dyosa na ako.

**Te te teet, teee teeeet, te te teet** 

#nokiamemories

"Ui may nagtext! Sino naman kaya yon... Sana si Heins namiss ako!"

Nag-mantra muna ako bago ko inabot yung cellphone ko. "Heins.. Heins... Heins..." Feel na feel ko ang orasyon with matching paghulma pa ng imaginary crystal balls sa ibabaw nito saka dinampot, tinakpan ko muna yung maliit na screen.. pinipintahan..

1 message received
My Everything

"Woooohhhh!! Hahaha effective pala yon!" Sayang saya ko mukha akong tanga, nagsasalita akong magisa sa banyo.

"Dapat pala mina mantrahan ko sya ng live para magustuhan na nya ako e!" Sabi ko pa.

In-open ko na yung message pero pumikit ako. "I miss you.. I miss you... I miss you..." Sabi ko sa isip lang saka ako nagmulat at binasa ang message..

Did Rachel change her no.?
I miss her...

**BOOGSSH!!!**

Kalas kalas ang cellphone sa sahig. Bwiseeeet!!!

Akala ko pa naman tapos na ang Rachel episode at si Exotic girl nalang ang karibal ko. Kaya lang ba nya ako kinaibigan dahil kay Rachel? Ansaklap. Waaaaaah napakasakeeeet!!!

* * *

"Ano Abba okay na ba yung stage?" Tanong ni Mario, busy kami ngayon kasi December 24 na at pasko na bukas ngayon na din ipapalabas yung play nila Heins bago magsimbang gabi kaya medyo hagas na kami este sila pala, busy akong mag emote e.

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon