12. The Wedding Dress

349 20 1
                                    

"What the hell is that?"

Yung hawak hawak ko agad agad kong tinago sa may likuran ko. Nakalimutan ko na namang i lock yung pinto, nakapasok tuloy si Ate Abby.

"Wala project 'to sa Art." Pagsisinungaling ko.

"Kailangan naka frame?" Sumandal pa si Ate Abby sa may pintuan at naka taas ang kilay habang ang mga kamay ay naka cross sa may dibdib, feeling donya na naman.

"Oo e may sayad Prof namin." Hay hindi pa ba sya aalis baka dumami pa kasinungalingan ko..

"Bumaba kana! Ano pang hinihintay mo? Pasko na!" Tumalikod na ito, buti nalang hindi na sya masyadong nag usisa.

Tinabi ko muna yung tinatago ko, mamaya ko nalang aayusin. Sinigurado kong naka lock ang pinto bago ako lumabas.

* * *

"Abara kanina pa kita hinahanap." Lumapet ako kay Lolo at hinalikan sya sa pisngi.

Hindi naman lingid sa lahat na ako ang pinaka paborito nitong apo kasi kamukha ko daw ang lola ko. Pero pag tinitingnan ko ang portrait ni Lola nung kanyang kabataan na nakasabit sa wall sa may stairs e parang ayokong pumayag. Joke lang po! Baka naman hindi kagalingan yung painter, hindi ko rin naman kasi nakita ang lola ko nung nabubuhay pa.

"Merry Christmas 'Lo!" Masayang bati ko kay Lolo.

"Merry Christmas sa paborito kong apo, habang tumatagal lalo mong nakakahawig ang iyong lolang si Benita!" Masama mang aminin pero medyo naiinis talaga ako pag may nagsasabing kamukha ko si Lola kasi pag napapatingin ako sa portrait nya..

Hindi ko na naman napigilang mapasulyap sa painting na nasa may hagdanan.. Ayoko talaga! Ay joke lang po ulet! Lola wag mo akong dadalawin!

Niyakap pa ako ni Lolo. Sa America na naka base si Lolo kasama ang babae nyang anak na sa picture ko palang nakita, si Lolo lang kasi ang umuwe ngayon.

"Let's eat! Mag a alas dose na!" Tinawag na kami ni Tita Mabelle.

Kumuha ako ng maraming pancit. Pancit lang kakainin ko wala ng iba kahit maraming masasarap na pagkain pa ang nakahain basta may pancit hindi ko yun papansinin.

"Abara try mo naman 'tong spaghetti ng Tita mo, hindi ka ba nauumay dyan?" Inabot na sakin ni Daddy yung spaghetti. Ayoko talaga sana pero yung tingin ni Daddy may ibig sabihin, minsan lang kasi magluto si Mabelbel.

Kumuha akong konti saka tumikim. "Hmm ansarap Tita, may talent ka pala!" Grabe gusto ko ng sumuka! Bakit kasi nakikiluto pa e, hindi nalang hayaan si Nanang Maring!

"Sariling recipe ko yan!" Proud naman si Mabelbel. Kaya pala!

After naming kumaen e nag exchange gifts na kami. Ang nabunot ko kasi si Daddy, wala na akong maisip na pwedeng iregalo sa kanya kaya bumili nalang ako ng polo na blue, e kasi puro red ang polo nya paano kasi red yung campaign color nya kaya lage syang naka pula. Para maiba naman ang kulay nya, pantanga lang kasi e masyado nyang sineseryoso.

"Anak bakit naman kulay ng kalaban itong binigay mo?" Tanong ni Daddy mukhang disappointed.

"That's my point Dad! Akala ko lahat nasa inyo na pero wala kang damit na blue!" Pagpapaliwanag ko.

Natawa si Ate Abby. Nakita ko yon!

Minsan lang kasi yung ngumiti at makipagbiruan kaya ang saya ko.

"Ang talino talaga ng apo ko. Benito, isuot mo yan ngayong Pasko so people will know that the spirit of Christmas is whithin you. Forget the vices we are all in one this Christmas!" Political advice from the man himself. Hindi na nakatanggi pa si Daddy.

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon