3. It started with a bang!

753 61 19
                                    

November 1, 2014

Eternity Paradise

Maligayang araw ng mga patay including me, and tonight is my resurrection back to the living.. again.

It's hard to let go of someone who haven't been yours coz everytime you think of him, and I just can't stop thinking of him, all I do is wonder what could it be if we had the chance? will it work out? Or we'll just end up hating each other and losing the friendship, but even if it did, it's way way better than what I am right now. Regretful and hating it.

I guess this is why I can't go on coz I always go back asking those damn questions. Pero kahit gaano ko man kagustong makalaya mula sa sarili kong kahibangan hindi naman ganun kadaling bitawan ang lahat, lalo na't wala ka namang hawak na bibitawan. Nasasaktan ka kahit hindi ka naman sinaktan. Umiiyak kahit hindi pinaiyak. Nagmamahal kahit hindi nararamdaman. Mabuti pa yung lokohin ka ng boyfriend mo at ipagpalit sa iba at least yon malinaw. Alam nyang nasasaktan ka at umiiyak ka dahil may karapatan ka.

Pakiramdam ko tuloy isa ako sa mga patay dito sa sementeryo, mas mabuti pa nga ang kalagayan nila.

Sila wala ng buhay, ako wala ng dahilan para mabuhay.

Sila nananahimik na, ako hindi matahimik.

Kung hindi lang ako lilitsonin sa hell baka kinain ko na yung mga kandila at flowers na pasalubong ko sa Nanay ko. Teka, nakakamatay ba yon? Mas nakakahiya kasi kung makakaligtas ka pa.

Two years narin since nung last na umuwe ako dito sa probinsya, hindi naman sana ako uuwe pero hindi ko narin kasi nadadalaw ang Nanay ko dito sa Eternity, pero ang main reason ko talaga sa pagpunta dito ay upang balikan ang lahat ng alaala ko kay Heins bago ito pakawalan at makapagsimula ng bagong buhay.

Oo, tanggap ko na, nakakapagod na din umiyak tapos hindi naman alam ng taong yon na iniiyakan mo sya kaya magmo-move on na'ko pero bukas pa, magrereminisce muna ako haha.

Kagagraduate ko lang sa elementarya nang iwan ako ng Nanay ko sa mundong ito dahil sa malubhang sakit at mula noon sa Daddy ko na ako tumira kahit ayaw ko. Sya ang Mayor dito sa Kabulas, ang pinakamalaking bayan dito sa aming probinsya. Marami kaming magkakapatid halos lahat panganay, yung iba hindi nya nirerecognized, kaya lang ako natanggap kasi paborito ako ng Tatay nya, lolo ko, kasi kamukha daw ako ng lola ko na hindi ko na naabutan dahil matagal na itong pumanaw.

Hindi ko alam kung anong love story nila ng Nanay ko kung meron man, basta ang laging sinasabi ni Nanay noon huwag akong mahihiya dahil kailan man hindi sya naging kabit. Which begs the question, paano ako nabuo? Pero syempre hindi ko na yon tinanong.

Sa bawat istorya palaging may kontrabida, sa kwento ko ito ay nasa katauhan ni Tita Mabelle, ang second wife ni Daddy na napromote from "the town's infamous mistress" to "the legal prying wife", ang codename ko sa kanya Mabelbel e kasi lagi nalang syang buntis kaya hindi na sya pumayat payat.

Napapangiti nalang ako pag naiisip ko ang lahat ng nangyari, saksi ang sementeryong ito sa aking kabaliwan kaya masyado ng makasaysayan ang lugar na'to. Sinadya kong pumunta dito ngayon, sa huling pagkakataon gusto kong mabuhay sa nakaraan na para bang pag ginawa ko yon mababago ang kasalukuyan. At pagkatapos, lahat ay ililibing ko na sa libingang ito para wala ng balikan.

Nasayang na ang kalahati ng buhay ko sa kahihintay ayoko ng sayangin pa ang natitira sa kasasagot sa tanong na "what if" na wala namang tuwirang sagot.

Dito nagsimula ang lahat, at dito ko na rin tatapusin. At the same time in the same place..

#ultimatethrowback

Eternity Paradise

November 1, 1999

Kabulas, Tugan Province

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon