13. Of New Year's Resolutions and Jeffy

280 22 0
                                    

My New Year's Resolution..

Wala na ba silang ibang maipagawa? Kanina sa Pilipino ito rin yung pina-essay. Ngayon sa English naman! Pag talaga kare resume lang ng klase tamad mag isip ang mga teacher. E tinatamad din akong mag isip e!

Bigla akong nagka idea, ang bright ko talaga! E-englishin ko nalang yung sinulat ko kanina sa Pilipino. Ano na nga ba yon...?

Ah! Magda diet na ako.. I'll start a diet.. ay parang mali..
I'll have a diet.. ay mas mali..
I'll go on a diet?
Parang okay na yata yung una..?

Nai stress ako sa essay na'to parang mas mahirap englisin yung nagawa mo na kaya napagpasyahan kong mag compose nalang ng bago.

I won't judge other people of their looks anymore even if it's only on my mind...

Nosebleed ako pagkatapos ko nung essay hindi na kasi nahahasa yung English ko kasi almost 2 weeks narin since I last spoke with Heins. Napagtanto ko tuloy, andame palang advantages ng pakikipag usap sa kanya. Nai improve kana in conversing in English, kinikilig kapa! 2 in 1! Namiss ko tuloy si Heins..

Mukhang kailangan ko ng mag isip ng bagong event na isasali sya para palagi ulet kaming magkasama, next school year pa kasi sya magaaral at sisiguraduhin kong dito sya sa school na 'to papasok same section kami at seatmates! Handa kong ipagpalit 'tong tatlong bruha na katabi ko. Aba lalake muna bago kebigan hahahaha! Minsan lang yun e, ang mga kaibigan palage namang nandyan!

Hindi ako makapag isip ng maayos kung anong next event ang pakulo ko kasi parang may mga bubuyog akong naririnig.

"Anong kaguluhan yan? Naririndi ako sa bulungan nyo! Dapat hindi nyo nalang ibinubulong e noh anlakas lakas naman!" Nakaupo kami sa dulong corner sa may pinto sa tabi ng window.

"Narinig mo na ba ang latest?" Bulong-sigaw ni Tin, umiling lang ako.

"Natupad na ang aming panata bago gumradweyt si Papa Jeff."

"Isa sa amin napansin narin nya!"

"Kaso 3 months lang syang makakapiling graduation na kasi."

"May summer pa naman!"

"Pwede din naman long distance relationship, nagwowork din naman yon!"

Huh?? "Wait, sandali!" Napa bulong-sigaw narin ako. "Isa isa lang! Ambilis nyong magsalita, wala akong naintindihan!"

"Si Jeff.. nanliligaw.. kay... Jeleen!" Binagalan naman, sabay pa sila Tin at Ivy habang si Jeleen sayang saya mukhang naka-jackpot sa lotto, abot tenga ang ngiti.

"Look girl!" Itinaas pa ni Jeleen ang Ferrero na malamang e galing kay Jeffy. Tatlo. Bakit pag nanliligaw laging tatlo binibigay? Iloveyou agad?

"Congratulations girl! Nagbunga ang ating sipag at tiyaga! Ikaw ang nagwagi!" Nasa magkabilang dulo kami ni Jeleen sa aming apat pero pinilit kong abutin ang kamay nya para i-congratulate sya.

"Gaya ng napag usapan. No hard feelings! At least isa sa aming tatlo ang nabigyan ng pagkakataon." Napataas ang kilay ko kay Ivy.

"Hindi talaga ako kasali?"

"Ang sabi mo referee ka lang. Taga awat. Although alam naman naming patay na patay ka rin kay Papa Jeff!" Hindi ko yun alam ah!

"Alam nyo naman pala e so dapat kasali ako!" Ipaglalaban ko ito!

"Bakit nakikigulo ka pa e sa akin na nga sya!" Si Jeleen masyadong possessive, napaghahalata!

"Wag kang OA hindi pa kayo! Saka magpa hard to get ka naman!" Feeling ko kasi kaya lang sya niligawan ni Jeffy e dahil alam nyang may gusto si Jeleen sa kanya. Kumbaga may panghihinayang!

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon