Main Cast

1.4K 75 9
                                    

If love waits..

Saan kaya ang waiting place?

Kung alam lang ni Abba malamang doon sya tumambay.

Pero ang love nga ba may perfect timing?

Paano kung hindi dumating yong tamang panahon o ang masaklap lumipas na pala ito ng hindi mo namamalayan?

Ipipilit mo pa ba? Pwede pa nga ba?

Ikakasal na sila Abba at Heins ngunit hindi sa isa't isa, ito na nga ba ang wakas?

Ang buhay, kung hindi mo ginawa ang mga dapat mo sanang ginawa e walang pinagkaiba sa iyong mga nabasa, puro question mark. Ang bawat kwento dapat nagtatapos sa isang tuldok, happy ending man ito o tragic.

This is a story of how a mere wedding dress ended everything.

MAIN CAST

ABBA LOGAN PRING
STATUS : Waiting

Kapag ba bida kaylangan laging mabait? Lahat ng magagandang katangian nasa kanya na pero laging inaapi, simple lang tapos medyo panget muna sa simula tapos biglang gaganda at magugustuhan na ng bidang lalaki.

Kung nauumay kana sa ganitong plot, try mong basahin ito pero kong iyong classic na bida talaga ang gusto mo wag mo na 'tong pagaksayahan pa ng oras, maiinis ka lang dahil ang bida dito nagmamaganda, bobita, tatanga-tanga pero manipulative, inggitera at makasarili.

Eh bakit ba sya nagkaganito?

In love na in love si Abba sa bespren nya for 15 years, gagawin nya ang lahat para mahalin din sya nito, maubos man lahat ng posibleng bagay na pwede nyang gawin, she'll do the impossible!

Ano naman kaya yon?

HEINS SCHMIDT
STATUS : Confused

Ang bespren ni Abba na ubod ng gwapo! Mas hot pa kay James Reid at mas sexy pa ang boses kay Daniel Padilla!!

OA lang hahaha pagbigyan nyo na ang author nito, sabi nga nila kung mangangarap ka lang din lubos lubusin mo na.

Half-German si Heins at sobrang playboy pero matindi palang magmahal nang main-love, kay Abba kaya? Hmmm...

MIKE
STATUS : Cannot be determined

(a German name for a girl, pronounced as Mika) Ang misteryosong karakter sa kwentong ito, secret muna kung ano sya este sino pala.

MARIA ISABELLA DE TAGLE
STATUS: Feeling blessed

There's not a word that describes her perfectly than PERFECT. At si Abba, syempre inggit much! Kay Isabel nga lang ba mapupunta ang lalaking inabangan nya ng labinlimang taon?

JASON
STATUS : Hoping

Tulad ni Abba isang dakilang abangerz din si Jason pero ang pinagkaiba nila, si Jason naghihintay lang samantalang si Abba kapag nainip pinakikialaman si Inang Destiny!

Ano nga ba ang mas effective na technique?

Eh may technique nga bang effective kung ayaw talaga?

TORN
STATUS : Dreaming

Walang iba kundi ako hahaha nakikisali? Aba syempre kung titigil ako sa pangangarap e di titigil din ang kwentong 'to.

Ang kwento kung paano ipagpilitan ang sarili..

Kung paano ang umasa sa wala..

Ang maging desperada..

Ito ang kwento ng hindi pinili.

Torn's Note:

Okay. This is not a note but disclaimer. This is my first attempt in writing a novel.. So be patient with common errors like grammar, spelling, etcetera etcetera. Also, I'm only using my phone so there's a lot of typos for sure.

Comedy po ito sana mapasaya ko kayo. Comment lang po kayo kung ang corny ko na pala. Keep reading :D

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon