6. My Guardian Angel

465 38 5
                                    

Dahan dahan akong pumasok ng bahay at naka-tiptoe pa ako paglakad, hating-gabi na kasi kaya mayayari na ako nito. Antagal kasi naming nagkwentuhan ni Heins, close na kami! Saka kinuwento ko pa kay Mario ang lahat kaya lalo akong natagalan kasi detailed akong magkwento e haha.

Nakalampas na ako ng hagdanan at malapit na sa kwarto ko.

Ayan..malapit na.. nakikita ko na ang tagumpay!

"Saan ka galing magaling na babae?!" Bigla ko nalang narinig ang boses ng isang halimaw mula sa may likuran ko.

Patay! Si Mabelbel! Nakakapagtaka hindi ko manlang naramdaman may sa-halimaw talaga. Inabangan siguro ako nito kasi ang layo ng kwarto nila sa kwarto ko, anong ginagawa nya dito? Anyways, prepared naman ako.

"Ah natagalan lang po kami mag-brain storming.. ideas sa Christmas decors.. party.." Tiningnan ko si Mabelbel, mukhang hindi ito convinced, naniningkit ang bulaga nitong mga mata, masama ang tingin sa akin. Nagdududa.

"Tinawagan ko ang anak ni Mrs Rodriguez wala naman daw kayong meeting!" Mahina ang boses nito pero pasigaw, takot lang nitong magising ang baby nya kasi baka padedehin na naman nya.

"Kasi Tita kami lang muna ni Mario ang nag meeting para may idea na kami beforehand." Kalmado kong sagot. Para di halata.

"Palagi yata kayong magkasama ng assistant mo! Baka kung anong brainstorming na yan! Hindi ka namin kinupkop para lang pumatol sa mga pipitsuging lalaki!"

Parang gusto kong matawa dun ah, kami ni Mario? andume talaga ng isip ng Mabelbel na to kasindumi nya saka kung mangalipusta sya e dati lang naman syang sekretarya na naging kabet.

Lalo ako nitong pinanlisikan ng mga mata siguro kung si Superman to baka tunaw na ako. "Ano't nangingiti ka dyan? Hindi kana natatakot sakin?" Galit na sabi nito.

"Hindi naman po, pero kung worried kayo samin ni Mario kalimutan nyo na ahaha. Goodnight po." Hindi ko na napigilan ang matawa.

Kung pwede ko lang sabihin ang tunay na pagkatao ni Mario e ginawa ko na para hindi kami pinagiisipan ng masama pero kasi pag sinabi ko e di wala na akong pam-blackmail.

Iniwan ko na si Tita Mabelle na nagtataka.

"Mukha ba kong nakakatawa?" Narinig ko pang sinabi nito.

* * *

Kinabukasan, Sunday morning.

Sabay sabay kaming nagbe-breakfast at mamaya e sisimba ang buong pamilya. Parang family day kasi namin yung Sunday e. Ang pinagdarasal ko lang sana wag na naming makatabi sa seat sila Rachel kasi pag nagkakaharap si Tita Mabelle at si Tita Rhodora na Mommy ni Rachel e parang may World War III. Last time kasi e nagparinigan sila pagkatapos nung misa. Buti nalang naawat ni Daddy kasi kay Rachel ako naaawa e alam ko sya yung nahihiya.

"Abara, ginabi kana daw sa meeting nyo ni Mario?" Yung tono ni Daddy parang may something sa tanong nya. Ano kayang sinabi nitong Mabelbel na'to.

"Nagprepare lang po kami para sa general meeting for Christmas e para may suggestions na kami na theme. Alam nyo naman po na ayoko ng mahabang paguusap gusto ko pag nagmeeting kami e may idea na para yon narin yung masunod para tapos agad." Alam kong wala akong kwenta at ayokong magpanggap.

"Hindi ganyan anak, hindi lang ikaw ang masusunod pakikinggan mo din sila. Sa pulitika para tumagal ka dapat pahalagahan mo mga kasama mo." Nagsimula na naman si Daddy na manermon hindi ko naman kailangan ang advice nya sa politics ang kailangan ko love advice hahaha.

"Hindi po ako politicians." Nasabi ko nalang.

Nakakalimot yata itong pinilit lang nya ako at ni hindi nga ako nagfile ng candidacy, nagulat nalang ako paglabas ko ng bahay nagkalat na ang pagmumukha ko sa buong barangay tapos ang slogan pa

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon