15. Split Personality

376 26 4
                                    

"Manong wag nyo na po akong hintayin. May friend po ako dito sa neighborhood eh bibisita narin ako. Sige po. Salamat." Sabay suot ng shades.

"Okay Ma'am. Ingat po." Yon lang at bumaba na ako. Pagkasara ko ng sasakyan saka ko naalalang isaklub yung hoodie ko. Baka kasi may makakita sakin e matsismis pa akong baliw o buntis.

Ang misis kasi ni Dr. Lee ay OB Gyne at dito din ang clinic nya sa mismong baba ng bahay nila. Yung matsismis kasi na nababaliw na ako e medyo okay lang pero yung buntis hindi yon okay. Wala nga akong boyfriend e. Hindi naman ako si Mama Mary.

Dali dali akong pumasok ng clinic. Nang nasa loob na ako ibinaba ko ang hood ng jacket ko at tinanggal ang shades. Sabay flip ng hair. May cute kasing nasagap ang mga mata ko. Nag o-OJT siguro mukhang estudyante pa e.

"Ma'am this way po." Nag smile sya sakin. Tinuro nya yung door na nasa right side kunyari kasi mukhang hindi ko alam kahit nakita ko naman yung malaking sign.

"Thank you." Ngumiti din ako. Hay, buti pa dito may gwapo.. Wait. Sandali. Alam nyang psychiatrist ang kailangan ko? Ibig sabihin mukha talaga akong baliw? Kesa naman mukhang buntis! Ay oo nga pala.

Shinake ko ang ulo ko, clearing my thoughts. Ano ba yan nababaliw na nga yata ako napapadalas ang paguusap namin ni brain..

Parang sinabi ng instinct ko na lumingon kaya bigla akong napalingon. Sure enough, si cute guy at yong isang babaeng assistant yata mukhang nagpigil ng tawa pag harap ko, sinamaan ko sila tingin.

Napaka unprofessional! Hindi ba nila alam na pang psycho 'tong pinagtatrabahuhan nila?! So parang inamin ko na psychotic na nga ako?

In-open ko na yung door. Tumambad sa akin ang nakangiting si Dr. Lee.

"Kamusta hija?" Bati nya. Tumayo pa sya para i-gesture na umupo ako. "Have a seat please." Iba talaga pag VIP.

"Thanks Doc. I'm okay." Kunusta daw ako e, pero ibig sabihin ko na din dun na matino ako.

"Of course you are." Umupo na rin sya ulet. I can sense that he's trying to make the conversation as normal as it should be.

"You have someone with you?" Casual nyang tanong.

"I'm with myself." Sagot ko.

He tilted his head to his right then ask me. "You're with yourself?

Tumango nalang ako. Saka ko lang naisip wrong gramming pala.. nakakahiya naman. Hindi na nga ako mag i ingles. I'm all by myself nga pala.. kanta na nga hindi ko pa naisip.. pwede ring I'm alone hayss.. nasan na ba si Heins nang mapractice ang English ko..

May sinulat si Doc. Pinilit kong tingnan pero hindi ko magets parang guhit lang. Hala baka 1 point na 'ko ah. Kailangan galingan ko ang sagot baka mag positive ako. Ansaklap naman wrong gramming lang naman e!

Iko correct ko na sana yung sinabi ko kanina pero naunahan na akong magsalita ni Doc.

"I understand that you're kind of busy studying and at the same time serving the youth.. but do you get enough sleep?" Sumandal sya sa executive chair nya at pasimple akong pinagaralan.

"Yes Doc. Mga 8-9 hours po ang tulog ko." Ang totoo e lately puyat talaga ako kasi nga in love. Naks. Pero kasi pag sinabi ko baka may isulat na naman sya e di 2 points na ako.

Napatango tango lang si Doc. "I see.." Sabi pa nya. Good job Abba!

"But isn't it difficult?" May follow up question pa pala sya.

"Hindi naman po. Hindi naman po ako nagiisa." Sagot ko.

"How many are you?" Biglang tanong ni Doc, yung tone nya monotonous pa rin.

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon