4. I just fell in love. . .

635 49 11
                                    

"O Abba, bruha antagal mo kanina ka pa namin hinihintay, pupuntahan kana nga sana namin eh naka ready na kami." Salubong ni Ivy pagkarating ko sa may itaas ng Musoleo nila na may parang rooftop pa. Mayaman kasi ang pamilya nila, mayaman pa nga sa Daddy ko na politicians lang naman.

"Kaya pala ang ganda ng upo nyo dyan." Hanep lang sa ready e nanghahaba pa ang mga leeg kakadungaw sa kapitbahay.

"Kumain ka oh. Nakita mo sila Mommy sa baba?" Inabot nya ang isang malaking chippy na agad ko namang kinuha.

"Wala bang coke?" Hinagis nya ang isang mineral water na muntik ko ng hindi masalo, hay pwede na rin. "Thanks. Yea nakita ko sila Tita nandito nga daw kayo sa taas."

Napatingin ako sa dalawa, si Jeleen at Tin, na abalang abala ang mga mata at hindi manlang yata napansing dumating na ako.

"Wala pa kasi si Jeff, pero nandun naman na yung mga kamag-anak nya usually naman gabi sya dumadalaw. Hay hindi kumpleto ang undas kung hindi ko sya masisilayan." Halata ang panlulumo sa mga mata ni Ivy, mukhang naluge.

Napailing na lamang ako sa narinig ko.

Bigla nya akong tiningnan ng masama, yung tingin na mapagduda. "Hmm bakit parang kakaiba yata ang aura mo. Mukha kang nakangiti kahit di ka naman tumatawa."

Huh??

Ngayon naman tinitingnan nya ako ng pailalim kung hindi ako sanay iisipin kong may sira na'to. "Magsabi ka ng totoo. Bakit antagal mo? San ka pumunta? May kasama ka noh? Anong nangyari??"

Grabe lang makatanong at hinila pa ni Ivy ang braso ko na parang nanghaharass, seryoso talaga. Inggitin ko nga. Tumingala ako sa langit habang ngiting-ngiti sabay sabi:

"I just fell in love!"

"What?!" Pati yung dalawa ni Tin at Jeleen nakisabat na din at sabay pa talagang lumingon at nag 'what?'.

"Don't tell me kaya wala si Papa Jeff dahil magkasama kayo??" -Jeleen

"Traydor ka! Kaya pala nang iwan kita kanina di mo manlang ako pinigilan!" -Tin

Lalo pang hinigpitan ni Ivy ang hawak sa braso ko saka biglang binitawan at dinuro ako. "Kunwari ka pang referee ka makikiagaw ka rin naman pala sa bola. Buwaya ka! Crocodile!" Hanep at inenglish pa.

I roll my eyes heavenwards at kung hindi lang ako magmumukhang may S (sayad) baka 360° pa. "Bakit kay Jeffy lang ba pwedeng ma-in love? Sya lang ba ang gwapo sa buong Kabulas?!"

"Oo!!!" Sabay-sabay nilang sagot.

Me: (O.O)

"Well, not anymore. I just bumped into someone with the most disarming smile." I said dreamily at tumingala ulit ako sa kalangitan like I'm praising the Lord, Hallelujah.

Bigla kong naalala yung nangyari kanina..

"What are you doing here alone?" Usisa nya habang naglalakad na kami pababa, sasamahan na daw nya ako syempre tatanggi ba ako e minsan lang to.

"Coz I'm alone." Sagot ng taong naubusan na ng English. Hirap na hirap na kasi ako dugong dugo na!

Ano kayang lahi nya parang wala namang American accent tulad sa mga movies, marunong pero halatang hindi din English ang mother tongue.

"What are you?" Tanong ko, sisimulan ko na ang interview.

Natawa lang sya tapos biglang nagseryoso yung boses nya. "I thought I look human enough but you still found out."

Huh?? Tinatanong ko lang naman kung anong lahi nya kasi halata namang hindi sya pure na Pinoy.

Bigla akong napatingin sa kanya and for a split-second nakaramdam ako ng takot, takot na baka hindi sya totoo. I did a double take. Wait, may pimple sya. Totoo sya, hindi nagkakapimples ang mga multo pero paano kung nandoon na yon nung namatay sya. Hay, ano ba yan..

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon