9. Free Chance & Perseverance

383 31 3
                                    

[ Torn's Note: Babala, wag itong basahin kung ikaw ay kumakain o kakain pa lamang pero kung hindi ka naman madirihin okay lang naman, tae lang naman ang mababasa mo. Oops sorry! XD ]

Sinalubong kami ni Kapitan Kardo dito sa maliit na port sa Pulong Diablo o Kabayohan whatever, abot tenga ang ngiti nito isimo'y isang panauhing pandangal ang kanyang sasalubingin e ako lang naman 'to.

Minsan, ah hindi, most of the time! Pinagsisihan kong isa akong Pring lalo na't sinali-sali pa nila ako sa politics na yan kasi pag kaharap mo mga constituents mo kailangan all smiles ka kahit naiirita kana kasi ang init.. tapos pagod na pagod kana.. minsan naman kahit busog na busog ka pa kailangan mong kainin ang hinanda nila sayo tapos kailangan yung mukha mo talagang mababakas na nasasarapan ka kasi yon nalang yung pakonsuelo mo sa kanila, yung makita nilang naaappreciate mo hinanda nila masaya na sila dun. Madalas nga jebs na jebs na ako tapos andame ko pang iha-handshake, alam nyo yong ngingitiian mo sila isa isa tapos babatiin mo "Kamusta na po kayo?" Kasi ako hirap na hirap na!!

Wala kaya yong kasing hirap, yon kaya ang pinakamataas na uri ng pagtitiis kung alam nyo lang! Ang tunay na kahulugan ng perseverance!!

Hindi mo naman pwedeng sabihin sa kanila, "Mamaya ko na po kayo kakamayan ha tatae muna ako." Ang rude ko naman nun at lalong mas nakaka-offend naman kung basta nalang akong aalis baka isipin nila nandidiri akong kamayan sila e ang totoo nga nun ayoko ko silang madumihan, aba hindi naman 100% na nadadala ng Safeguard yon kahit ng pinakamatapang na alcohol pa, kaya tinitiis ko nalang para sa kapakanan nila!

See? May malasaket din ako sa mga kababayan ko, hindi rin naman nasayang ang boto nila kahit papano. Tulad nalang ngayon, kahit hindi pa ako nakaka-get over sa mga isla na yon e heto't pinapantayan ko ang ngiti ni Kapitan kahit inis na inis parin ako sa Heins na 'to, sa kurimaw na 'to na hindi ko maintindihan kung bakit di ko magawang magalit sa kanya!

Baket kahit nahu-hurt na ako sa mga banat nya e hindi ko kayang seryosohin ang pagka-pikon!

Bakit asar na asar na ako e pagpapacute parin ang nasa isip ko?!

Ganito ba talagang ma-in love?

Eto na ba yong pagibig?

Nakakatanga ba talaga yon?

"Ha?" Napatingin ako bigla kay Heins kasi siniko nya ako, nagtaka pa ako saka ko lang naalala may kausap nga pala ako. Ano ba yan abala naman! nage-eternalize pa ako eh!

"Ah mabuti naman po." Sagot ko kay Kapitan, kamusta daw kasi ako. "Ah Kap, si Heins po pala, boyfriend ko."

Biglang napatitig sakin si Heins. "Boyfriend?"

"Huh? Anong boyfriend??" Wait, did I just say..

"Ahaha joke lang po! Ang ibig kong sabihin e friend na boy. Si Heins po, ang boy friend ko. Friend na boy. Heins, si Kapitan Kardo, ang punong barangay dito sa Matinik." Ano ba yan kumakawala na naman ako sa realidad!! Abba gumising ka!!!

Yung tingin ni Heins, nangaasar na naman. Inirapan ko nalang sya. Kainis talaga. Di bale na ngang mabuking nya. Totoo naman! Saka yon naman talaga ang goal ko sa araw na'to! Hahahaha XD

After ko silang i-introduced e nagkamay na ang dalawa habang si Kapitan e nangingiti-ngiti pa. "Akala ko e talagang may kasintahan kana hindi yata namin nabalitaan."

Natawa lang si Heins, lagi nalang syang natatawa. Wala na ba syang ibang alam na reaksyon?

Bakit ba kasi lumilipad na naman ang diwa ko? Dinaan ko nalang sa biro, birong may pasaring na may konting landi. "Eto po kasi e choosy pa!" Sabay hampas sa braso ni Heins, hampas na may paghagod. Napahalakhak naman si Kap, kinikilig?!

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon