7. Friends

469 37 4
                                    

Antagal naman nilang matapos..

Kanina ko pa hinihintay matapos ang practice nila. Pero ito kasing si Ms. Linda masyadong kina carreer at hindi pa pinagbi-break manlang ang mga tinituruan nya, kunsabagay 4 weeks nalang and every Saturday afternoon lang ang practice.

May itatanong kasi ako kay Heins para kasing ang gulo nung sinabi nya kanina, ngayon lang kasi nag-sink in sa utak ko, ngayon lang naprocess.

Ang naaalala ko kasi ang pagkakasabi nya:

He asked his Dad if he ever knew someone named Mika, and his Dad said she was his best friend and she died.

Question:

Hindi nya alam na bestfriend nya itong Mika na'to?

Baka naman mga bata pa sila noon kaya hindi na nya naaalala.

Nakakacurious naman. Parang may malalim na kwento sa pagkakaibigan nila. Yung pag bigkas nya sa pangalang Mika, may malalim na emosyon na hindi ko masabi kung ano basta mabigat at hindi lang basta lungkot. Bakit kaya ito namatay?

Pinanood ko nalang sila at nakakatawang pagmasdan 'tong si Heins habang binabasa yung script, kunot na kunot ang noo nito haha Tagalog nga pala yon kawawa naman. Pero konti lang naman ang mga dialogue dun, parang pantomime nga lang e na puro kanta.

Pinapanood ko parin sila nang mapansin ko itong si Janna, ang gaganap na Mary, palapit yata ng palapit ito kay Heins at mukhang nagpapacute.

Aba teka! At nagtatawanan na sila! Mukhang kaylangan ko ng pahanapin si Mario ng bagong Mary, dapat yung hindi ganyan kaganda!

Dumating narin ang merienda na pinadeliver ni Mario, tanda na tapos na ang practice. Si Mario kasi ay busy sa pag o-organize ng mga events ngayong darating na pasko kaya ako ang in-charge ngayon dito na pinili ko syempre alam nyo na at saka hindi nakakapagod, panonoorin mo lang sila at pagkatapos pamemeriendahin.

I don't want to waste my time pretending to be a good public official which, obviously, I'm not.

Tama narin naman tong ginagawa ko kasi pag nakita ng mga tao na wala talaga akong kwenta e di hindi na ako pipilitin ni Daddy na maging politicians.

Hindi ko maintindihan ang mga Pilipino, iboboto nila ang kandidato dahil lang sa apelyido nito hindi nila tinitingnan yung tao mismo e kung tutuusin madami namang mas deserving, pero hindi nila iboboto kasi hindi kilala. Paano uunlad ang Pilipinas?

I'm not saying na walang nagawa ang pamilya namin, si Lolo magaling sya at may malasakit talaga sa kapwa kaya mahal na mahal sya ng mga tao dito kaya nga si Daddy ay nanalo ng tumakbo sya kasi anak sya ni Lolo at kahit ako kaya nanalo ay dahil lang din sa apelyido ko.

Pero hindi ibig sabihin nun na pag ang isang tao ay mabuting pulitiko, ang mga anak nya ang mga apo nya ay ganoon din! Sana magising na ang mga tao.

Hays, now I sound like a concerned citizen who I'm not, Coz "I'm just a girl, standing infront of a boy..'' -giving him his sandwhich...

"Ibibigay mo ba yan? I'm starving." Basag nya sa pangangarap ko. Pag nakikita ko kasi sya feeling ko nasa isang movie ako at kami ang bida.

"Ha? Ah here..." Inabot ko na kay Heins ang sandwhich na kanina ko pa pala hawak-hawak para ibigay sa kanya, special delivery, kasi yung iba bahala na silang kumuha.

Wow lang first time nyang nakipagusap sakin ng Tagalog, sana laging ganito.. Ang sexy ng pagka-slang nya...

Inabot nya yong sandwhich at kinain agad, ang gwapo parin kahit mukhang PG. "What happened?" Nakatingin lang sya sakin habang kumakagat sa sandwhich nya. "You seem lost."

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon