14. Abba goes berserk

327 23 3
                                    

Ilang araw ko ng tinititigan ang cellphone ko pero wala paring My Everything na nagpaparamdam. So kinuha lang nya ang number ko para itanong ang happenings kay Rachel? Ganun ba yon?

Kanina pa ako natutuksong itext sya. Ayoko syang itext. May pride naman ako..

Sabay pindot sa Write message key.

Musta?

Send to > favorites > my everything

Send.

Ok?

Yung thumb ko nakatapat na sa okay key.. May pride ako di'ba?

Cancel. Cancel. Cancel. Cleeeeeeaar.

Napagpasyahan kong i delete narin ang number nya para hindi na ako matukso.

Are you sure you want to delete this contact?

Yes?

Buong lakas ng loob at determinasyon na binura ko ang number ni Heins.

Saka ko lang naalala, Memorized ko nga pala yung number nya!

Hindi talaga ako matahimik. Hindi mapakali. Kalagitnaan na ng January, nung December 24 pa nung huli kaming magkita. Miss na miss ko na sya. Ah! Mantrahan ko kaya!

Hinawakan ko ang phone habang sinasabi, "Heins.. Heins.. Heins.. magparamdam ka!"

Inulit ko pa ito ng limang beses. Tapos. Wala. Walang nangyari.

Ah dapat may hand gestures para umepek!

Ipinatong ko sa kama yung phone at nag sitting position. Indian seat.

Inulet ko ang mantra, this time with matching paghulma na ng imaginary crystal balls tulad nung dati.

"Heins.. Heins.. Heins.. Magparamdam ka!"

Pumikit pa ako.

"Heins.. Heins.. Heins... Magparamdam ka!"

"Heins.. Heins.. Heins... Magparamdam ka!!"

"Anong ka demonyohan yang pinag gagagawa mo?! Nambubulabog ka ng kaluluwa?!" Isang halimaw ang nagparamdam, bigla akong napamulat para lang masilayan ang mukha ni Mabelbel na takot na takot.

"Ano yan?! Spirit of the... phone??!" Napahawak pa si Mabelbel sa dibdib nya ang OA lang.

"Ah.. hehe.. wag po kayong magalala hindi po ako nambubulabog ng kaluluwa. Buhay po yung tinatawag ko." Grabe, matatakutin pala sya. Nagka idea tuloy ako, minsan nga pagtitripan ko si Tita hahahahaha.

Napailing iling ito at tiningnan ako na para bang nasisiraan na ako ng bait. "You need to consult a Psychiatrist! I'll tell that to your Dad!" Umalis na si Tita Mabelle.

Hmp nabasa ko kaya, sabi ng isang psychiatrist yung daw mga taong kinakausap ang sarili ay matatalino!

Wala pang 5 seconds biglang bumalik si Mabelbel. "I have to get this pala." Kinuha nya yung blazer na pang Doña na hiniram ko kahapon. Umatend kasi ako ng meeting with gurangi politicians kagabi so medyo pa-old look ako.

"Tita thanks po pala." Pahabol ko.

Nasa may pinto na si Tita ng bigla itong lumingon. "Next time, ibalik mo agad." Saka tuluyan ng umalis.

Kagagamit lang isusuli agad??

* * *

"Ano bang magandang activities na pwede nating gawin? Yung pwede kay Heins ha!" Wala talaga akong maisip na bagong pakulo, ang paliga ko kasi ng basketball e sa summer pa.

"Wala na tayong budget. Saka wag mo ngang gamitin ang posisyon mo sa pansarili mong kalandian!" Hypher si Mario, sinigawan na naman ako. Teka, bakit ba nya ako lageng sinisigawan these days nakakahalata na ako ah!

"Anong pansariling kalandian?! Hindi nga ako makalandi! Saka nage enjoy naman ang mga kabataan ah! Saka kung pwede naman pagsabayin ang public service at paglandi e di go lang! Keri! Basta may oppurtunity!" Hindi naman halatang sobrang defensive ako e noh, guilty kasi hahahahaha XD

"Sumuko kana kasi Abba! Tanggapin mo ng kay Teresa na sya, wala ka ng pagasa!" Tumayo na ako at lumapit sa table ni Mario, umupo ako sa may upuan doon.

Dinampot ko yung lagayan nya ng mga ballpen at saka padabog na ibinagsak. For emphasis lang. "Hoy anong walang pagasa! He guaranteed my wish nga eh!"

Tinaasan nya lang ako ng kilay. "Ano namang wish yon?"

"Secret. Baka hindi matupad eh! Saka hindi pa naman sila ng exotic na Pocahontas na 'yon noh!"

"Kung maka exotic ka parang ang ganda mo! At least si Teresa kahit kayumanggi maganda na! E ikaw pag umitim ka pa ewan ko nalang! Mahitsura ka lang naman kasi maputi ka e!" Naginit ang dugo ko sa sinabi nya.

Agad akong tumayo at pumunta sa harap ni Mario at sinakal ito.

"Maganda ako! Magandang maganda ako!!" Buong pwersa ko syang sinakal.

"Heeeeelp! Eeeeelp! Eeeeeep!" Ganito ba yung nahihirapang huminga ang landi ng pag 'help'? Hindi ako tumigil pagsakal sa kanya. Sakal sakalan lang naman although parang gusto kong totohanin.

"Maganda sabi ako ha?! Magandang magan-"

Biglang bumukas ang pinto, Si Daddy ang iniluwa.

"Abara bakit mo sinasakal si Mario?" Takang tanong ni Daddy. Pumunta sya sa may table ko at may pinatong na folder, kulay red.

Tumigil na ako sa pagsakal kay Mario. "Ah hehe wala po Dad. Sinabihan nya kasi akong panget e."

"Bakit kailangan mo syang saktan kung nagsasabi naman sya ng totoo?" Casual na sagot ni Daddy.

"Dad??!!!" Ansama talaga ng tingin ko kay Daddy.

"Syempre joke lang! Gwapo ang Daddy mo kaya maganda ka anak!" Tumingin si Daddy kay Mario, napapailing. "You okay?" Tanong nya kay Mario.

"Ehem." Si Mario in-adjust muna yung boses nya. Boses lalaki na ulet sya. "Okay lang po Mayor, nagbibiruan lang naman po kami." Buong buo yung boses nya. Lalaking lalake.

"Okay. Magtrabaho na kayo. Pagpasensyahan mo na muna 'tong anak ko, don't worry in-schedule ko na sya kay Dr. Lee."

"Dad!! Normal po ako bakit ba naniniwala kayo kay Tita!!" Naghe-hysterical na ako. Si Dr. Lee ay ang sikat Psychiatrist sa aming bayan.

Nasa may pinto na si Daddy at may sasabihin pa yata siguro pipilitin akong mag pa check up pero bago pa sya magsalita inunahan ko na. "Okay lang po pala Dad. Payag na ako." Sabay ngumiti pa ako.

Napailing nalang ang Daddy ko, yung iling nya may pagka hagas. Isipin na nyang nasisiraan na nga ako pero kasi bigla kong naalala, ang clinic ni Dr. Lee ay sa Green Village kung saan nakatira sila Heins.

Hahahahaha Inang Destiny sa wakas nagtrabaho ka din!

* * *

*laters* :)

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon