11. All I want for Christmas.. Part 2

335 20 2
                                    

Dyan na nga kayo bahala kayong magbolahan..

Hindi ko na kinakaya ang pagpapanggap na okay lang ako and worse makipagtawanan pa kaya ng makahanap ako ng tyempo iniwan ko na sila Daddy.

Mukhang hindi naman nila ako napansin kaya dumiretso na'ko sa may parking lot.

Andame dame paring tao. Lahat masaya. Lahat may kasama. Ako malungkot. Magisa. Bigo pa. Makapag move on na nga! Ano ba yan nagmo move on wala namang nakaraan. Brokenhearted hindi naman nagka boyfriend.. Hay...

May nakasalubong akong magka date, ang sweet sweet nila habang kumakain ng puto bungbong. Violet kay girl white kay boy, tapos nagsusubuan pa.

Dapat nagpalit nalang kayo e noh? Maghihiwalay din kayo!! Bitter lang hahaha

Naglalakad na ako papunta sa may sasakyan namin ng makita ko si Heins, grabe lang kahit sa gitna ng maraming tao nakita ko sya, kunsabagay matangkad sya. Teka wala  na si Pocahontas?

Tumuntong ako sa may malaking bato para makita ko kung sino namang kasama nya. Wala naman syang magandang katabi.. Doon na ako sa may upuan umapak para makitang mabuti.

Bumibili sya ng bibingka at talagang nabano sa lutuan ha kasi sinisilip pa ni Heins yung apoy tapos parang iniexplain sa kanya nung katabi nya.. Nanay nya yata. Exotic din ang Nanay nya? Ay joke lang biyenan ko yan! Assumera lang hahaha

"Abara anong hinahanap mo?"

"Ang lahat lahat sa akin." Wala sa sarili akong sumagot.

"Anak! Anong lahat ang pinagsasabi mo?" Ay si Daddy pala!

"Ang lahat po ng aking kaibigan hinahanap ko." Tumalon ako mula sa kinatatayuan ko. "Dad una na po kayo, hindi na ako sasabay."

"Saan ka naman pupunta paskong pasko lumalandi ka!" Si Mabelbel umeksena na naman, may dala pa itong pamaypay kulay pula.

"May nakita lang po akong kaibigan, susunod nalang ako." Ang dumi talaga ng isip, hindi ba nya narinig yung sabi ng pari kanina?

"Anak baka may kasintahan kana, pakilala mo nalang sa amin at sa bahay kamo bumisita, ano nalang ang sasabihin ng mga tao.." Sa huli yung sasabihin parin ng mga tao este botante ang mahalaga. Hays.

"Itong hitsura po bang ito yung may boyfriend?" Tinuro ko pa yung mukha ko para ma emphasize ang ebidensya.

"I didn't know you're aware ate." Inasar na naman ako ng kapatid kong si Taylor panganay na anak ni Tita Mabelle. Binelatan ko nalang ito, kung wala ang Nanay nya malamang bugbog sarado na naman sakin yang batang yan.

Si Ate Abby to the rescue. "I have to see my friends din pala nandito pa sila. Sabay nalang kami Dad."

"Okay papasundo ko kayo before 9 ha at ang lolo nyo kanina ka pa hinihintay Abara." Sumakay na sila sa sasakyan at naiwan kami ni Ate Abby.

Tumingin si Ate Abby sa relo nya. "We have forty minutes. Kita tayo sa may Snowman before nine. Bye."

Hindi pa ako nakakasagot nag disappear na ito. Si Ate yata ang may kadate?

Wala akong time para alamin kung sino ang katagpo nya kaya kahit curious ako bumalik na ako sa pwesto ko kanina at buti nalang matagal maluto yung bibingka nandoon parin sila.

Pahakbang na ako papunta kela Heins ng maalala ko.

Di ba magmo move on na ako? I step backward.

Pano 'tong gift ko? I step forward ulet.

Pinisil pisil ko yung purse na dala ko kung saan nakalagay yung gift ko sa kanya. Chineck ko lang baka nawala e.

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon