8. 7,701 reasons to hate him, but I won't.

432 35 4
                                    

10 days before Christmas!!!

A lot of things happened since we became "friends" but the more we get closer to each other.. the more he gets farther from me.

We regularly see each other, after ng practice nila tatambay sa tindahan ni Aling Tetay na kinagawian na namin.. sometimes, we hang out at Red's just eating their grilled chicken, tig isang buong manok kami ganun sya katakaw well, nahawa lang naman ako. Kapag umaga naman minsan nagpapasama ako sa bookshop, pero once lang nya ako pinagbigyan kasi tulog daw sya nun. I guess, I'm not special at all.

We talk about a lot of things, share our dreams, at maging yong mga bagay na pwede mo lang sabihin sa malapit mong kaibigan nasasabi nya sa'kin like his childhood na medyo madrama. He didn't grew up with his mother around, they were reunited when he was already 9 years old.

Alam ko kung gaano yon kahirap, naranasan ko rin e. Nang pumanaw ang Nanay ko ay kay Daddy na ako tumira na hindi ko naman laging nakakasama noon, yung adjustment.. awkwardness.. mahirap talaga sa umpisa. Siguro itong mga pagkakatulad namin ang lalong nagpapalapit sa aming dalawa.

Pero habang lumalalim ang pagkakaibigan namin parang lalo akong nawawalan ng pagasa. Ayokong dumating yong panahon na kaibigan lang ang tanging nakikita nya sa akin.

Mahirap maging kaibigan lang sa taong mahal mo na palagi mong nakakasama, nakakapanghina.. nakakaubos ng lakas.. nakakabaliw.. nakakapraning sapagkat sa tuwing kasama mo sya palagi mong iisipin kung baka nagugustuhan ka na rin nya. Bawat kilos nya hahanapan mo ng sign, bawat sulyap nya titingnan mo kung may spark.. tapos pag wala kang makita tatanungin mo sarili mo, bakit wala? Samantalang nararamdaman mo mahalaga ka sa kanya.

Hays! napakagulo, nakakapagod na.. I'm sick of pretending to be just a friend when everytime I look at him, all I see is everything I want to have.

And speaking of everything.. heto paparating na at kumakaway pa, naka navy blue shorts lang at white shirt na may naka-drawing na panda bear, pambahay lang kung tutuusin pero ang lakas parin ng dating. Tenernohan lang nya ang get up nya ng topsider at shades keri na, samantalang ako halos isang linggo ko yatang pinagisipan ang isusuot ko. Buti na nga lang at medyo nasasanay na ang mga mata ko sa kagwapuhan nya, hindi na ako laging natutulala saka namaster ko na rin ang pagmasdan sya ng hindi tumitingin hahaha XD.

Alam nyo yong hindi ka sa kanya nakatingin pero ramdam mo sya, parang may third eye ka na sya lang ang nakikita!

Papunta kami ngayon sa isang isla para personal na imbitahan ang dalagitang nababalita na magaling daw kumanta para kumanta syempre, suggestion kasi mula sa isang representative sa district na yon para naman daw makilala rin yung mga talented naming kababayan na nasa malalayong barangay. Noong una hindi naman ako interesado pero nung marinig ko na may maganda daw beach doon na hindi pa gaanong nadidiscover e nagkaroon ako ng idea, syempre oppurtunity yon palalampasin ko ba? hahaha XD

Hindi naman kailangan na ako talaga ang pumunta pero syempre nagvolunteer ako kunwari busy si Mario kaya nagpasama ako kay Heins na agad namang pumayag, ang hindi nya alam e may hidden agenda pala ako, ang masolo sya hahaha :D

Ang sabi nila romantic daw doon baka kasi makatulong yung ambience para magustuhan nya ako tulad ng mga napapanood ko sa pelikula na sa tuwing magkakasama ang dalawang bida sa isang adventure e doon nagkaka-inlaban, sana lang effective din sa tunay sa buhay.

Kalahating oras yata akong naghintay sa kanya at nabilad na tuloy ako sa araw, mini-maintain ko pa naman na mas maputi ako sa kanya. Baka daw kasi hindi nya kami makita kaya inabangan ko sya dito sa may tabi ng kalsada na wala namang waiting shed.

Dapat pala next project ko nalang ang waiting shed para kung sakaling maging memorable sa amin ang isla na yon dahil doon magiging kami, e hindi ako naiinitan sa tuwing hihintayin ko sya. Ano ba yan, advance na naman yong utak ko! Pinatok-patok ko ang ulo ko baka sakaling bumalik ulit sa katinuan.

THE WEDDING DRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon