Kabanata 3

53 25 51
                                    


~ BRIELLE ~

Nakatingin ako ngayon sa main building ng isa sa pinakamalaking real estate businesses sa bansa or maybe sa buong mundo. I'm meeting with the CEO of the company for an exclusive interview in the City Scoop magazine.

It is said that the CEO of Tempest Enterprise is one of the youngest and most talented business tycoons in the country. He had a lot of achievements at a young age that young entrepreneurs and veteran businessmen acknowledge his management skills but that's not the only reason why he was a known public figure. He has a tall build, a 'handsome' face, stable life and a good family.

Of course women will flock around him in more ways than one, that's probably why I was sent here to conduct the interview for the magazine because I'm professional enough to handle interviews that talk about the personal life of the person I'm interviewing.

"Good morning ma'am," nakangiting bati ng receptionist.

"Good morning. I have a meeting with the CEO of the company," I respond with a dashing smile na tinalo na ang MERALCO sa liwanag.

"Wait lang po ma'am. Tawagan ko lang ang office niya."

Tch. Tumango na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? Last week na pumunta ako dito ng walang appointment kinaladkad nila ako palabas. Aba'y malay ko bang may rules itong companyang ito. Mukha namang pwedeng mag-walk in ka lang.

"I'm so sorry ma'am, mukhang nasa meeting pa po sila. If you don't mind wait-"

"Ano? Eh gaano katagal?

"In a few minutes po.Tawagin ko na lang po kayo kapag ready na si Sir. Kung may iba pa po kayong gagawin, ma'am pwede naman pong i-reschedule na lang."

Reschedule? Nanaman? Ayoko nga. Ayokong magpabalik-balik dito lalo pa't ang daming ginagawa sa opisina.

"Sige na. Maghihintay ako. At pwede bang makahingi ng tubig. Kanina pa 'ko nauuhaw."

"Sige po ma'am."

Wala na akong nagawa. Kailangan ko itong interview na ito para makatransfer sa literature department ng kumpanya. Cover Cove Publishng is one of the biggest publishing companies in the country who're in charge of books and magazine publishing. After college dito na ko nakakuha ng trabaho, pero ang akala ko sa literature department ako mapupunta bilang editor pero sa magazine ang bagsak ko. Instead na editor ng Queens Pages, feature writer ako ng City Scoop. Ang layo sa gusto ko.

Time Check: 12:28pm

Wala pa ba? Kanina pa tumutunog ang tiyan ko! Gutom na ako! Akala ko ba few minutes lang? Halos isang oras na. Ano ba naman 'yan. Sinasabi ko na nga ba't mali ang desisyon nilang ito ang i-feature sa magazine. Unprofessional! Late! Walang respeto sa oras!

"Ma'am. Ma'am. Excuse me po.''

Agad akong napatingin sa babae na kanina pa yata tumatawag sa 'kin.

"Ako po si Meg, secretary of the CEO. Pasensya na po sa paghihintay. Ipinapatawag na po kayo sa opisina ni Sir. Please follow me po.''

Aish. Finally, I fixed myself and followed the lady. When we're walking in the lobby and the offices, people were staring at us. Paano ba naman I walk like a supermodel in a runway show wearing a four-inches nude colour Jimmy Choo Romy pointy toe pump heels and holding a Michael Kors Savannah Saffiano leather purse handbag.

Oh 'di ba, mayamang model. Ganun talaga kapag ganitong lugar ang pinupuntahan, having a pretty face is good, but you have to walk with confidence and showcase what you have. Huwag lang silang lumapit masyado dahil baka mahalata nilang replica o kaya'y made in China lang ang bag ko, at sa ukay-ukay binili itong business attire ko instead of UK. Mahirap na. Pero ayos lang na kilatisin nila itong sapatos dahil totoo 'yan. Jimmy Choo designer shoe from Britain para sosyal.

Sunburst Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα