Kabanata 5

49 25 61
                                    


~ Brielle ~

~ Cover Cove Publishing; City Scoop Magazine Dept. ~

Maulang umaga. Basang damit. Traffic at wala man lang manlibre ng kape dito sa opisina. Naghihirap na ba ang kumpanya at wala man lang pa-kape o hot chocolate sa ganitong panahon?

"Morning Brielle," bati ni Cana ng makadaan ako sa desk niya.

"Morning Cana, Wala ka bang kape na tinatago d'yan? Kahit 3-in-1 lang."

"Kape?" napakunot noo siya. "Wala. Wala bang stock sa cafeteria?"

"Wala. For some reason pati paper cup wala akong mahagilap. Lahat ba ng tao rito nahilig na sa kape at naisipang uminom ngayon?"

Pinagtawanan lang ako ni Cana. Isa siya sa mga nakasabayan kong pumasok sa kumpanya na nasa news and current affairs. Magkatabi lang ang department namin kaya madalas ko s'yang nakaka-kwentuhan.

"Good morning ladies."

"Good morning sir Max," Cana greeted respectfully.

"Anong kailangan mo Max?" Napangiwi siya sa sinabi ko.

Wala ako sa mood. Aba pasalamat siya tinawag ko pa ang pangalan niya kahit badtrip ako ngayong umaga.

''Mukhang hindi maganda ang gising mo ngayon ah."

I rolled my eyes. "Kung ikaw kaya pumasok sa trabaho na mukhang basahan at wala man lang madatngang energy booster, 'di ka kaya mabad-trip?"

Tumawa lang ang gwapo. Tch. "Mabuti hindi ka nag-call in sick. Short staff tayo ngayon dahil nastranded sa ilang mga lugar ang mga kasama natin."

" 'Sus, ang sabihin mo tinamad lang sila kaya gumawa ng rason."

Ganoon naman talaga minsan. Kapag ayaw pumasok sa trabaho, gagawa ng rason para hindi pumasok. So unprofessional ang mga people ngayon kaya hindi sila umaasenso at pati ang ekonomiya ng bansa ay apektado.

Pero syempre iba ako, iba rin ang rules ko. I mean, hahayaan ko bang hindi ko masilayan ang kagandang mukha ni Maximillion. Of course not. Bumagyo na't lumindol, hindi ko hahayaang hindi makakita ng gwapo sa mga ganitong panahon. Paano na lang ako magpapatuloy sa buhay kung walang inspirasyon.

"Naku sir Max. Ikaw lang naman ang rason kaya ganadong pumasok si Brielle sa trabaho. Siguro kung absent kayo ngayon baka tumilapon na lahat ng mga magazine sa City Scoop," sabat ni Angel or Anghelito, ewan depende sa trip n'ya.

Isa si Angel sa mga writer kasama ko. Siya ang madalas ipareha sa 'kin kapag may mga projects. Wala namang problema dahil parehas ang liko ng utak namin maliban na lang sa tipong lalake.

"Bakit ikaw, hindi ba dumaan ka rin sa G-Media para masilayan ang pinagnanasahan mo?" Balik ko sa kanya dahil alam kong may pagkakaparehas lang ang rason namin.

"Speaking of which, may bagong poster si Aaron my loves. Hindi mo naman nasabi sa 'kin na kinuha pala siya ng Aroma para magmodel," maarteng sabi niya.

I just rolled my eyes. Pakealam ko sa buhay ng isang Aaron Dominguez, mula yata high school at hanggang college wala nang ginawa ang pesteng 'yon kung hindi magbilad ng katawan. Ano bang kaakit-akit sa nabubulok n'yang muscles.

Aish. Ewan ko ba kay Aileen, bakit 'di na lang i-unfriend ang isang 'yun, kunsumisyon lang ang aabutin niya, lalo na ngayon na sila ang palagi ang magkasama.

"Saan mo naman napulot ang balitang 'yan Angel?" Cana said.

"Sa website ng Aroma. Remember, I subscribe to them for samples."

Sunburst Where stories live. Discover now