Kabanata 23

31 16 32
                                    



~ BRIELLE~

Silence. It was never a good sign in our house. The last time it was this quiet was when I was hospitalized back when I was seven. I'm sure there were plenty more times it was this quiet, but not when I'm around.

"So totoo nga ang sinabi ni Bria. Ikakasal ka na."

Kanina pa paulit-ulit si mama sa sinasabi nya. Oo kabigla-bigla pero hindi ba pwedeng iproseso ng tahimik at hindi palakad-lakad?

"Ma, kanina pa 'ko nahihilo sa 'yo. Pwede na ba 'kong magpaliwanag?"

Kasama ko ngayon si Alexander sa bahay ng mga magulang ko upang ipaliwanag ang tungkol sa kasal na hindi kasal.

Nakaupo kami ngayon sa may living room habang kaharap namin si papa at si mama na palakad-lakad sa harap namin. Nandito rin si Bria at si Drake na mukhang nasabi na nila ang tungkol sa kanilang relasyon pero parang may hindi pa nasasabi si Bria kay mama. Nakapagtataka naman kasing sa 'kin nakatuon ang buong atensyon nila ngayon. Kumpara naman sa sasabihin ni Bria, mas malaking balita 'yon kaysa sa 'kin.

"Kailan niyo balak magpakasal?"Mahinahong tanong ni papa na tahimik lang na proseso ang sinabi namin.

"Hindi pa po namin napag-uusapan ang eksaktong petsa, pero siguro po sa huling buwan ng taon o sa susunod na taon," paliwanag ni Alexander.

Oo nga pala hindi pa namin napag-uusapan ang detalye ng kasal. Pero paano ba namin pag-uusapan, hindi naman bukal sa loob namin ang magaganap. Kung meron nga lang fast forward or skip ang buhay, matagal ko nang linagpasan ang ganitong pangyayari.

"Aba'y bakit pa tayo maghihintay ng isang taon para sa kasal kung pwede namang gawin ng mas maaga."

"Wow ma, now you say something?"

"Umayos ka Brie, baka magbago isip ni Xander."

Edi maganda para wala na kami sa sitwasyong ito.

''Don't worrry tita, hindi na po magbabago isip ko."

Kunot-noo akong napatingin kay Alexander. Ano ang nasinghot nito at parang ayos lang sa kanya ang pinagsasabi ni mama. Pero mas maganda na rin sigurong agreeable si Alexander para wala nang tanong-tanong.

"Naku, pasensya ka na Xander-anak. Kilala mo naman si Brie, walang preno ang bibig. Napagdamutan ng filter. Punong-puno ng katabilan ang bibig-"

"Ma, ang generous mo naman sa papuri. Baka gusto mo ring sabihin na anak mo ko kaya nagmana sa'yo. Ay, idagdag mo na rin na kumikinang tulad ng bituin ang aking taglay na ganda kaya kailangan akong tingalain para masilayan."

"Xander, pagpasensyahan mo na talaga. Nalugi ka pa tuloy sa kasalang ito," pahabol na sabi ni mama.

Wow naman ma, ako nga ang lugi eh. Sino ba'ng gustong magpakasal sa hindi tao?

"Ayos lang po tita, sanay na sanay na 'ko kay Brielle. Kaya nga po nahulog ang loob ko sa anya dahil sa gutsy personality nya.''

I can feel the sarcasm. Maniwala ako na bukal sa loob ang lahat ng sinasabi ng leong 'to. Kung pwede lang baka tinapon na nya ko sa bangin simula nang magkita kami.

"Ma, pwede bang focus na tayo sa mas mahalagang mga bagay? Mamaya mo na 'ko siraan kay Alexander. Mukhang magkakasundo naman kayo. Malay natin maka-isip pa kayo ng plano para madispatya ako."

"Aish, magtigil ka nga Brie. Hindi ko gusto ang timbre ng boses mo."

Right. Pero totoo naman ang sinabi ko. Kung may pagkakataon baka itinakwil na rin ako ng nanay ko. Hindi naman kasi ganun kaganda ang ugali ko, mapa loob o labas ng bahay. Idagdag pa ang mala-anghel kong kapatid, edi nagmukha na akong demonyo. Gayun pa man, ayos na rin at hindi ako pinapansin para hindi ako ang laging napag-bibintangan ng walang katotohanan.

Sunburst Where stories live. Discover now