Kabanata 41

36 16 17
                                    


~ BRIELLE~

Night changes many times now, but I couldn't find beauty within my surroundings. It's suffocating.

"Avy?" Brianna entered the room with a tray of food. Our roles have reversed, she's now the one taking care of me. "Let's eat."

"Hindi mo ba pupuntahan si Drake?" I changed the topic, not having any appetite to touch the food.

"He's fine now. Sinabi ko naman sa kanya na sasamahan muna kita."

"You should go to him," I insisted.

"You should eat." Inihain ni Bria sa akin ang niluto niyang pagkain na tila hindi narinig ang sinabi ko.

Wala na akong nagawa. Tahimik kaming kumain at tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Mula nang umalis ako sa bahay namin ni Alexander, kay Bria na ako tumuloy. Ayoko namang umuwi sa amin dahil sigurado akong makakarinig lang ako kay mama, at least si Bria, naiintindihan ang sitwasyon ko.

"How is it?"

I took a mouthful before responding to give me time to taste the food better. "A bit salty, but not bad."

Tumango siya na tila kumbinsido sa aking sinabi. Sa totoo lang wala akong malasahan. Hindi ko alam kung maalat ba o hindi ang kinakain ko.

" Avy." Nabalik ako sa aking pag-iisip ng marinig ang boses ni Bria.

"Bria, would you believe me if I tell you that there's something greater than love? Would you believe me if I said, I found my greatest love?"

Kailan man ay hindi ako nagbukas ng ganitong usapan kay Bria. Kailan man ay hindi ako nagsalita tungkol sa nararamdaman ko sa ibang taong, pero minsan hindi rin masamang mag kwento tungkol sa ating buhay kahit walang nagtatanong.

"Tell me about it, Avy. Let me hear your story."

~

Independence. Isang salitang inaasam ng lahat kahit pa noong panahon ng mga mananakop. Karamihan sa mga tao ay gustong maging malaya, karamihan ay gustong magkaroon ng desisyon at karapatang gawin ang gusto nila, lalo na ang mga kabataan.

"Greg?"

"Hm?"

"Kailan mo 'ko dadalhin sa trabaho mo?"

"Hm, never."Isang binatilyong apat na taon ang tanda sa 'kin ang naging kasama ko sa araw-araw. Mula nang umalis ako sa aming lugar ay siya na ang nagiging takbuhan ko.

"Bakit naman?"

"Hindi basta-basta ang trabaho ko. Isa pa hindi ba katorse ka pa lang? Bakit 'di ka na lang mag-aral."

"Hah? Bakit pa? Ayos lang naman kung hindi ako pumunta sa paaralan, pwede pa rin naman akong matuto sa buhay kahit nasa kalye lang."

Hindi lahat ng bagay ay natututunan sa paaralan. Minsan ang mga itinuturo nila ay hindi magagamit sa pang araw-araw na buhay.

"Hindi pwede. Rie, karapatan ng mga batang katulad mo ang mag-aral."

"Ehh. What's the point?"

Maraming nagsasabi na kapag nag-aral ka, mas tatalino ka at mas malayo ang iyong mararating, pero sa totoo lang kung gustong matuto ng isang tao kahit hindi naman siya mag-aral sa isang paaralan ay matututo siya sa buhay.

Hindi lahat ng nasa paaralan ay matatawag na matalino dahil sa kalidad ng edukasyon nila, at hindi rin lahat ng 'di nag-aaral ay matatawag na mangmang.

Sunburst Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon