Kabanata 17

32 17 31
                                    


~ BRIELLE~

The cool morning breeze kisses my face as I stand at the hillside overlooking the greenery of the fields and gazing at the sun as it rises in the east and breaks the night sky. It was a breathtaking view to start up the day.

Alexander and I went on this road trip to who knows where last night after that stupid argument we had.

Honestly, hindi ko alam kung argument ba talagang matatwag yun dahil ako lang yata ang overacting. Wala naman siyang obligasyon sa 'kin at lalong hindi dapat ako umaasa sa kanya. Stress lang siguro talaga ako kagabi kaya ganun ang mga nagawa at nasabi ko. Nakakahiya tuloy.

I'm leaning by the side of the car memorizing the view of the skyline when Alexander interrupted my train of thoughts.

"Here."

Iniabot niya sa 'kin ang kape na binili lang namin kanina sa kabubukas na coffee shop, bago ako tinabihan sa pagtanaw ng bukang liwaylay.

Ilang oras din ang tinagal ng byahe namin bago makarating sa lugar. Basta nang tanungin niya ko kung gusto ko siyang samahan sa pesteng roadtrip na ito bigla na lang siyang nag-change lane, and in a blink of an eye nasa highway na kami going North.

"How are you feeling?" He breaks the ice.

"Disgusting," I replied in a blink.

Sino bang hindi kung bigla ka na lang dadalhin somewhere out of nowhere nang hindi man lang nakapag-prepare or even take a shower.

"Ayos lang, hindi ka pa naman amoy basura." He shrug while sipping on his coffee.

"So hihintayin mo pang mag-amoy basura ako bago sabihin na maligo at magbihis muna?"

Unbelievable. Palibhasa nakapag shower pa ito bago ako sinundo kagabi, kumusta naman kaya yung mga taong bilad sa araw maghapon at 'di man lang makaramdam ng kahit konting aircon. Kagabi pa ako nanlalagkit at dahil hindi kami naka-uwi, yung damit ko pa rin kahapon ang suot ko ngayon. I mean, jacket pala ni Alexander ang gamit ko, na sana nilabhan niya, pero hindi pa rin ako naligo. Yuck.

"Bakit nga pala dito Alexander?" Itinuon ko ang aking pansin sa kanya, bilang tanda ng kaseryosohan.

"I just thought I wanted to view the sunrise with you." He kept his gaze on the rising sun, as if his eyes had been glued to the sight.

"Pwede namang sa villa na lang, maganda naman ang view doon." Knowing he won't spare a glance, I turned to face the same sight.

"True, but a change of pace is not bad either."

Sabagay. Minsan kailangan natin ng change of surrounding para mas makapag-isip and makapag-relax tayo. Kapag kasi nagiging routine na ang mga nangyayari, hindi na natin napapansin ang mga maliliit na bagay at focus na lang tayo sa bagay na kailangang tapusin kaya minsan mas nastrestress tayo dahil sa tambak na trabaho.

"You know, minsan may taste ka rin pala," sambit ko

"What do you mean?"

"Hindi ko inexpect na marunong ka palang pumili at maghanap ng magandang tanawin."

"I'm an artist, Brielle. There's no way I could miss such beautiful things."

"Sabi ko nga,'' I mumbled before sipping a cup of coffee, "Why me?"

"Because a scenery such as this is more stunning when viewed with someone like you."

Ay anak naman ng butiking kinain ng langgam. Muntik ko nang nahulog itong iniinom ko!

Sunburst Where stories live. Discover now