Chapter 06

143 5 0
                                    

My face was down and my eyes were on floor, the candescent black and golden like string aligning like a vein tiles that made the hotel more luxurious than any other hotel in Gwangju. I was five feet apart from Hyunjin Nam. I was tailing him on our way down in the second floor basement. Pagsakay niya ng elevator ay sumakay din ako. Pinapasunod niya kasi ako kaya sumunod ako.

Sa basement ay may bodyguard na sumalubong sa kanya sa elevator at naglakad kami papunta sa Maybach. He's really the superstar because he's living like a king. Hindi naman mukhang inisponsor lang ang sasakyan niya dahil isa siyang sikat na celebrity at kaya niyang bumili ng kahit anong mamahaling bagay para sa kanya.

Hindi ako pumasok sa sasakyan dahil wala siyang sinabi sakin na sumunod. But before he could let his bodyguard close the door, he gestured me to come closer to him, not getting in but just to take a few steps toward him.

"Heesu will get you here later, I want you here in this basement at six p.m sharp. I don't tolerate late people so be here at the said time." Strikto niyang sabi.

Mabilis akong tumango, takot na baka ano pa ang sabihin niya sakin na hindi maganda. Nakayuko lang ako habang at nakatingin sa sahig. Umatras ako ng isarado na ng bodyguard ang pinto sa likod at umikot siya para pumasok sa driver's seat. Inangat ko lang ng kunti ang tingin ko sa bintana ng sasakyan pero hindi sa tapat mismo na kung saan nakapwesto si Hyunjin Nam. They drove away with a loud screech sound. Parang galit ang driver pero nagmamadali siguro si Hyunjin Nam dahil panay ang tingin niya sa suot na relo kanina.

Nakabuntot ang tingin ko sa papalayong kotse. Nang makalabas na sa basement ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Nawala ang bigat sa dibdib ko nang mawala ang lalaking yun sa paningin ko pero naiinis parin ako sa manager niya na ang tinding magsalita parang siya pa ang may hawak sa buhay ni Hyunjin Nam. An artist could function without that kind of manager. Pwedeng palitan ang kagaya niya kung gusto ni Hyunjin Nam.

Truth was, I was scared when Hyunjin Nam was around. He had that screaming drop dead charisma. The word dangerous was crowning him. He's calm yet strict and dangerous. Kaya nakayuko lang ako nang magkaharap kaming dalawa dahil hindi ko kaya ang kanyang titig sakin na parang gusto niya akong ilibing ng buhay.

I left the basement with a light head and light heart. Since it's my second day of my rest day, I left the hotel and went to the Yangdong market. I estimated my time going there. I just walked through the winter. Kumalma naman ang pagbagsak ng snow, the market filled with lots of people shopping. I took a long and deep breath to calm me. Mabilis lang akong nakabili at tumawag ng taxi para makauwi.

Pag-uwi ko ay agad akong kumain para ibalik ang lakas na nahigop ni Hyunjin Nam nang magkita kami. Para siyang nangangain ng enerhiya, kapag nasa harap ko na siya ay bigla akong tumitiklop. Matapang akong tao pero pagdating sa kanya ay para akong makahiya na kapag hinahawakan ay tumitiklop ang dahon, nahihiyang ipakita ang tunay na ganda.

Nakatulog ako sa couch na tanging makapal na jacket lang ang ginawa kong kumot. Hindi ko kasi hinubad magmula ng makapasok ako sa loob ng apartment. I checked the time on the wall clock above the TV that was hanging on the wall in the living area.

"Mag-aalas tres palang." sambit ko sa mahinang boses.

Hinubad ko ang winter jacket at pumasok sa kwarto ko. Chinarge ko ang phone ko at pabagsak akong nahiga sa kama. I leaned my arm on my forehead and stared at the ceiling. I was thinking about my so-called part-job. Yes it's a good thing someone had offered me to do it but of all people, it's from someone who made me shiver. Nevertheless, I needed money to save a lot. Yung pera na manggagaling kay Hyunjin Nam ay pwede ko yung ipunin panggastos papuntang Canada.

Walang akong kilala na makakatulong sa akin para makapunta agad ng Canada bilang caretaker. Malaki daw ang sweldo doon kaya kahit tumigil ako sa pag-aabroad hanggang umedad ako ng forty-five ay ayos na sakin. Ang kailangan ko ay pera na gagastusin ko sa pagtanda. Sa totoo lang ay wala muna akong balak magkaroon ng pamilya. Sarili ko lang ang iniisip ko sa ngayon. I wasn't good at babysitting, I didn't like children because they're ten times pain in the ass than witty teenagers.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Where stories live. Discover now