Chapter 41

160 5 0
                                    

Nakalabas agad si Hyunjin sa hospital matapos suriin yung tenga niya. Nagfile din siya ng reklamo laban sa ex-manager niya at kakasuhan din ng physical injury. Nalaman ko na hindi pala si Hyunjin ang naging biktima ng babaeng yun. May nauna siyang naging biktima, yung senior artist ni Hyunjin sa agency nila na nagreklamo pero hindi pinakinggan dahil walang ebidensyang hawak at mas mabilis din kumilos ang babaeng yun kaya nawalang bisa yung reklamo nun.

Mabuti nalang at maraming witness sa ginawa ng manager na yun kay Hyunjin kaya makukulong talaga ang babaeng yun. Kung bakit nalaman agad ni Hyunjin na nasa penthouse niya ang ex-manager ay nahuli nilang papasok yun sa building at bago pa yun ay nagwala daw yun sa labas ng museum kung saan dinaos ang gala ng gabing yun.

Nagpupumilit daw at nagblackmail pa pero patapos na yung event. Pagbaba ni Hyunjin sa kotse sa harap ng building ay saktong pumasok ang ex-manager ng building kaya nagtawag si Hyunjin ng securities para palabasin yun ng building. And the rest was history.

Bumalik kami sa penthouse niya. Pagkakinabukasan ay babalik narin kami ng Gwangju dahil may naiwan pa din akong trabaho doon. Wala akong bakasyon dahil malapit narin matapos ang contract ko kaya hindi ko na yun kailangan.

Nakapag-desisyon narin ako na ituloy ang buhay sa Korea pero this time, hindi na ako isang OFW. I'd sell my land in Monte Rico and invested another property in Korea. Maybe for farming or something else but I wanted my own property near in Gwangju para hindi hassle ang pagbisita kung sakali man.

Patapos na ako sa pagguhit para sa manhwa ko nang maramdam ko yung braso ni Hyunjin na pumulupot sakin. He kissed the top of my head. Binaba ko ang pen at lumingon sa kanya. "Something wrong?" I asked.

He shook his head, humiwalay siya sakin. "I just wanted to hug you."

"Why?"

"Do I have to explain why I wanted to hug you?"

"You're just being weird again." I said.

Humiwalay siya ng yakap sakin at pinatayo ako mula sa kinauupuan ko. Naglakad kami papunta sa library niya at naupo sa sofa. Magkatabi kaming dalawa. Umakbay ang kanyang braso sakin. Ang weird ng tingin ko sa kanya dahil hindi talaga niya iniwas ang tingin sakin kahit halata na sa mukha ko yung pagkalito kung bakit sobrang lambing niya.

Pero ngumiti lang siya at nag-iwas ng tingin. Maya't-maya lang ay humiga siya sa sofa at umunan sa hita ko. Pagtingin niya ulit sakin, tinaas niya ang kanyang kamay at inilapat sa labi niya pagkatapos ay inilapat sa labi. That's indirect kiss but what he did made the pixies in my stomach flew.

"I love you. Let me sleep on your lap for a little while then we're going out." sabi niya atsaka ipinikit ang kanyang mga mata.

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog ulit. Kinuha ko ang kanyang kamay at pinagsiklop sa kamay ko. Hindi ko siya inistorbo at natulog nalang din ako para ipahinga ang mga mata ko. Nakaupo lang ako habang natutulog.

Paggising ko ay nakahiga na ako sa kama ng guestroom na palagi kong ginagamit. Agad akong tumayo mula sa kama at sinipat ng tingin ang oras. It's almost time to go out. Paglabas ko ng kwarto ay kumatok ako sa kwarto ni Hyunjin kung nasa loob siya.

"Come in!" he shouted from inside.

Hindi lock ang kwarto niya kaya madali akong nakapasok. Pagpasok ko ay umikot agad ang mata ko dahil nagbibihis palang siya. Pinapasok pala ako para ibalandra ang katawan niya sakin. I crossed my arms upon my chest.

"Now what?"

"What now?" he mocked me. I almost chuckle but I suppressed it. It's one of my talent—newest discover so far.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Where stories live. Discover now