Chapter 13

115 2 0
                                    

Hindi ko lubos maisip kung bakit nalang iniisip ko ang nakangiting si Hyunjin Nam. Sure ako may paghanga ako sa kanya pero agad ding nawawala yun lalo na't kapag iniisip ko ang priority ko kung bakit kailangan ko ng pera, kung bakit pera ang nasa utak ko palagi, kung bakit ako nagtratrabaho para makaipon ng malaking halaga.

Sabado at nasa harap ako ng salamin at para akong namatayan dahil yung itsura ko ay para akong walang tulog. Hindi ko na inabala pa ang mukha ko at naligo nalang para makapaghanda na papuntang hotel.

Naligo at nakapagbihis na ako pero naghintay ako ng isang oras bago pumasok sa trabaho. Alas syete palang. Nine-thirty ay papasok ako sa hotel. Mabilis nalang akong maglakad. I grabbed my phone from the coffee table and turned it on. Nanuod lang muna ako ng nakakaaliw na video, pampatay oras lang. Habang nanunuod ay kinain ko ang isang granola bar para hindi ako gutumin sa kalagitnaan ng trabaho.

Nahinto ang video na pinananuod ko dahil nakita ko ang message ni Shin-Ah sakin na nagnotify sa phone ko. I read her message.

Shin-Ah:
I can't go to work today. I'm at home and I'm sick :(

I frowned because I would miss her presence. Palagi pa naman siyang may binibigay samin na pagkain. Si Rita, yung nakapag-asawa ng Korean na ay nagbibigay din siya ng snacks dahil maganda ang trabaho ng asawa niya kaya may pagkain para samin pero minsan lang akong nabibigyan dahil hindi naman ako nakakaubos ng pagkain na binibigay niya pero si Shin-Ah ay siya talaga ang masarap kasama sa hotel dahil kaibigan ko siya.

Lowie:
Take some rest, Shin. I'll buy you a soup from your favorite tent restaurant near the hotel so be well soon.

Pagkatapos kong replayan siya ay pinasok ko ang phone sa bag ko para hindi makalimutan. Nine-twenty palang ay nagsimula na akong lumakad papunta sa hotel. Hindi na ako nagsuot ng makapal na jacket para sa winter dahil nagsisimula ng uminit ang panahon. I only wore sweatshirt and jeans. May sleeveless akong suot sa ilalim ng sweatshirt ko.

Dumating ako sa hotel na pagod sa paglalakad. Tumambay muna ako sa likod para makalanghap ng sariwang hangin. Sa Korea kahit maraming sasakyan at minsan traffic sa mga kalsada ay parang preskong tignan palagi dahil mintinado ang kalinisan ng kapaligiran. Gusto ko mang manirahan sa Korea pero may sarili akong plano para sa buhay ko. At mahal ang real state sa Korea mas mahal pa kaysa sa Dior bag ni Hyunjin.

"Lowie nandito ka na pala sa hotel, akala ko ay papunta ka palang."

Lumingon ako nang makita ako ni Kara, yung naging nursing student pero dahil hindi nakapasa sa licensure exam ay napiling mag-abroad nalang. Dati siyang nasa Dubai pero lumipat siya sa Korea dahil mas malaki ang kita sa Korea kaysa sa Dubai, isa siyang yaya ng isang bata pero mahigpit ang amo niya kaya pinagtyagaan niya yun hanggang sa umalis siya.

"Nagpapahinga lang ako, Kara. Galing palang ako sa paglalakad." paliwanag ko saka inunat ang binti ko para hindi mangalay.

"Ako nga ang sakit na ng paa ko. Kanina pa ako paikot-ikot para maglinis. Gusto ko ring magpahinga."

"Anong oras ka ba nagsisimulang maglinis?" tanong ko.

"Naku, alas sais. Sa taas kami unang naglilinis ni Minda tapos ay bababa para maglinis din dito sa labas."

"Mabuti ka pa pauwi na. Mamayang hapon pa ako uuwi."

"Ganyan kasi kapag alas dyes yung schedule mo. Mamayang ala una ako aalis para umuwi." sabi niya.

Mabuti pa siya ay malapit ng umuwi pero hindi ko masyadong inaalala ang oras kapag nagtratrabaho ako dahil hindi naman ako nasa college. Noong college pa ako ay nakakainis ang buong klase dahil mahilig tumawag ng recitation ang ibang professor. Pwede naman magturo na hindi nagrerecitation, pinapakaba lang ng recitation na yan ang ibang estudyante lalo na sa hindi matalino. Kapag hindi nakakasagot ng maayos ay pinapahiya.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Where stories live. Discover now