Chapter 34

107 2 0
                                    

Nagpasundo si Hyunjin kay Heesu pero madaling araw na siya umalis mula sa apartment ko. Hindi siya nakatulog agad pero ako ay nakatulog sa couch ko. Nakamasid lang siya sakin habang tulog ako pero nang umalis siya ay hindi na ako nakabalik sa pagtulog agad. Alas tres na ulit ako nakatulog.

Pagkagising ko ulit ay sumikat na ang araw. Hindi pa mataas pero alam kong hindi na ulit ako pwede pang dumagdag pa ng tulog lalo na't papasok pa ako sa trabaho.

The first day of fall had approached quickly. I didn't notice it at first but I just found it out when the greens got withered. Nagsuot ako ng sweater pero hindi makapal dahil maaraw pa pero malamig ang hangin. Isang taon na ang kontrata ko. Dalawang taon lang ako sa Korea at hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa ibang bansa o mananatili lang sa Korea.

Mahal ko ang trabaho ko sa hotel pero minsan ay gusto ko nalang nasa apartment ako at magguhit. Yun lang ang nakakapagpasaya sakin, bukod kina Shin-Ah syempre... at sa isang tao na napalapit na sakin. Si Hyunjin.

Sa sinabi ni Hyunjin na naaddict siya sa sedative dahil gusto niyang gumaling sa depression niya ay naniwala ako dahil nabasa ko sa isang artikulo yun pero gusto kong makompirma yun mula sa kanya. Isa yung puntos para magtiwala ako sa kanya—ang hindi pagdeny o pagsinungaling niya.

I wanted him to be honest with me that's why I asked about it. And I thanked him for clarifying his fake dating rumors with his co-star. I wanted to be that girl who's ready to help him in terms of his personal problems.

Mula sa hotel ay pumunta ako sa bahay ni Hyunjin pero ang sabi ni Heesu ay tulog daw siya kaya linagay ko nalang ang binili kong pagkain para sa kanya mula sa family restaurant nina Shin-Ah. Dumaan pa ako doon para kumustahin sila at gusto ko ring makatikim ng luto nila kaya ako pumunta at gusto kong ibahagi din yun kay Hyunjin.

Busy ako sa pagbuklat ng libro nang may kumatok sa pinto ng apartment. Binaba ko muna ang libro. Pagdating ko kasi sa apartment ay agad akong kumain, naglinis sa apartment, at naligo saka pagkabihis ko ay agad kong kinuha ang libro at naupo sa balcony para magpaantok. May trabaho ako bukas pero okay lang na mahuli ng gising saka hindi naman ako nahuhuli ng gising. Never pang nangyari sakin yun kahit pa man ala una ng umaga na ako matulog, magigising parin ako ng alas sais ng umaga.

Pagtingin ko sa monitor ay nasa labas si Hyunjin ng apartment at nakaharap sa camera. Napatawa ako. Umalis ako sa harap ng monitor at pumasok sa kwarto ko at kinuha ang phone para kunin sana ng larawan si Hyunjin kaya lang ay nadismaya ako nang dibdib niya nalang ang nakita ko at hindi yung cute na mukha niya na nakaharap sa camera.

Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan yun. Agad niya akong sinalubong ng matamis na ngiti.

"Hey stranger danger." I greeted.

"I heard from Heesu that you went to my house earlier. You didn't wake me." he replied but he's frowning.

Sinarado ko ang pinto. "You're sleeping and I didn't want to disturb you. You need some rest." I answered, we walked through the little hallway to the living area.

"I have enough rest now. And thank you for the snow crab ramen. I liked it."

"It's from Yoo's restaurant. My friend's family's restaurant." I asserted.

He made a soft understanding sound and nodded his head. Tumingin siya sa labas ng balcony. He whistled through the cold fall air. Kahit bagong kagagaling niya lang sa pagpahinga ay pagod parin siyang tignan mula siguro sa jetlags.

Naalala ko yung nakita ko sa internet na marami ng namatay na artista—ang cause of death, suicide. Personal matters ang kadalasang dahilan. Yung personal matters ay depression. Depression na minsan yung puno ay ang negatibong komento ng mga taong masyadong pakialamero sa buhay ng iba. Kahit ano pa man ang suotin, tirahan, maging karelasyon, o kung may nagbago sa katawan ay talagang hindi maiiwasang ikomento. Hindi masama ang magkomento. Ang masama ay ang piniling letra.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Where stories live. Discover now