Chapter 14

109 5 0
                                    

Mainam kung kinukuskos ang sahig ng bathroom para mawala ang dumi na dumikit dito. Seryoso ako hanggang sa tinapon ko ang brush na ginamit sa pagkuskos sa marbled floor ng bathroom. I inhaled deeply and exhaled the ball of air from my lungs. Sobrang nakakapagod at gusto ko ng umuwi. Kahapon ay tambak na lilinisin ang bumungad sa akin dahil bawat suit ay puro binagyohan.

The hotel was host of some certain event and a lot of guests rested there. Puro kabataan pa ang guests at siguro ay nagparty din sa loob ng ilang suite kaya kaming naglilinis ay hindi naipinta ang mukha. Normal lang yun sakin na makatagpo ng binagyohan na kwarto, maraming kalat at sobrang dumi ng kwarto. Kahapon siguro ay dala ng pagod at dahil umaga palang ay naglinis na ako sa bahay ni Hyunjin Nam dahil gusto niyang maaga akong maglinis para hindi daw ako gabing umuwi.

Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang isip niya, dati ay okay lang pero naaalibadbaran yata siya na gabi akong umuwi. Pero tama lang yun dahil hindi ko na talaga kaya na umuwing palaging parang lantang gulay. Pati utak ko ay hindi na kaya dahil palaging iniisip na kailangan ay makatapos ako sa trabaho para wala na akong babalikan pang linisin pero ganun parin.

Bagsak ang balikat kong kinuha ulit ang brush at nagpatuloy sa pagkuskos. Siguro nga kapag walang dumi ay walang lilinisin, ano pa nga ang silbi ng pagtrabaho ko kung walang lilinisin. Hindi ko alam. Wala akong alam na gagawin kundi ang maglinis para may pera akong matatanggap.

I was the real life Cinderella without prince charming and I believed prince charming was just for someone who wanted to be save but in my case, that's not for me. I was the Cinderella who wanted a peaceful life with money.

Tinapos ko ang paglilinis na mabigat ang katawan. This was my my last suite anyway then I would finally able to get my best rest. I peeled off the gloves from my hands. Pushing the trolley out of the room, I took a final glance of the room to make sure I cleaned everything's fine. I nodded at myself with satisfaction then finally I closed the door. Pumasok ako sa elevator at sinandal ang sarili, tinignan ko ang pasarang pinto. Ilang inches nalang ang agwat bago sumara ay may pumagitnang kamay.

Napatuwid ako ng tayo pero hindi ko inalis ang pagkasandal ko nang makitang pumasok si Hyunjin Nam sa loob. He nodded at me to make silent greetings. I slightly bowed my head.

"Rough day, Miss Salamara?" he nudged at me first.

Tipid akong nagpalabas ng ngiti sa kanya. "It has become my normal day." sabi ko sa kanya na sa mahina at pagod na boses.

"We all have rough days turn normal days." sagot niya.

Since he took a few weeks day off, he quite often talked to me as I was at his house cleaning. Tipid lang ang conversation namin palagi pero kaya niya gustong makipag-usap para hindi ako makaramdam ng pagkailang sa pamamahay niya. Kapag nasa bahay niya ako ay wala akong kausap, hindi ko naman makausap ng maayos ang bodyguard niya dahil hindi ko nga makita kung nasaan siya palagi. Parang nagtatago siya sa bahay ni Hyunjin, sa tingin ko ay parte lang yun ng trabaho niya na nasa gilid at tahimik na binabantayan ang amo niya.

We had our lips zipped as we both stepped out from the lift. I got out first pushing the trolley out too but he walked faster than I. Nauna siyang umalis ng hotel. Napahinto ako habang nakatulala sa papalayong bulto ni Hyunjin. Hindi ko parin mabura ang nangyari noong araw na pinangko niya ako sa kama, nakaupo ako at siya ay nakayuko habang tinitignan ang pangalan ko. Yun ang unang pagkakataon na nalaman niya ang pangalan ko.

Inalis ko agad ang imahe na yun sa utak ko. Hindi na yata yun maaalala ni Hyunjin. Ngayon lang ulit dumaan ang alaala na yun sa isip ko dahil sa abala ang sarili ko sa trabaho. Kung nakayang makalimutan ni Hyunjin Nam ang nangyari na yun, ako rin, siguro ay kaya kong burain. Isang beses lang naman nangyari yun at gusto kong ipasok sa kukute ko na aksidente lang yun.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Where stories live. Discover now