Chapter 17

104 4 0
                                    

Pagbukas ng elevator ay bumungad sakin si Hyunjin na blanko ang tingin sa kawalan pero nang makita ako ay nagparte ng kunti ang kanyang labi at tinanguan ako. Yumukod ako ng kunti. Pumasok na ako sa loob bitbit ang mop at ang timba na walang laman. Yung trolley ko ay iniwan ko sa isang kwarto pero wala ng tao doon at umalis na ang guest.

"Hey Mr. Nam." bati ko na may tipid na ngiti.

"Good day Miss Salamara. Nice uniform by the way."

Nagtaas ako ng kilay sa pagpuri niya sa suot kong uniporme. Napakasimple lang nito at napakadull pa ng kulay na parang labing namumutla. Naisip ko na naman ang labi. Umayos ako ng tayo sasagot na ako dapat pero may pumasok na dalawang mag-asawang matanda kaya napaatras ako sa tabi ni Hyunjin.

"Thank you Mr. Nam." I whispered at him.

He lifted a malicious smile as he glanced at me. Binalik niya ang tingin sa harap pero huminto ang elevator nang may sumakay na isang lalaki na may batang dala kaya sumandal nalang ako sa likod bago sumara ang elevator ay may dalawang magkasintahan pa ang pumasok kaya napahinga ako ng malalim. I tipped my toes because the old woman stepped back cornering me between the wall.

Pero nagulat nalang ako dahil inakbayan ako ni Hyunjin at pinatong ang isang braso sa tiyan ko para protektahan ako sa pagpakaipit. Inagawan na naman niya ako ng karapatan para huminga ng maayos. Busy ang mga tao sa kanya-kanyang usap pero kaming dalawa ni Hyunjin ay tahimik lang at walang may nakapansin sa kanya.

Unang lumabas ang magkasintahan, sumunod ang dalawang matanda. Sumunod na floor ay ako na kaya kusa kong tinanggal ang braso ni Hyunjin sa tiyan ko. Napatingin siya sakin na gulat. Hindi siguro niya napansin na nakapatong parin ang kamay niya pero parang ang baba naman niya.

"Sorry." he muttered and took his other arm from my shoulders.

"I'll be heading out first Mr. Nam." sabi ko nang huminto ang elevator at bumukas yun. Lumabas din ang mag-ama.

"Alright, see you again soon." sabi niya bago sumara ang pinto.

Naiwan akong nakatingin sa pinto ng elevator. Kinapa ko ang dibdib ko at sinigurado na okay lang ako. Sa bilis ng tibok ng puso ko, parang daig ko pa ang nilinis ang buong hotel. Nakayuko akong naglakad papunta sa kanan pero agad ding tumalikod dahil sa kaliwa pala dapat ako pupunta dahil nandun ang sunod na kwarto kong lilinisin.

I slapped my forehead.

"Bawal ang tanga Lowie." saway ko sa sarili pero natawa lang ako habang nakayuko dahil nakakatanga talaga kapag distracted ang isang tao.

Narinig ko mula sa mga kasamahan ko na parte daw ng hotel si Hyunjin Nam kaya minsan ay pumupunta siya sa hotel. Narinig ko sa manager na isa siyang investor ng business ng amo namin kaya kapag may meeting ay pumupunta ang mga investors pero minsan lang umattend si Hyunjin dahil palaging busy pero palagi na siyang umaattend ng meeting.

"Happy birthday, Lowie!"

I was surprised when I went to Shin-Ah's house. I thought there's something happened that's why I came to their house. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim dahil nasurprisa talaga ako nang pumasok ako sa bahay nila, madilim yun pero pagtapak ko sa loob ay biglang lumiwanag at binati ako.

"Wow, kamsahamnida." I said thank you to them.

May birthday cake na hawak si Jisoo. Kinuha ko ang kandila saka hinipan yun. They greeted me again and Shin-Ah's parents hugged me. May regalo pa nga na binigay ang parents ni Shin-Ah sakin.

"Thank you, thank you so much."

Gusto kong maiyak sa tuwa dahil ni minsan ay hindi pa ako sinurprisa sa araw ko. Hindi nga nag-eeffort ang parents ko na handaan ako kahit pansit lang pero sa gabing yun ay sinurprisa ako ng hindi ko kaano-ano. The Yoo family adored me that much not because I came from a family that gave no importance of the word family.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora