Chapter 31

108 3 0
                                    

Pag-uwi ko ng gabing yun ay diretso ako sa kwarto ko at hindi na ako nagbihis. Hindi naman ako madumi dahil kakaligo ko palang bago ako umalis ng apartment para pumunta sa bookstore. I sat the books I bought—I brought, I meant. Hyunjin bought all the books I chose from that bookstore. Tatlo ang kinuha ko at siya ang nagbayad.

Kinuha ko ang phone ko at nagtext kay Shin-Ah. Tinanong ko kung papasok ba siya sa susunod na day off ko dahil gusto kong kausapin siya at humingi ng advice tungkol sa... love.

I still couldn't believe I was too attractive in Hyunjin Nam's eyes. Gusto kong alugin ang utak ko kung bakit sa kadami-daming babae ay ako pa. May mga manliligaw ako noon pero hindi gaya nung kay Hyunjin na parang baliw sa akin.

Geez.

I must stopped thinking about him or else I would go home without a penny in my pocket. Kinuha ko ang libro ko at binuklat pero hindi ako nakapagbasa. Sinara ko ulit para icheck ang bintana kung naisara ko ba, nang makitang nailock ko ay patalon akong umupo sa kama at nagkrus ng braso. Humiga ako para tumingin sa kisame ng kwarto ko.

"Naku naman!" I hissed as I saw Hyunjin Nam's face again.

Kahit saan ako tumingin. Kahit ipikit ko pa ang mga mata ko ay nakikita ko parin siya. Parang hindi niya ako malubayan kahit wala siya sa harap ko. Nakakainis. Sobra.

Late na akong nagising kahit pa hindi pa ako papasok sa trabaho agad. Nakapaglaba pa naman ako at nakapaglinis ng kwarto ko.

Pagdating ko sa trabaho ay wala akong sinayang na oras at seryoso ako sa ginagawa ko. Pagdating ng hapon ay nakalabas agad ako ng hotel.

Nasa labas ako ng hotel ay nakita ko si  Heesu. Lumingon ako sa hotel, sa entrance. Mabuti nalang at wala yung mga kasamahan ko. Patakbo akong pinuntahan si Heesu. Minuwestra niya sakin na pumasok ako sa kotse. Hahawakan ko na yung pinto sa front seat nang buksan niya ang pinto sa likod. Nagtaka ako sa ginawa niya. Pinapasok niya lang ako.

Wala akong nagawa nang makapasok ako pero agad din akong nagsisisi dahil si Hyunjin ay nakangising nakaabang sakin. Yung kotse pa naman na ginamit ay yung may block sa pagitan ng backseats at front seats, iislide lang kung may kailangan pero hindi yun nakabukas kaya kaming dalawa lang ni Hyunjin ang parang magkasama sa kotse.

"You look so disappointed. I'm getting jealous now of Heesu because you smiled at him earlier while when you saw me, you looked like you want to puke on my face."

"Then you must stop acting like that." sagot ko at kinuha ang seatbelt.

He cocked his head, challenging me. "Acting like what again?"

"Acting like you're so obsessed and so possessive. That's a red flag for me." I replied.

He let out a sigh. I thought he'd stop talking only to grabbed the seatbelt and helped me to fastened it. Then he stared at me. He got an invisible mischievous smile on his face. He's too good at hiding it.

He held my hand and cupped it both of his hands. "Listen to me Lowie." Tumingin ako sa kanya ng blanko. "The first time I saw I already raised my white flag for you. That night you're almost fell on the floor but I was fast and was able to hold you—you already got my breath away. I reprimanded myself not to ask you to be my date." He chuckled bitterly. "Know that I'm so serious. I was once asked a girl before only ended up to be miserable because she rejected me and I was traumatized. Yet, you came into my life and stared right into my eyes—I knew you're not scared of me. So please, give me a chance to prove to you my deepest and sincerest feelings on you."

Hindi niya ako pinasagot dahil gusto niyang iproseso ko daw ang mga sinabi niya. Pagbaba namin sa garage ng bahay niya ay nauna siyang lumabas at hinintay akong lumabas sa  kotse. Linahad niya ang kamay para tulungan ako. Kinuha ko yun. Dahan-dahan kaming naglakad papasok sa bahay niya.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Where stories live. Discover now