Chapter 16

101 3 0
                                    

Para akong linagay sa freezer dahil naninigas ang buong katawan ko sa sobrang lapit ni Hyunjin. Sobrang lapit na magkadikit na ang aming katawan dahil kailangan ay hindi siya makita ng mga humahabol sa kanya. Yung katawan ko ay parang magmamarka na sa pader, hindi masyadong madilim sa ilalim ng hagdan pero may tamang liwanag para makita ko ang mukha niya, yung reaksyon niya.

Ang mainit niyang kamay ay nakadikit parin sa bibig ko kaya hindi ako masyadong nakagalaw dahil baka kapag gumalaw ako ay marinig kami, kahit ang paghinga ko ay marinig. Nagtama ang mga mata naming dalawa ni Hyunjin. Nakakunot ang kanyang noo na may halong pagkairita. Sobrang dilim ng kanyang mata pero hindi ko yung galit ang nakita ko kundi ang ganda ng hugis at kulay nito. What I saw from his eyes were the dark shade of ink and the way he stared, he's like a vulture always ready to haunt.

His nose was perfect and there's inside of me wanting to touch it. The tip of his nose was almost touching my nose. Nakakainggit ang itsura niya, wala siyang marka ng acne sa kanyang mukha, sobrang kinis na halatang inalagaan ng maayos. Yung labi niya na hugis puso ay hindi malayo sa mukha ko, kung hindi dahil sa kamay na nakatakip sa bibig ko ay alam kong masyadong malapit na ito sakin para magtama ang pareho naming labi.

Tinaas ko ang tingin ulit tungo sa kanyang mga mata at nahuli ko ulit siyang nakatingin sakin. May pumasok na security guard na sumisipol kaya naputol ang tinginan naming dalawa ni Hyunjin. Nang makasigurong nakaakyat na ang security guard ay unti-unti akong pinakawalan ni Hyunjin. Nakatingin siya sa taas, pinapakiramdaman kung wala ng tao na dadaan.

Doon lang ako nakahinga ng maayos, yung pinigilan kong hininga ay nailabas ko. Sumilip muna si Hyunjin sa itaas at dahan-dahang binuksan ang pinto palabas para silipin kung may tao tapos ay bumalik siya sa harap ko. Lumabas na ako sa ilalim ng hagdan.

"I'm sorry for that Miss Salamara, I never expected I'd see you down here, I thought you're still cleaning. Those are the bunch of ants with cameras so you don't have to worry about them. You can go out safely." he pointed his finger to the door.

Naikuyom ko ang garbage bag na hawak ko. "It's fine Mr. Nam, but... those are paparazzi right? That's why they're after you."

He nodded slowly. "Yeah, it's from that night when you saved the dog and we brought it to the shelter, the CCTV catched my face as I was standing outside of the shelter alone. It's a good thing they did not notice you, be safe while you walk home. It's the best if you take a ride to your apartment to avoid unnecessarily notice."

I nodded, taking his advice as a rife. "Yes and you too Mr. Nam." I said almost choking with my words as I said it. It's quite frustrating when he had effects on me, it's just a small thing, it's nothing big when he reminded me to be safe.

"Have a good night." he tailed.

I bowed my head slightly before going out. Siya ang nagbukas ng pinto para sakin. Maliit na boses lang ang nilabas ko nang magpasalamat ako sa kanya. Paglabas ko ay nakita ko ay mabuti nalang ay yung head of security lang ang nakita kong naglilibot tapos ay diretso na ako sa labas ng hotel. Tinapon ko muna ang garbage bag sa dumpster. Mabilis lang akong naglakad pauwi para makauwi agad.

Naging praning din ako habang naglalakad ako dahil baka may makakilala sakin, wala akong mask nung gabi na yun at kapag may nakakita sa itsura ko ay magtataka sila kung ano ako kay Hyunjin Nam. I was his maid for one day nothing else. Kung magkaroon ng malisya ang ibang tao at kung ano lang ang ilagay sa blog ay siguradong mahahalo ako sa buhay ni Hyunjin Nam.

Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa loob ng apartment na walang may sumunod sakin. Agad akong nahiga sa couch para ipagpahinga ang katawan. Sinabit ko ang isang paa sa ibabaw ng couch at yung isa ay sa armrest para maunat ang katawan ko. Nakataas ang dalawang kamay ko. Ganiyan ako kapag sobrang pagod, iniinat ang buong katawan hanggang sa umayos ang pakiramdam ko.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Where stories live. Discover now