Chapter 21

112 6 0
                                    

The best day had eventually came. My first weekend of my vacation entered and I was inside of my apartment doing my first general clean up of the year. Paggising ko ng umaga ay yun ang una kong naisip gawin, ang maglinis lahat ng kalat kahit minsan akong naglilinis para hindi matambakan. Sa laundry room ay ang dami kong nilinisan dahil may mga tela akong nasiksik sa gilid. Inipon ko yun lahat at pinasok sa garbage bag para itapon.

Naglaba, naglinis sa kwarto, sa laundry room, sa living area, sa kusina, maging sa maliit na hallway sa pinto. Iisa lang naman ang pinto at yun ay ang main door maliban sa kwarto ko. Tatlong garbage bag ang tinapon ko sa dumpster. Tinanggal ko ang gloves na suot at ginamit ang braso ko para tanggalin ang pawis na papatak na sa mata ko. Mahapdi yun sa mata at kailangan talagang alisin, ang sabi ay nakakasira daw ng mata yun. I hadn't researched it yet but some people said it's dangerous for the eyes.

Tumingin ako sa kalsada at tinignan ang mga sasakyan at taong dumadaan. The streets were busier than ever but they're calm and people were quiet as they stalked on the busy road without making any noise. Pinunasan ko parin ang pawis ko habang nakatingin sa ibang direksyon nang may naglahad ng panyo.

Napatingin ako sa taong naglahad nun sakin. He smiled as he's handing me his buttermilk yellow handkerchief. "I think you might need this." he said and an Aussie accent went out.

Dahan-dahan kong tinanggap ang panyo niya. Namangha ako nang marinig yung boses niya at yung lenggwaheng ginamit niya. Nasense niya yata na hindi ako kalahi niya. "Thank you. You don't have to but... thanks."

He nodded and pulled up the strap of his bag a little, steadying it comfortably. Lihim ko siyang sinundan ng tingin. Matangkad siya at naka-army cut siya. He's familiar. I thought I saw him with the landlord. I guessed he's the son but it's only my assumption because I did not see him for a long time and he got a new hair cut.

"I'm Sam by the way, the landlord is my uncle. I got enlisted today from the military so, yeah, I just got home today."

"Oh right, nice to meet you, sorry I'm a mess. I cleaned my whole apartment today that's why my body is covered in sweat." Hingi ko ng tawad at linahad ang kamay ko, buti nalang at may gloves akong suot. "I'm Lowie Salamara from Philippines. I'm an overseas foreign worker and I work at the hotel." sabi ko sa kanya.

We exchanged a shake.

"Wow, the hotel that only rich people could afford to stay in? Wow, amazing."

"Yeah." Nakangiti kong sagot.

Magaan siyang kausap kahit yun palang ang unang beses naming pag-uusap. Hindi ako madaling makipag-usap sa ibang tao. I was always the problem. Hindi ako nakikipag-kapwa at hindi ako yung tipo na yung unang nakikipag-usap. Palagi akong matigas, malamig sa ibang tao.

Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya, magaspang ang kamay niya at parang sanay siya sa mabigat na trabaho. He had that athletic body too underneath his t-shirt and jacket.

"I better head first to great my family. I'll see you around, Lowie."

"Thank you for your handkerchief." I said, nodding.

He nodded again. "Yep, no worries." Then he left me standing on the sidewalk.

Ginamit ko ang panyo niya para punasan sa mukha ko, pati sa leeg. Bumalik na ako sa loob ng apartment building. May nakasabay ako sa elevator na mag-ina, may pinag-uusapan sila na hindi ko masyadong inabala. Pagbukas ng lift ay diretso na ako sa apartment ko dahil may liligpitin pa ako. Inayos ko sa pagtupi at paghanger ang mga damit ko. Hapon na ako kumain dahil hindi ako dinalaw ng gutom habang nagtratrabaho ako sa loob ng apartment.

Sinabit ko isa-isa ang mga damit ko sa kabinet pagkatapos ay sinara ko ang pinto ng kabinet at dumiretso ako sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng isang pitcher na tubig. Kumuha din ako ng baso at linagyan ko ng malamig na tubig ang aking baso. I walked over to the living area and opened the door of my small balcony.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Where stories live. Discover now