Chapter 12

123 4 0
                                    

Pagbalik ko sa hotel kinabukasan ay nagpupulong na naman ang mga kasamahan ko sa trabaho. Ang dami nilang baong tsismis araw-araw, hindi sila nauubusan ng mga tsismis, palaging may latest. Narinig ko na tungkol sa isang artista ang kanilang pinag-uusapan.

Hindi ko alam kung sinong artista ang pinag-uusapan nila dahil hindi ako mahilig manuod ng pelikula. Yung TV ko ay para lang sa HBO at Netflix at hindi ako mahilig manuod ng Kdrama o Kmovies minsan ay news ako nanunuod yun lang.

"Hello Lowie, I have marshmallows in my bag. Do you want some?"

"Sure." I answered.

Binigay niya sakin ang dalawang supot ng marshmallow. Malalaki yun at hindi nakakaalinlangan nguyain kaysa sa baby marshmallows.

"Thank you Shin-Ah."

"No problem, I'm going up now." Paalam niya at nauna siyang lumabas ng locker room kaysa sakin dahil inayos ko pa ang bag ko sa locker ko.

I only had a day schedule for cleaning at Hyunjin Nam's since he's there. He clearly stated to me last time when I went to his house that he didn't like someone disturbing his peace.

Every Wednesday lang ako pupunta sa bahay niya at maglilinis at hindi na magluluto. Mayroon siyang hinire na chef habang nandun siya sa bahay niya.

Mabuti na yung isang beses lang akong maglilinis sa bahay ni Hyunjin Nam sa loob ng tatlong Linggo habang nandun siya dahil yung katawan ko ay hindi na kayang magtrabaho.
Paglilinis at pagluluto ay sobra na para sakin pero ginagawa ko lang yun dahil sa sweldo ko na malaki na ang tulong para sakin.

Pag-alis ko sa hotel ay dumiretso ako sa restaurant nina Shin-Ah para kumain dahil napaaga ang uwi ko. Ilang araw na o Linggo na yata ang lumipas simula noong huli kong pagbisita. Umupo ako sa pinakadulo na may pandalawahang tao lang ang lamesa.

Si Jisoo ang lumapit sakin at tinanong kung ano ang order ko. I greeted her mother too as she saw me. Ang laki ng ngiti nang makita ako.

"Ma'am, I'd like your spicy nakji bokkeum and tteokbokki." sabi ko at nag-okay sign siya sakin. May sinabi siyang ibang termino pero hindi ko naintindihan.

Nakangiti siyang umalis para pumasok sa loob ng kusina at magluto. May nakahanda na sila, pinapainit lang para mas masarap kung mainit pa ang pagkain.

Dumaan si Jisoo at sinabi ko na gusto ko ng gyeongdan. It's their famous dessert in their local restaurant. It's a sweet rice balls. Tinanong sakin ni Jisoo kung anong inumin ang gusto ko pero ang sabi ko ay malamig na tubig lang. Naghintay ako ng kinse minuto sa order ko.

Tahimik akong kumain na mag-isa. Kunti palang ang kumakain sa loob ng restaurant. Medyo tago kasi yun pero hindi naman nagsasarado ang restaurant nina Shin-Ah dahil dinarayo ng mga tao.

Koreans loved food. Everybody loved food but it depended on how to manage the business. Maganda din kasi ang service nila kaya hindi sila nagsasara.

Maharil sa pagkalunod ko sa pagkain, hindi ko namalayan na may umupo sa harap ko.

Pangdalawahang tao lamang yun pero para sakin ay sapat na yun para sa akin, sa inorder ko. "These look delicious. I never thought I'd meet you here."

Si Hyunjin Nam ang umupo sa harap ko. Nagulat nalang ako nang makita ko siya at hindi ko alam kung paano niya nalaman ang restaurant na'to. Halatang nagulat ako sa presenya siya.

Nginuya ko muna ang kinakain ko at linunok yun bago ako kumuha ng tissue paper sa lamesa at ipahid sa labi ko.

"How did you find this place, Mr. Hyunjin Nam? You're not wearing a mask." I whispered because I was scared someone might seen him.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Where stories live. Discover now