Chapter 23

105 4 0
                                    

A word that would describe me the whole time, lutang. I would never be like that the whole time if Hyunjin Nam would stop being so gentleman. Pati pagbukas ng pinto ng kotse ay ginawa niya habang nakatingin siya sa kawalan. Lutang din siya. Pero natakot ako dahil baka may makakita sa amin. Agad akong nagpaalam na pagkalabas ko mula sa kotse.

Paglabas ko ng kotse ay agad akong nagpaalam para makapasok sa loob ng apartment building. Tinapat ko ang kamay ko sa dibdib ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako may ganitong pakiramdam, yung pakiramdam na parang—iniling ko nalang ang mukha ko at hindi na ulit pinakialaman ang anumang humahalong pakiramdam.

Paglabas ko ng elevator ay nakasalubong ko si Sam. Kumaway siya sakin at tumango din ako at ngumiti ng tipid. Hindi siya makalapit sakin dahil may kasama siyang babae. Ang sama nga ng tingin sakin ng babae. Umiwas nalang ako at pumasok sa apartment ko bago pa ako sugurin ng babae at may makaaway pa ako.

Ang ayaw ko sa lahat ay may bad record ako. I didn't want someone to leave me with a bad slate and as much as possible, all I needed was not a shaded name. Linagay ko sa lamesa ang biniling cake ni Hyunjin. It's super cute and I thought about not to ruined the cake. It's a bear like care coated with chocolate. Hindi ko alam na pipiliin ni Hyunjin ang chocolate.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at kumuha ng bagong damit para maligo narin ako.

I started my other rough day by arranging my artworks. I focused on updating another episode of my manhwa then after that, I uploaded it. I received flood of comments from my readers after I posted it. Panibagong episode naman ang trinabaho. Tutok na tutok ako sa screen ng tab ko nang mag-ingay ang phone ko. Binaba ko muna ang pen bago kinuha ang phone, my eyes widened as I saw Hyunjin Nam's name. Binasa ko agad ang mensahe niya na nagpakabog sa dibdib ko, hindi sa saya kundi sa pag-aalala.

Mr. Nam:
Whatever happens, don't leave your apartment.

Unang pumasok sa isip ko ay baka may nakakita samin sa coffee shop. Kahit puno ng kaba ang dibdib ko at takot na totoo ang hinala ko ay hindi ako nagpapalag. Curiosity killed me. I opened my Instagram and clicked the search icon below and there I saw images below the search bar. Puro kay Hyunjin Nam lahat ang nakita ko dahil sa kanya ako palagi tumitingin kapag nasa labas kami dahil ayokong madamay sa kung anong rumors ang ginawa ng mga tao.

Yung ibang post ay matagal na, walang bago at walang rumor tungkol sa kanya pero nagtataka ako kung bakit binalaan niya ako. Hindi parin ako mapalagay. Pinatay ko ang screen ng phone ko at binaba yun. Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at yumuko sa lamesa.

"This is crazy. It's driving me crazy." I chuffed to myself.

Hindi ako nakapagpukos sa pagdrawing dahil nasa ibang pangyayari ang iniisip ko. Hindi ko alam kung paano ako makakabalik sa dating buhay kong tahimik lang. Agad akong napaayos ng upo nang bigla ulit  nagvibrate. Kinuha ko ulit ang phone ko at binasa ang bagong mensahe ni Hyunjin.

Mr. Nam:
I don't want you to worry but I'm sorry if I warned you not to go outside. There's someone who posted a picture of us when we're at the coffee shop, it's posted an hour ago but we're doing something to prevent it from spreading. As much as possible, don't go outside today or tonight just to be safe.

Dumagdag ang kaba sa dibdib ko. Kung isang oras na yung post na yun at nagleak agad ay siguradong maraming tao ang may alam. Gusto kong itext si Hyunjin Nam at ihingi yung picture na yun. Sabi ko na nga ba at mangyayari yun. Hyunjin Nam was one of the top stars in Korea and a lot of people were dying to enter his private life. I knew there were some speculations circulating in their heads but it's not what they thought it was. I was just a plain girl who worked to gain more money.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon