Chapter 33

97 2 0
                                    

Yung problema sa hotel ay agad na nasolusyonan. Ang solusyon, patalsikin yung isang babaeng OFW na pinagtangkaan daw na nagnakaw ng alahas ng babaeng Koryana. Mayaman pa naman ang babaeng yun  at palagi siyang nagbobook sa hotel kapag nasa Gwangju siya. Mabuti nalang at mali si ate Dulce sa kanyang iniisip na baka kami rin ay maaapektuhan sa trabaho namin.

Sinabi ko kay Shin-Ah lahat ng magkita kami sa restaurant kung saan siya nagtratrabaho. Minsan nalang din kaming magkasama dahil busy siya sa pag-aaral.

Nakakaawa ang nangyari kay Mabel pero ano nga ba ang magagawa namin at niya dahil yun ang desisyon ng nakakataas sa amin. Kaya hindi madaling mag-abroad. Akala ng ibang tao ay madali lang na halos ikamatay ng marami dahil yung mga nag-abroad na may napakasama na amo ay sadyang minalas sa kapalaran nila. Oo yung iba ay swerte pero hindi madali ang pinagdaan para makapag-abroad. Bago mag-abroad ay marami pang steps na kailangan gawin at pera na dapat gastusin.

Nung nag-abroad ako ay nakapag-utang ako pero sa unang sweldo ko ay binayaran ko agad siya, tinubuan ko pa para kapag umutang ulit ako sa kanya ay hindi siya agad na manghinala sakin na baka hindi ko siya bayaran agad. Hindi madali ang malayo sa pamilya, pero yung buhay ko sa Mercedes ay matagal na yung kinalimutan ko dahil hindi na nandun ang kapalaran ko, saka sino pa ba ang tatawagin kong pamilya kung hindi naman nila kinukumusta ang lagay ko?

Mabuti pang nasa Korea ako dahil mayroon nag-aalala sakin.

Kinuha ko ang sketch pad at lapis ko. Naglakad ako papunta sa balkonahe para magpahangin. Binuklat ko ang sketch pad at bumungad agad sakin ang mukha ni Hyunjin na ilang araw ko ng ninais buuin. It's finally done and I just kept it on my collection. Hyunjin illustration collection. I missed his stoic and cold face. He's in New York. Three days at three nights narin siya doon. Nagmemessage naman siya sakin pero pawang kabalastugan lang ang natatanggap ko mula sa kanya.

Napangiti ako nang mapatingin sa drawing ko. Kinuha ko ang phone at binuksan ang Google app at sinearch ang pangalan niya. Lumabas agad yung articles na nagsabi na umattend siya ng isang fashion week sa New York. Pupunta din si Hyunjin sa Paris sa isang fashion week ng Dior. And he told me that's he's going to be the brand ambassador of that fashion brand.

Napangiwi ako ng may makitang larawan na kasama niya yung female lead ng drama series niya dalawang taon na ang nakalipas. Leading lady niya yung actress na yun at nalink silang dalawa. Parehong umattend ng fashion week pero rumors na nakita sila sa isang restaurant sa Manhattan. The more I got so curious, the more jealous I felt when I saw them together in one picture. I exited from the site I had entered and shut my phone off.

Naglakad ako papunta sa refrigerator ko at kumuha ng isang can ng Sprite. Umupo ako sa sahig sa tabi ng nakabukas na refrigerator. Yung lamig ng refrigerator ay pumasok sa kalamnan ko. Mabuti nalang dahil effective para sa mga madaling mag-init ang ulo pero kalmado parin.

Binalik ko ang tingin sa phone ko na nasa balcony. I crawled through the balcony to get my phone. Pagkuha ko ay naglakad ulit ako sa may bukas na refrigerator ko at naupo doon.

I opened my phone. Bumalik ako doon sa article na binasa ko at matapang na isenend kay Hyunjin. Hindi pa siya nagreply kaya linagay ko lang ang gadget ko sa sahig. Ilang sandali lang ay hindi ko pa naitutungga ang lata ng Sprite ay tumunog agad ang phone ko. Nang kunin ko yun ay pangalan agad ni Hyunjin ang nakita ko.

I lazily swiped the green icon to answer it but I closed the refrigerator. I took a sip on my Sprite. "Hyunjin Nam." I called.

"The article tells the half-truth and half-lie. Sora Park and I met during the event but we never had much interaction. Regarding of her and I at the said restaurant, I never been in that restaurant during my stay in New York so that's the lie. Sora probably met some guy there and they just pointed out my name on it regardlesly." he explained.

All Jokes Aside (Imperfect Series #3)Where stories live. Discover now