Chapter 1: The Day that we met

71 12 0
                                    


Minsan mapapa-isip ako kung masama ba umibig sa hindi kaparehas ng pananampalataya? Kahit na naniniwala pa rin sa Lord Jesus Christ, subalit magkaiba lang ng sekta.
"Nasusulat sa Bible na ibigin mo ang iyong kapwa" subalit paano kung yang tao na hindi mo ka same faith/sound doctrine ay maging way para ma Genuine ang Christian Living mo?

Hello, ako nga pala si Gio; isang Youth member ng United Pentecostal Church na nag hold ng Apostolic Doctrine. Naging masaya ang buhay ko simula matangap ang ating Panginoong HESU-KRISTO.
Ngunit ako pala ay mapapa-ibig sa isang Dalagang Baptist na inakala kong kaaway.

Nameet ko sa baryo namin habang nag soul winning sila kasama mga kapatiran niya na rin nagtuturo sa mga Bata.
Sabay bangit ng mga bata sa Isang Magandang Dilag ng Baptist na si Regine sa akin na nakikinig sa kanila habang pinagmasdan ang kanilang ginagawa.

Isa sa mga bata na tinuturuan nila ay pamangkin ko. At wala naman akong nakitang mali sa kanilang pagtuturo hanggang sa nasabi ng Bata na kami ay mga Pentecostal.

At nung matapos ang kanilang pagtuturo sa bata ay hinandaan ko nalang silang lahat ng mga pagkain at main-inum at nabigyan ng pagkakataon na makilala ang bawat isa sa amin na nagpakilalang anak ng Pastor si Regine sabay na ang Bible sharing.

Regine: Purihin ang DIYOS Brother Gio, ikinagagalak naming makilala ka at maka Bible Sharing ka.

Gio: Salamat sa DIYOS Sister Regine, gaya ng nabangit ng pamangkin ko. Na kami ay isang Pentecostal (UPC)

Regine: Walang problema yan Bro basta kami magpapabahagi sa inyo patungkol sa kaligtasan, sapagkat Ito'y importante para sa atin na maligtas tayo.

Regine: Ngayon Bro Gio, kung ikaw ay mamamatay maka sure ka ba sa Iyong Kaligtasan?

Gio: Yes! Makasure ako sapagkat may pananampalataya ako sa ating Panginoong HESU-KRISTO at Bautismado sa Pangalan ni Hesus.

Regine: Mabuti! Pero ito sasabayin ko sa Iyo Bro Gio na ang Bautismo ay hindi nakapagliligtas, kundi ang Pananampalataya lamang.

Habang ako nag disagree sa mga panayam ni Sister Regine ay naging aggressive ang mga kasamahan niya at namaratang na Hindi daw ako tunay na ligtas.
Subalit nanatiling kalmado lamang sa kanilang mga binahagi sa akin hanggang sa we choose to cut off ang bible sharing sapagkat yung isang kasamahan ni Sister Regine ay uminit ang ulo sa akin.

Sabay sabi ko sa kanila:

"Godbless mga Kapatid, no hate at it's an honour na maka sharing kayo at nawa mabuksan ang inyong isipan"

At umalis sila Sister Regine at mga kasamahan niya.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now