Chapter 12: Unexpected Messages

20 10 1
                                    

Nang magsimula ang klase ay biglang nag vibrate ang phone ko, since bawal man kami gumamit ng phone during class lalo na si Ms. Emma ang prof namin, strikto siya sa oras ng klase, saka nalang pag natapos na ang time niya ay pwede ng gumamit, at habang nagtuturo si Ma'am ng Entrepreneurship ay akala ko madali lang itong aralan, ngunit napakalawak ng discussion patungkol sa pag-isip ng Business, Opportunity seeking, Business plans, Innovation at marami pa.



Sinulit ko ang mga oras na iyon para na lamang may maging ibang provision kung sakaling mag decide para sa future namin ni Sis Regine. At di na ako nakatiis dahil multiple times nag vibrate ang phone ko kaya nagpa-alam nalang ako sa prof na lalabas muna dahil may tumawag, at pinayagan naman ako. Ngunit pagbukas ko sa cellphone ko ay pawang mga messages ng pag-imbita sa isang joint fellowship between Bible Baptist Church at Fundamental, tinurn off ko muna ang cellphone ko at pag matapos ang Klase kay Ms. Emma ay pupuntahan ko si Kyla at tanungin patungkol sa joint fellowship.



Bumalik din ako sa klase pagkatapos kong mabasa ang mga messages sa email, ngunit sa pagbalik ko sa upuan ay agad din akong pinagpa oral recitation ni Ma'am, nasagot ko naman ang mga tinanong niya na base sa aming lecture ngayon, hindi rin ako naging lugi dahil ako po ay both listening and visual learner. Ako'y binigyan ni Ma'am ng plus 2 direct to the card dahil sa pag participate ko sa oral recitation.



Hindi rin nagtagal ay na time na din at natapos ang klase ko Kay Ms. Emma, kaya pinuntahan ko rin si Kyla, nagbakasakaling siya'y nag refer ng email ko sa nag send ng invitation messages, subalit iginiit niya na hindi.


Sa aking isipan ay wala namang nakaka-alam sa email account ko maliban nalang kay Sis Regine, kaya bumalik nalang ako sa room at maghihintay ng susunod na klase, kaya naisipan kong mag libang muna sa social media at napansin ko na ang mga kaklase ko ay masaya habang may kachat, tinanong ko ang mga ito kung ano gamit nila, dahil pansin ko hindi naman sa Facebook o Messenger dahil anonymous daw sabi nila, kaya para malibang na rin ay tinanong ko kung anong website gamit nila at iyon sinubukan ko.



At nang makapasok sa sinabing website ay nagpaturo ako sa mga kaklase ko kung paano gamitin, at nalaman ko na may category kung ano ang interest, at dun ay nag message ng "Hi F15" ngunit nalang ako dahil ang bata pa, chinat ko nalang na "God loves you, and please spend your time in studying" at doon din pumasok na ang aming susunod na prof.



Pinagtuonan ko nalang ng pansin ang klase at bahala na ako mag gamit ulit kapag free time na, nasiyahan din naman ako kahit papano baka pwede pa nga ako naka share doon about God's word, hindi naman partner habol ko dahil may Sis Regine naman na hinihintay ko.



Dumating ang oras na natapos na ang klase at sinabihan ako ni Kyla ng ganito.



Kyla: Gio, yong joint fellowship na iyon Regional man yon at kung sasama Ka, siguro kina Brother Cedric at Sister Eunice ka nalang sumabay.



Gio: Pag-iisipan ko yan Kyla, at magpapa-alam muna ako sa Pastor ko lalo na hindi ako Baptist, pag respeto nalang sa kanya.



Kyla: Ayos lang



Mabuti nalang na napa-aga kami ng uwi, kaya sa bahay ay sinubukan kong gumamit ng Omegle gaya ng tinuro sa akin ng mga kaklase ko, pampalipas oras na lang mula sa pagbabagot.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now