Chapter 17: Sister Christine's Request

15 7 0
                                    

Habang kami ay nasa byahe pauwi ng Davao City, ay nakatanggap ako ng text messages mula kay Sister Christine ng District 4; subalit hindi ako makareply sa kadahilanang mahina at halos mawala ang signal habang nasa probinsya pa ng Bukidnon. Kahit ganoon ay sinubukan ko pa rin na mag reply sa text message niya kung ang signal ay masagap na ng cellphone ko.



Sinabi niya; "Brother Gio, pasensya na kung hindi ako nakasama sa joint fellowship, nandito po kasi ako Southern Philippines Medical Center, dahil si Papa ay na admit at walang magbabantay, kundi ako."



Naawa ako sa kanya, dahil napag-alaman ko na mula sa kasamahan niya na ang Ama na lamang ang mayroon si Sister Christine, dahil noong bata pa daw, ay iniwan na ito ng kanyang Ina at sumama sa lalaking may kayang bigyan ng maluho at masaganang pamumuhay. Hindi nga ito nakilala ni Sister Christine kung ano ang itsura ng kanyang Ina.



Ipinagbigay alam ko ito kay Pastor Rolly; na kita ko sa kanyang mukha na awang awa sa kalagayan ni Sister Christine.



Pastor Rolly: Sige Gio, didiretso tayo sa ospital at bibilhan natin ng mga kailanganin ni Sister para sa kanyang Ama, at isali natin sila sa mga prayers.



Gio: Opo Pastor.



Tinanong ko rin sila Kimberly at Rafael kung sasama pa rin ba sila sa Ospital; na kung saan ay dadalawin si Sister Christine, at sila'y pumayag.


Matapos na kami nakababa na ng bus ay kaagad kaming sumakay ng jeep patungong Gaisano Mall, upang bilhan ng mga pagkain. Pagkatapos ay dumiretso tungo sa Ospital. At nang matagpuan namin kung saan binabantayan ni Sister Christine ang kanyang Ama, ay kaagad din kami lumapit at laking tuwa nang makitang bumisita kami.



Christine: Salamat sa inyo Pastor na dumalaw kayo dito, hindi ko talagang inaasahan na mangyari sa araw pa ng gawain.



Pastor Rolly: Naintindihan ka namin, nagtaka nga kami na wala ka doon; pero sige lang, may plano ang Diyos.



Christine: Hindi na ako nakapagcontact sa Pastor ko dahil na low-battery ang cellphone ko.



Pastor Rolly: Ipanalangin ko sa Diyos ang paggaling ng iyong Ama.



Nanatili kami doon ng isang araw at isang gabi, ngunit pinauwi nalang namin sina Rafael at Kimberly pati ang asawa din ni Pastor Rolly; para makapagpahinga mula sa byahe. At kami ni Pastor na kasama si Sister Christine at ang Ama niya ay pinapatibay namin ang kanilang loob na malalampasan nila itong pagsubok na kanilang nakamtan.



Gio: Nauunawaan kita Sis Christine, asahan mo! Sa awa ng Diyos; gagaling din yong Papa mo, tiwala lang sa Kanya at huwag mawalan ng pag-asa. Para sa Papa mo ay magpakatatag ka at isali natin ang kanyang paggaling sa panalangin sa ating Panginoong Hesu-Kristo.



Christine: Brother Gio, ayoko pong mawala si Papa sa akin; Siya nalang ang pamilya na meron ako, at nawa'y pakinggan Niya ang ating dalanggin na gumaling si Papa.



Gio: Asahan natin sa kanya Sis Christine.


I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now