Chapter 11: Stepping Stone

22 8 0
                                    

Matapos ang pag-aayuno ay ipinagtapat sa akin ni Pastor Rolly regarding sa naging panaginip ko, at nung dumating ang pinsan ko na si Kimberly ay parang gusto sumubok ng pagsali ng mga pagtitipon patungkol sa pag aral ng Theolohiya, kaya naman ay masaya ako na may maging katuwang sa bahay at sa church si Pastor kung sakaling tutuloy ako. Agad kong nilapitan ang pinsan ko na si Kimberly.



Gio: Insan, kung sakaling may plano akong papasok ng Bible school, ayos lang ba na Ikaw muna tutulong sa church?



Kimberly: Ayos lang insan, samahan at gabayan ka nawa ng ating Panginoong Hesu-Kristo.



Di ko maiwasang mamimiss si Sis Regine, dahil siya lamang ang nagmamahal ng tunay at tapat sa akin, kapag ako'y lumalabas ng bahay ay binibisita ko palagi ang kanilang bahay na kahit kanyang mga kapatid na lamang ang nakatira dun. Pinangako ko sa sarili ko na sisikapin kong maging maunlad ang buhay para kaya ko na panindigan ang lahat ng responsibilidad kung sakaling magiging kami na ni Sis Regine.



Pinagplanuhan ko ng mabuti ang pagpasok sa Bible School, malapit na rin naman akong maging Fourth year student, subalit sa aking isipan ay parang nagtatalo kung alin ang pipiliin ko. Ine-evaluate ko muna kung sakali man na may online Bible school.



Pero sa puso ko, gusto kong mag-aral sa Bible school ng pisikal, nagtanong-tanong ako sa mga kapatid sa pananampalataya, at ito'y kanilang sinagot na "2 years lamang ang pag-aaral sa Bible school".


Kaya tumungo ako sa church at ipinagbigay alam kay Pastor patungkol sa impormasyon.



Pastor Rolly: Ikaw Gio, yung hindi sana maging conflict sa secular class mo, mag Fourth Year ka na tapos 2 years ang Bible school.



Gio: tatanggapin ko ng buong buo kahit sa pagbalik ko ay 1 year nalang ang aking sakripisyo sa secular class.



Pastor Rolly: tiyagaan mo nalang ang natitira mong taon sa college, saka ka mag desisyon mag Bible school, pwede ka naman magpatuloy sa college life mo kahit nasa proseso ka ng Ministerial journey.



Kaya napa-isip ako ng maigi para naman sa future ng pisikal na aspeto sa buhay at sa Espiritwal. Tinanong ko siya kung mayroon bang nag-oonline Bible lectures, at ang sabi niya ay "Oo".



Sa huli, mas pinili ko nalang magpatuloy sa pag-aaral sa college at habang nag-aaral ay patuloy pa rin sa pag win ng souls dala ng Word of God, hindi man naging madali ay ayos lang, ayaw ko man kalimutan si Sis Regine, kaya gawin ko rin siya bilang inspirasyon ko na magpupursige sa pag-aaral at magpapalakas din sa buhay Espiritwal. Kahit man na maraming pagsubok na aking madatnan, Hindi ko nalang papansinin bahala na ang Diyos ang magpatikum sa kanilang mga mapangahas at mapang-aping gawain.


Habang ako'y nasa library dahil may bakanteng oras ay napansin ko na ang paaralan namin ay nag ce-cell group, akala ko lang na yung nandito pa si Sis Regine pagkatapos ng patimpalak ay wala na, yun pala may naging reformation sa kanilang organisasyon sa campus, laking tuwa ko dahil may mapaglaanan ako ng oras habang hindi pa gumraduate bilang stepping stone ko muna. Ang mga leaders ay karamihan mga professor sa ibang college department, mayroon ding mga Estudyante na pinili upang mamahala kung sakaling unavailable ang mga prof. At may isang Estudyante dun na nakakilala sa akin na nagngangalang Rafael.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now