Chapter 6: Pentecostal General Camp

21 10 0
                                    

Di nagtagal ay nakarating din kami sa venue at good to know din na wala pa masyadong tao at kami pa lang na District 2 ang nakarating. Kung kaya't nakapag pwesto kami ng maayos sa maging matutulugan namin at yung mga Babaeng kasamahan namin ay dun sa kabilang compound.
At di rin nagtagal ay unti unting dumating yung mga Ka Youthmates namin from different Districts.

Di naman nanibago si Sister Regine sa Byahe dahil nakaranas din siya sa kanilang mga Conferences at gaya ng bagong dating ay tahimik talaga si Sister Regine pero bakas sa mukha niya na nasiyahan siya.

Since I am just a member of our local church UPC kaya ipinakilala ko rin siya sa mga close friends ko sa ibang district para naman hindi siya ma out of place.

Since na Babae siya ay dun ko pinakilala sa mga kapatiran naming Babae din upang ma enjoy din naman siya, habang hindi pa nagsimula ang Service.

UPC LM na ipinakilala kay Sis Regine:
• Sis Jane - from District 1
• Sis Claire - from District 3
• Sis Christine - from District 4
• Sis Thea - from District 1
• Sis Angel - from District 5
• Sis Mariel - from District 5

At ako naman ay nag arrange sa mga gamit ko sa facility na aming mapagpahingahan at paglabas ko sa room na yun ay sinabihan ako ni Sis Claire na

Claire: Ang ganda pala ng Partner mo Bro Gio!

Labis akong nagtaka sa sinabi niya, kung kaya't nagstay nalang ako sa facility namin, subalit kinausap ako ni Sis Claire.

Claire: Bro Gio naman oh! parang hindi kapatid sa Faith. Ikaw ha? Baptist pala target mo.

*Pabirong sabi ni Sis Claire*

Gio: Di naman, kaibigan ko lang yan si Sis Regine.

Claire: Ah ganun ba? Baka siya pala ang God's Will sa iyo Bro, Yiieee! Nabangit kasi niya na close daw kayo.

Gio: Kung will ni God, syempre matutuwa ako😁 basta inimbitahan ko siya dito dala ng pag paalam sa Magulang niya.

Claire: Wala namang problema Bro, as long as na di naging hadlang ang sekta sa Inyo as long genuine.
Sya nga pala! E entertain mo muna yung bisita mo Bro Gio, alis muna ako at sasalubungin ko yung mga upcoming Brethrens natin.

Gio: Sige Sis Claire

*Si Sister Claire pala ay siya naging Ate ko na nag a-advice sa akin.*

At sa wakas ay nagsimula na ang Service, tinabihan ko na talaga si Sister Regine ng upuan.

Ang naging Tema sa General Camp ay "Now Faith" na ang key Verse ay mababasa sa Hebrews 11:1 hanggang dulo.

Simula sa First Day at sa Last night ay nanatili talaga ako sa tabi niya para may ma share din ako sa kanya kung sakali man na nalilito siya lalong lalo na sa portion habang nag Solemn Song ay grabe ang Presence ng DIYOS na maging si Sis Regine ay nafeel din niya at nung time na yun na breaking para sa Last night service ay nag hapunan muna kaming lahat sabay share ni Sister sa akin.

Regine: Wow Brother Gio😍 ako ay talagang nablessed dahil ngayon ay mas naintindihan ko na talaga kung bakit ganito kayo mag Puri sa ating Diyos, for the first time Bro Gio ay nafeel ko ang presensya Niya at ang gaan ang pakiramdam ko na feel ko ay may napaka fresh na tubig na umaagos sa akin.

Sa sinabi niya yun ay naka feel ako ng saya at di maiwasan na napatulo luha ko dahil di ako nag expect na maniniwala Siya, subalit siya mismo naka patotoo sa kanyang sarili na powerful ang presensya ni God.

Sabay ngiti sa kanya habang naglinya para kumuha ng aming hapunan.

At nung nakakuha na kami ay pinagpatuloy din niya ang kanyang mga testimonies patungkol sa nangyari sa kanya sa panahon ng Service, at syempre sinabihan ko rin siya na wag muna habain sapagkat kailangan muna tayong kumain.

Para iwas issue sa iba ay iniyaya ko rin yung ibang Male Youths at yung mga Sisters na nakilala ni Sis Regine na sumalo sa amin at nilibre ko sila ng mga softdrinks Kada isa at dun parang na enjoy din kami hindi lang sa pagkain kundi sa naging testimony ni Sister Regine na ibinihagi sa amin😊.

At nung matapos na kaming kumain ay sakto lang na magsisimula muli sa Evening Service na kung saan ay mas Lalong tumindi ang Revival.
At ganun din, tinabihan ko rin si Sister Regine ng upuan kasama mga Youths na belong sa Amin at iba pang kasamahan namin na Adult para pagka alis na ay di na maghanap sa ibang kasamahan para ma arrange na rin sa sasakyan pauwi.

Nung nagsimula na ay 1 Hour Praise and Worship, tapos alive na alive talaga ang bawat isa sa amin at nung dumating sa Solemn Song or sa pagkatapos ng Joyful ay nag focus lang ako at finefeel ko yung presence ni God.

Sa song na "Kay buti Mo" grabe yung nafeel ko na sa kabutihan ng ating Panginoon ay Di maiwasan na tumulo luha ko at marinig ko rin si Sis Regine na umiyak.

🎵🎶Panginoon kay buti Mo sa akin
Ikaw lamang ang tangi kong sasambahin
Aawitan Kita at pupurihin
Panginoon kay buti Mo sa akin🎶🎵

Di ko mo ma explain kung bakit sa mga Awit ng pasasalamat, at mga awiting nakapagbigay luwalhati sa DIYOS ay ito talaga ang madanatnan ko, na habang napaiyak ay naging strong ang loob ko na parang walang makapigil sa pag proclaim patungkol sa kabutihan at kadakilaan ng DIYOS!

Hanggang sa matapos ay na Revived! Kasi we believe na kailangan natin ng Revival.
Pagkatapos ay niyakap ako ni Sister Regine sabay sabi na "Salamat dahil nandito Ka, Hindi aksidente na nakilala kita" at nung kami ay umupo na tanging announcement nalang for the upcoming events at unfortunately parang di na ako makasali pa kasi na schedule sa may klase, kahit papano ay nablessed kaming lahat sa General Conference na ito, then bago kami nagtapos ay nag Closing song muna at pagkatapos ay Closing Prayer.

Agad kaming binati ni Pastor Rolly.

Pastor Rolly: Kumusta kayo? Nablessed ba?

Majority of us na mga member niya at pati si Sister Regine ay sobrang nablessed.

Regine: Ako'y sobrang nablessed po Pastor! This is my first time na nafeel ko talaga ng grabe.

Pastor Rolly: Mabuti naman kung ganun! sige na mag arrange muna tayo sa ating mga gamit at linisin din natin yung area natin.

Nilinis namin yung mga lugar kung saan kami nag occupy at nung na arrange sa sasakyan lahat ng mga gamit namin ay nagpa alam na kami sa lahat ng mga Kapatid sa ibang district at lumisan na.

Sa aming pagbyahe pauwi ay Gabi na iyon at para Hindi maabutan ng Traffic pagka Umaga kaya bumyahe na kami kaagad sa layo ng distansya at syempre mag stop man din kami sa isang lugar kung kami man ay temporary na magpahinga, hanggang sa maging active ulit ang driver ay Byahe patuloy at Salamat sa DIYOS na sa wakas ay nakauwi din kami🤗💖

mayamaya ay tinawagan ni Sister Regine ang kanyang mga magulang na magpasundo at habang naghihintay ay niyakap ulit ako ni Sister Regine ng mahigpit na parang may relasyon kami, subalit sinabihan ko lang siya na wag lang masyadong mahigpit at Di nagtagal ay dumating din ang mga magulang ni Sis Regine sakay ng kanilang Pick Up Vehicle at may dalang dalawang Tray ng Ulam bilang pasasalamat at dun din nagkakilala sila Pastor Rolly at Pastor Bryan.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now