Chapter 7: Back to our Lifestyle

19 9 0
                                    

Nang sinundo ng mga magulang si Sis Regine ay nagpasalamat ito sa lahat ng mga kasamahan ni Bro Gio at sa Pastor nito.

Regine: Ikinagagalak ko po naka punta sa Inyong pagtitipon, maraming salamat sa inyo na tinanggap niyo rin ako at tinuring talaga na parang kagaya niyo Lang.

Pastor Rolly: Sa DIYOS lamang magpapasalamat Sister, basta welcome kayo dito.

At nung palabas na sila sa Church ay tinawag niya si Bro Gio at pinasalamatan din.

Regine: Bro Gio, Salamat na naging parte Ka sa buhay ko, Salamat na sinamahan mo ako at na enjoy ko ang Pagtitipon na yun. At dahil dun ay mas naintindihan at na revive pa ako. At sa muling pagkikita Bro Gio

Sabay nagkamayan ang dalawa, Alam ni Bro Gio na may nararamdaman din siya Kay Sis Regine, subalit mas pinili muna niyang maging mabuting kaibigan sa kanya at dahil dun may natutunan din si Bro Gio na maging mas Genuine pa ang kanyang pamumuhay bilang Kristyano. Kung kaya naman ay sumumpa siya sa kanyang sarili na maging committed muna sa Tungkulin.

Gio: Balang araw.... Ibibigay ka ni God sa akin, Sa ngayon ay dapat ko muna tapat sa tungkulin na sa ganun ay magiging matapat ako sa iyo.

At makalipas ng ilang Araw ay silang dalawa ay naging abala sa kanilang tungkulin.
Si Sister Regine ay nagtuturo sa mga Bata sa araw ng Sabado at Linggo, samantalang si Bro Gio naman ay tumutulong sa pag renovate sa church nila sa pamamagitan ng pagpanday, pagpapala ng simento at maging sa mga gawain ay tumutulong din siya sa pag usher sa mga bisitang dadating sa service.

Pero Di rin nawawala ang kanilang komunikasyon sa pamamagitan ng cellphone at internet na madalas ay nagkwekwentuhan at na minsan naman sa ay maatasan Siya sa isang portion sa kanilang Online Service sa GC.
Pagkatapos nun ay balik naman din silang dalawa sa pagchat at tawag.

Gio: Hello Sis Regine, Kumusta ka na po? Na miss kita bilang kapatid sa pananampalataya.

Regine: Heto ayos lang naman, patuloy rin na lumalago Spiritually, Oum Namiss rin kita Mr. Pogi ng UPC😁 ano pinagkakabalahan mo sa Inyo?

Gio: Tumutulong sa Gawain dito sa Church at maging sa mga Construction tasks😁 kahit papano ay natuto rin ako nito sa paghalo ng Simento, Buhangin tapos masahin para maging matibay.

Regine: Wow ha! Kaya mo na talaga akong buhayin nyan! Joke lang Hihihi✌️

Gio: Ehh HAHAHA! Ikaw palabiro ka talaga, guard muna heart natin at magsilbi muna tayo hanggang kung pwede na ay ipanalangin din natin.

Regine: Ayos naman yan Bro Gio😊 Sige lang po, Hihintayin kita😁

Gio: Sige po at Andito lang ako mag stay sa Iyo.

Regine: Kelan ka ba pupunta dito?😁 Tayo sana dalawa magtuturo sa mga Bata dito mga Sabado lang ng mga Alas 10.

Gio: Sige po, Kung loobin ng DIYOS.

Bago pa man sila nagtapos sa kanilang pag-uusap sa Cellphone ay nagprayer muna sila at sabay sabi "Goodnight and God bless".

Si Bro Gio ay nagpa-alam muna sa kanyang Pastor na tutungo siya kina Sister Regine sa araw ng Sabado at agad naman itong pinayagan ni Pastor Rolly.
Maging si Pastor Rolly ay nabilib sa pagiging commited at humbleness ni Bro Gio.
Napansin kasi niya na nung nakadalo sa Regional Fellowship at dagdag pa na si Sister Regine ay tumino sa kanyang pananampalataya di gaya ng dati na pupunta Lang ng Church at pagkatapos ay uuwi na walang pakihalubilo sa mga Kasamahan niya.

Pastor Rolly: Nawa'y magpatuloy siya sa pagiging ganito, Salamat sa DIYOS na siya'y tumino sa batang ito.

Nung patungo na sana si Sister Regine ay bumili siya ng pasalubong para sa Pamilya ni Sis Regine at balak pa daw niyang ipagluto ng favourite niyang Adobong Pugita na siya'y binangit ni Sis Regine sa kanyang mga favourite na kung kaya't bumili rin siya ng mga Sangkap para dito.

At nung nakarating na si Bro Gio sa Church nila Sis Regine ay sila lamang ng Pamilya ni Sis Regine, kasama si Ma'am Riza, Pastor Bryan, Sis Eunice at Bro Cedric.

Cedric: Oy Bro Gio! Mabuti at napadalaw ka! Ali ka! Pasok.

Inagahan ko rin pagpunta upang makaspend ko rin naman yung Family niya, subalit wala si Sis Regine kaya tinanong ko si Pastor Bryan.

Gio: Hello Pastor, Magandang Araw po, wala po ba si Sister Regine? Sabi niya kasi na sabay daw kami magtuturo sa mga bata😁.

Pastor Bryan: Hintayin mo lang siya Iho, kasi may ipinasa siyang aktibidad sa kanilang paaralan at ano yang dala mo Iho?

Gio: Para po ito sa inyo Pastor😁
Ang dinala ko po ay nakabalot na Lumpia at Pugita.

Pastor Bryan: Favourite kaya yan ni Regine ang Pugita, naku Iho salamat sa mga dala mo😊.

At tinanong ko siya na kung maari ba na ako ang magluluto ng Pugita para sa pananghalian.

Pastor Bryan: Sige Iho, lalong matutuwa yun😊.

Tapos ay dumating na din sa wakas si Sister Regine!

Regine: Bro Gio! Nandito ka pala😊 Nag-agahan ka na po ba?

Gio: Tapos na po Sis Regine.

Regine: Sige, at tutungo na tayo sa mga Bata😊

Agad ding kinuha ni Sis Regine yung Bible Story book at nagpa-alam kami sa kanilang lahat.

Habang kami ni Sister Regine ay naglalakad ay sinabi ko sa kanya na "Sana'y ganito ka committed yung ibibigay ni God sa akin."
At ngumiti naman siya sa akin.
At nung palapit na kami sa pupuntahan namin ay agad kaming sinalubong ng mga Bata na masayang masaya sa aming pagdating.

Di nagtagal ay nagsimula kami ni Sister Regine sa pagtuturo sa mga bata sa pamamagitan ng pag kwento patungkol sa mga kaganapan sa Bibliya.

At ikinuwento niya sa mga Bata patungkol kay Jesus Christ mula sa pagsilang sa kanya sa nature ng laman hanggang sa kanyang pag ministry at itinuro din niya sa mga Bata na maging mabait at masunurin sa mga magulang. At pagkatapos ay ako naman ang naatasan sa mga pa Bible games sa mga Bata, nag enjoy din silang lahat kasi pagkatapos ay Bumili rin ako ng mga pang snacks nilang lahat at yung mga naka sagot sa Games ay binigyan ko ng tig 50 Pesos.

Regine: Bro Gio! grabe naman yan, Di mo kailangan gawin yan.

Gio: Sige lang Sis Regine, ngayon lang po ito.

Di naman masyado kami nagtagal dun at pagkalipas ng mahigit isang oras ay nagpa-alam na din kami sa mga Bata at bumalik sa Church nila Sis Regine.

At dun ay tumungo ako sa kusina nila at dun ipinagluto ko Sila ng Adobong Pugita.

•Una ay ipinalambot ko muna yung Pugita hanggang sa hiniwa-hiwa at niluto ulit kasama yung ibang sangkap na hinalo rin hanggang sa naluto na at inihain ko na sa kanila.

Regine: Wow!😍 Pugita ba yan Bro Gio? Ang Bango ng Adobo ha.

Pastor Bryan: Sige, bago tayo kumain ay magdasal muna tayo.

At pagkatapos ng dasal sa hapag kainan ay pinasabay na rin ako nila. At di ko akalain na matatakam sila sa niluto ko lalong lalo na si Sister Regine.

Regine: Ang Sarap naman nito Bro Gio!😍

Ma'am Riza: Napakasarap Iho!

Cedric: Wow Bro! Maari mo nang e-uwi yang Kapatid ko! HEHE
*Pabiro niyang Sabi*

Ako ay nasisiyahan sa naganap ngayon di lang dito sa Pagluto ng Pugita kundi sa Gawain na nakapagbigay luwalhati sa Maykapal.

Bandang hapon ay nagpa-alam ako sa kanilang lahat na uuwi na ako.

Regine's Family: Sige Brother, Salamat po sa pagpunta💖

Regine: Sige Bro Gio ingat ka at Salamat.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now