Chapter 20: Birthday Suprise

19 7 0
                                    

Pagkagising ko ng 6:00 AM ay tulog pa sila, kaya nag devotional muna ako habang nagsaing para pag gising nila ay may nakahanda ng almusal, at dahil graduated na ako ay napag-isipan kong mag research at titingnan ang mga company na pwede kong ma-applyan, dahil civil service exam passer naman ako at hindi yon alam ni Pastor, Kimberly at mga magulang ko.

Ibinalita ko kay Sis Regine ang lahat ng naganap kahapon nong graduation day na sinama ko ang kanyang mga kapatid, subalit ay 3 days na pala siyang offline, baka nga busy si Sis Regine ngayong week kaya ganon. Dahil sa boredness ay naisipan ko nalang na matulog ulit hanggang maghapon, nagtaka ako dahil hindi man Ako pinapansin nila Mama at Papa, pati na rin si Kimberly.

Gio: Hala, ayos lang ba sila? Parang nanibago lang ako nito ah na hindi pinapansin, may kasalanan ba ako? May mali ba akong nagawa? Grabe naman, matutulog na lang ako.

Nilock ko ang kwarto at hinayaan ko nalang sila sa kanilang gawain, para sa paghahanda ng job application sa sunod na araw ay kailangan ko na muna magparelax sa isipan at puso. Sa sandaling iyon ay nakatulog din ako at naglibang na lamang ako sa ano maging mapanaginipan na bunga ng pagtulog.



Pagkagising ko ng alas 3 ng hapon ay nakapagtataka na walang tao, at may sulat na may kasamang pera na sinabing, “Nak, pasensya ka na kanina kung hindi ka namin pinapansin, heto 500 pesos, mag enjoy ka muna sa Mall at manuod ng sine.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit binigyan niya ako ng pera pangpasyal ko lang Mall, pero since minsan lang naman ito ay kaagad na din naligo muli at nagbihis para doon.

At nang makapunta na sa aking paroroonan ay kumain muna ako ng late lunch sa Mang Inasal, at pagkatapos ay bumili na lamang ng isang bag of chips para sa sine. Alam ko naman na matatagalan ako dahil almost 2 hours ang movie, pero sige nalang dahil iyon ang sabi ni Mama.

Pagkatapos ng panonood ng sine ay 8PM na, at parang kinabahan ako dahil ginabihan ako masyado, kaya kaagad akong nag chat kay Mama Charmel at mo response lang.

Gio: Naku! Baka magalit si Mama sa akin dahil napagabi ako ng uwi.

Kaya dali dali akong umuwi ng bahay para mas lalong hindi magalit, pagkarating ko sa boarding house namin, nakapagtataka na walang tao at madilim. Subalit pag on ko sa ilaw ay labis talaga akong na surpresa sa nangyari.

Charmel: Hi Anak! Happy Birthday

Nakalimutan ko na Birthday ko pala ngayon! At na surprise talaga ako, sa sobrang tuwa ay napaluha ako dala na din ang pagyakap nila sa akin.

Reynald: Mahal ka namin Anak, nagustuhan mo ba?

Gio: Opo Dad, nagustuhan ko.

Charmel: Anak may inihanda ako sa iyo na regalo.

Pagtingin ko sa silid ay isang napakalaking regalo ang tumumbad sa akin.

Gio: Ano po ito Ma? Napakalaki naman ito at nag-abala pa kayo ni Papa.

Charmel: Buksan mo iyan Anak, sigurado akong matutuwa ka.

At nang binuksan ko ang regalo ay biglang lumabas si Sister Regine, sabay sabi ng: “Surprise!”

Nagulat talaga ako dahil hindi ko akalain na si Sister Regine ay nakauwi na pala galing sa Canada, sa sobrang tuwa ay niyakap ko siya.

Regine: Namiss kita ng sobra Bro Gio, salamat sa Diyos na naging maayos na ang lahat.

Gio: Namiss din kita Sis Regine, salamat at nandito ka na, sana hindi na tayo maghiwalay.

Napatanong ako kay Mama kung paano nakapasok sa isang kahon si Sis Regine, ngunit sinagot ako no Sis Regine na: “Kagabi ako nakauwi mahal, at ako ang nagtalk sa kanila na nagpakilala din sa mga magulang mo, nalaman ko na Birthday mo ngayon kaya nakiusap ako sa kanila na e-surprise ka namin, at ngayon masaya ako dahil naging masaya ka, kasama ang parents mo.”

Ahead ako ng isang taon sa kanyang academic level, kaya nakapagtataka kung bakit mas pinili na lamang dito sa Pilipinas, kaysa sa Canada na kung saan ay natatamasa niya ang libreng edukasyon. Sa sandaling iyon ay dumating din si Pastor Rolly, kasama ang kanyang asawa at anak na may dalang Isang buong Litson at dumating din sina Eunice at Cedric na may dalang Ice cream na dalawang gallon.

Hindi niya namalayan na nasa likuran lang pala nila si Sis Regine at ginulat ang mga kapatid.

Regine: Bulaga!

Eunice: Wow Ate Regine! Nakauwi ka na pala? Mabuti naman Ate na nandito kana.

Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Eunice sa kanyang Ate.

Regine: Hinding hindi na tayo magkahiwalay pa mga kapatid ko.

Cedric: Masaya ako na nakauwi ka ng safe, kumusta sila Mama at Papa?

Regine: Ayos lang naman sila Kuya, uuwi na din sila sa susunod na buwan.

Cedric: sa susunod na buwan? Bakit ang tagal?

Regine: May importanteng inaasekaso para sa pagbalik ko sa University dito.

Pagkatapos ng pag-uusap ng mga magkakapatid ay nagkusang loob si Sis Regine sa prayer.

Regine: Dakilang Diyos sa lahat, sa Pangalan ni Hesus; Salamat sa gabing ito na ipinagkaloob mo sa amin, lalo na sa minamahal kong si Brother Gio na dinagdagan mo ng taon sa kanyang buhay na magpatuloy sa paglingkod sa Iyo. Panginoon sa mga pagkain na nandito sa aming harapan ay bless this Panginoon, salamat din sa biyaya na aming natanggap na siksik, liglig at umaapaw na mula sa Iyo, Ito’y aming dinadalangin at pinasasalamatan, sa Pangalan ni Hesus, Amen.

Pagkatapos ay kami naghapunan na at nagsalo salo sa pagkaing inihanda,
Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Sis Regine, at habang nasa labas ay nakita ko rin na si Kimberly at Cedric ay nag-uusap. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari nong Graduation day na kung saan ay sinama ko sina Eunice at Cedric, niyakap ako ni Sis Regine dahil sa pagmamalasakit ko sa kanyang mga kapatid.

Gio: Mahal kita Sis Regine, at nirerespeto kita, kaya ang mga kapatid mo ay itinuring ko na rin na parang kapatid ko, hindi dahil mahal kita, kundi napamahal na din ako sa pamilya mo.

Regine: May isang taon nalang para makapagtapos na ako, kaya mo pa rin bang maghintay ng isang taon?

Gio: Basta para sa iyo Sis Regine, kakayanin ko.

Regine: Kapag nakapagtapos na ako Bro Gio, sasamahan kita sa pagbuo ng mga pangarap natin.

Kami ni Sis Regine ay nagsumpaan na kapag nakapagtapos ng pag-aaral ay papayagan na akong manligaw ng mas pormal, kaya pagkatapos ng aming pag-uusap ay bumalik na din kami sa loob at nag enjoy kasama ang buong pamilya.

Iyon po ang pinaka the best na regalo na aking natanggap sa Birthday ko, hindi ko akalain na si Sis Regine pala nasa loob ng kahon para e-suprise ako, lubos akong nasiyahan, hanggang sa sila ay tuluyan ng umuwi dahil mag alas 11 na ng gabi.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Donde viven las historias. Descúbrelo ahora