Chapter 8: We are Schoolmates!

30 9 0
                                    

Makalipas ng ilang Buwan simula nung huling bumisita ako sa church nila Sis Regine ay Di ko akalain na makikita ko rin siya sa unibersidad na pinag-aaralan ko.

Laking gulat naming dalawa nung nakasalubong ko si Sis Regine sa hallway.

Gio: Sis Regine?

Regine: Oy Bro Gio (na may kasamang galak)

Gio: Dito ka na pala nag-aaral?

Regine: Opo, nag transfer na kasi ako eh dahil balita ko na nag offer na sila ng course na gusto ko at tsaka ito lang naman na university na malapit lapit sa amin. Di ko akalain na dito ka rin pala nag-aaral. Masaya ako na hanggang dito rin ay makakasama Kita.

Mas lalo pa akong namotivate sa sinabi ni Sis Regine, HEHE

Ako ay Third Year College Student na at siya naman ay Second Year College na. Alam ko na naging magkasundo kami sa Family niya. Subalit sa aking nararamdaman sa kanya ay nais kong gawing pormal na humarap sa parents niya na ligawan ang Anak nila.
Darating din ako dyan at mag open sa kanya.

*Kring! (Ang sigaw ng bell)*

Gio: Sis Regine, sige pasok muna ako.

Regine: Sige Bro Gio, pagkatapos ay samahan mo muna ako sa library.

Gio: Sige, what about libre Kita Street foods?

Regine: Ah sige! Gusto ko yan! Yehey! Sige na na pasok na rin ako.
Hintayin lang Kita pag kami ang unang natapos.

At dun ay temporary nagpa-alam kami sa isa't isa at pumasok sa aming classroom.
Habang nagsisimula ang aming Klase ay may classmate pa akong nakakilala kay Sister Regine, sapagkat magka Youthmate sila ng ibang local at siya ay si Kyla.

Kasama ko si Kyla sa row na inuupuan ko kung kaya't agad din akong napansin ng kaklase ko.

Kyla: Hello Bro, Ikaw ba yung BF ni Sister Regine?

Gio: Hindi po, malapit na magkaibigan lang.

*Sinabi ko nalang yun para hindi ma issue patungkol sa amin at ni Sister Regine, kahit alam na ng family niya at maging Siya, At mas piniling e private muna.

habang ang bawat isa sa amin ay may klase ay pinagtu-unan lamang ang oras at pagkatapos ay tumungo kami sa Library sabay na mag group study kasama si Sis Regine at sumabay na din si Kyla pati na yung BF niya na same faith lang din nilang dalawa upang mag brainstorming para lang talaga maging mabisa ang lahat ng aming susunod na pagsusulit.

Habang nakipag kwentuhan kasama sila, ay may napag-usapan sila tungkol sa "National Baptist Day".

Subalit ako tahimik lang na nakikinig sa kanila at bigla din napatanong si Kyla kung sasama ba ako sa event, at tugon ko nalang sa kanya na di ako makapunta dahil may youth rally din kami sa UPC.
Di ko akalain na mabigla si Kyla sabay Sabi
"UPC ka!?"

Ang buong akala niya ay Baptist din ako, yun pala big difference ang faith.
Dahil dun tinanong niya si Sis Regine kung bakit daw siya napahanga sa akin.

Kyla: Seryoso Regine? sa dami ng Lalaki sa Org natin, sa UPC pa.

Regine: He is genuine naman sa faith niya at mabait pa.

Kyla: Kahit na! Oneness Believer yan, Trinity believer tayo, bakit ka makipag-isa dyan.

Dahil dun ay nainis at nainsulto ako sa mga sunod na binitawang salita ni Kyla na kung kaya't ako'y lumisan sa lugar na yun at umuwi.

Pagkagat ng Gabi ay si Sis Regine nag chat sa akin ng ganito.

Regine: Sorry Bro Gio sa ginawa ni Kyla sa iyo sa Library, ako din na offend sa ginawa niyang pambabastos sa iyo dahil lang hindi Kita same faith, pero this won't make our relationship stop, no one can stop us, tandaan mo yan.
Don't worry po, pupunta ako sa inyo at sasabay ako sa Youth Rally niyo.

Gio: Wala ka namang kasalanan eh, salamat din sa pag defend sa akin, sorry kung hindi tayo same, sana mag stay ka pa rin.

Regine: Ano ka ba? HAHA! gusto mo sabayin kita sa Pastor mo na regarding sa ating dalawa? Para man lang alam ng Pastor niyo.

At pumayag ako sa gusto niya.

Gio: Goodnight na Sis Regine, sweet dreams, I Love you with the Love of the Lord.

Regine: Goodnight din po my Boo, I will pray for our lives, I want you to stay with me, no matter what barriers hitted us.

Chour... Napa English tuloy si Sis Regine at inamin ko na napakilig niya ako tapos sabay sabi rin niya.

Regine: I Love You with the Love of Our God.

Nabuhayan din ang loob dahil sa kanyang genuine feelings, na feel ko talaga na siya ang para sa akin. Yes! I indeed guard my heart gaya ng nasa (Proverbs 4:23), at na notice to sa kanya na she live what she was taught, mula sa proper Modesty, sa pananalita at sa pakikitungo sa kapwa mananampalataya niya.

That's why kahit Baptist siya ay I still love her, she is not religious fanatic, as long as na parehas kaming save by grace through faith ay walang problema patungkol sa ugnayan namin, minsan nakikinig ako sa preaching ng Baptist, ang lamang lamang ang kinekeep ko at ang mga buto ay ipasa-walang bahala.

At nakatulog din ako ng mahimbing dahil maaga pa ako sa school.
Pagkatungo sa school ay nakalagay sa bulletin board patungkol sa Religious event na pumapatungkol sa patimpalak ng pag-awit.
Lahat ng relihiyon kasali, maging ang Muslim ay kasali.
May judge na apat and also prof din sa school namin each one of them ay iba ang religious sect and denominations (Catholic, Born Again, Seventh Day Adventist, at Muslim)
Ang even na yun ay pwede solo or duo.

Ang purpose daw ay to promote the moral sacred value inside the school.

nag inquire din ako sa office patungkol yan at nung pagkasabi ko na UPC ako at nais maka duo ang isang Baptist na dalaga ay hindi nila ako pinahintulutan at wala na akong nagawa kundi mag solo nalang hehe, at agad kong pinuntahan si Sis Regine sa room nila kasi di pumasok ang prof nila kung kaya naman sinabi ko ito sa kanya at agad din kami nagpa register kahit solo lang na event.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now