Chapter 2: First Invitation

38 11 0
                                    

At nung umalis na sila Sister Regine at mga kasamahan niya ay umuwi na rin kami ng pamangkin ko.
Biglang napatanong ang Pamangkin ng ganito.

"Kuya, ano pala pinag usapan niyo ni Ate Regine?"

Gio: Patungkol lamang sa aral sa Bibliya.

Bagamat may mga bagay na hindi namin pinag sang-ayonan, subalit nagawa ko rin na e-stalk sa Facebook si Regine at naisipan na e add friend.

Napahangga ako kahit papano. Dahil sa taglay niyang ganda ay nanatiling simple at masunurin sa DIYOS na parang yung type of girl na hinahanap ng mga boys ay nasa kanya, dahil kahit man na hindi ko pinag sang-ayonan ay respectful pa rin ang mga naging respond niya sa akin.

At di ako nabigo nang na accept friend request at una siyang nag message sa akin.

Regine: Salamat Bro Gio sa pag add mo sa akin.

Gio: Salamat din po Sister sa pag accept😊
Di ko po akalain na e accept mo ako, sana di ka na bad mood nung last kita natin.

Regine: Wala naman yun Brother at pagpasensyahan mo na yung mga kasamahan ko.

Pansamantalang itinigil namin ang pag discuss patungkol sa Doctrine.
At nagkasundo kami na maging Magkaibigan.

Habang tumatagal ang pag-uusap namin ay biglang napabangit si Regine na kung maari bang mapabilang sa kanilang Group Chat sa Facebook patungkol sa Word of God.
Nahihiya ako nung una, subalit iminungkahi niya na mas makatulong daw ito sa pag exercise ng Faith ko.

At di nag tagal ay nakapasok ako sa GC nila subalit akala ko ay sa mga kasamahan niya sa kanilang local church, laging gulat ko na nandun din pala sa GC yung isa sa mga UPC Youth na nasa ibang District.
(Napatanong ako ng ganito.)

"Halo ba lahat ng mga members dito?"

Reply ni Sis Regine na "Opo"

At dun ay parang na feel comfortable ako dun na magpakilala at unti-unting naging malapit na kami ni Sis Regine sa isa't isa.

And then Sunday Morning ay papunta na ako sa Church upang mag attend ng fellowship, tapos nabigla lang ako kung bakit alam ng mga kasamahan ko na may nakilala akong Baptist Girl, sabay sabi na

"Naku Bro, sa dami² ng Pentecostal lady pwede mong maging crush e bakit napadpad ka sa Baptist?"

Sabay sagot ko sa kanila ng ganito:

"Di naman crush, kaibigan ko lang yan si Sister Regine bukod sa Maganda na eh Genuine pa sa pag soul winning niya at pagtuturo sa mga Bata ng mabuti."

At Di na kumibo ang mga kasamahan ko sapagkat ay na assign sila sa Music Ministry at alam kong barely lang kami maka-usap. Kung kaya't masabay ko lamang sila kapag Mag Lunch na sabay ang mga kapatid sa loob ng Church.

At paglabas ko sa Church ay laking gulat ko na makita si Sister Regine sa tapat mismo ng Church namin!

Gio: Sister Regine! Hello, napabisita ka dito sa amin?

Regine: Hehe dumalaw lang ako sa Lola ko, at di ko akalain na dito lang pala ang Church niyo.

Gio: Yes po Sister welcome ka sa Church namin.

Regine: Ah Okay, Salamat nalang po, anyway.. kumusta Fellowship niyo?

Gio: Maayos naman Sis Regine, blessed na blessed😁
Kayo po?

Regine: Maayos din sa amin at sobrang na blessed sa naging ganap dun sa Church.

Gio: Sister Regine, sige po uuwi muna ako sa amin.

Regine: Brother Gio, may District Youth Camp kami at sa aming Local Church gaganapin. Nais sana kitang imbitahin kung ayos lang sa Iyo😊

Gio: Sana hindi maging conflict dito sa Service namin sa Church, what day yan gaganapin?

Regine: it's 3 Days po, Thursday ng Umaga Arrival at Saturday ng Umaga din ang Departure.

Gusto ko sanang mas makilala siya ng lubusan at di naman conflict sa scheduled time sa service, kung kaya't tinangap ko ang invitation niya sa darating na Thursday dala ng paghahanda sa sarili sa maging possible na mangyayaring discussion pag nalaman nilang Pentecostal ako.

Gio: Sige Sis Regine, pero wala man ko katuod sa Church ninyo.

Regine: Hintayin kita sa lugar kung saan tayo unang nagkita.

Kikiligin na ba ako nito?😍
Kasi sa naging Female friends ko noon ay sa kanya lang ako nakaranas ng effort.
At pagkauwi ay agad² na nag ready sa mga susuotin ko that time dala na rin sa nakaugalian na mag Evening Devotion.

Pero since it's Thursday man ang arrival eh kailangan muna ako mag attend ng aming Midweek Service at dala na paalam sa Pastor namin dun.

At pagkatapos ng Midweek Service ay Salamat sa DIYOS at pinahintulutan ako dala na ang prayer para sa akin na maging matatag ang Faith ko.

UPC Pastor: Basta Gio, kung may mga katanungan at possible na discussion is ayusin mo lang ang pakikitungo mo sa kanila.

Gio: Opo Pastor

UPC Pastor: Basta pupunta ka lang dun gaya ng pag invite siya sa iyo.

*Thursday Morning*
Gumising ako ng 5AM na may kasamang unang panalangin at naligo pagkatapos, dala ng pag handa mga susuotin, at mga hygienic materials para sa personal at di mawawala ang Bible.

At nang nakabihis na ako na pang simba talaga ay tumungo na ako sa lugar kung saan kami unang nagkita gaya ng napagkasundoan namin ni Sis Regine.

At 10 Minutes na paghihintay ay dumating na si Sister Regine at natulala saglit sa harapan ko.

Regine: Wow! Bro Gio? Napakagwapo mo!

Sabay biro ni Sis Regine na dahil daw sa kagwapuhan ko ay baka maging Pentecostal din daw siya😂

Pero sa mga sinabi niya ay di ko mapagkaila na nabublush sa kanya subalit di man mahalata, kung kaya't pagsikapin ko talaga na pakisamahan yung mga Baptist Brethrens niya sa kanilang Local

Sakay ng Tricycle ay tutungo na kami sa Church nila Sister Regine.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon